Chapter 5

2 1 0
                                    

Sa sobrang kilig ko sa paguusap namin sa phone kagabi ni Louie 'di ko namalayan ang oras buti nalang ginising ako ni Manang Cecilia. Sino ba kasing hindi makakaget over sa sinabi ng nagiisang ultimate crush mo simula elem palang. DIBUH???

"Manang Cecilia nasaan po si Kuya?" Pagtatanong ko habang kumakain ako ng breakfast.

"Nauna na siya Hailey, maglalaro daw kasi sila ng basketball ng mga classmates niya." Tugon naman niya sa akin habang hinahanda ang baunan ko. Nakakainis talaga si kuya. Dali dali ako umakyat para magbihis.

Si Manang Cecilia ang nagalaga sa amin ng kuya andre simula elem palang kami. Nasa abroad kasi ang magulang namin at hiwalay sila. May times din na binibisita kami ng iba naming tita dito sa bahay para ipaggrocery o kung ano man kailangan namin.

"Hello po Manang Cecilia, gising na po ba si Hailey?" May boses ng lalaki ako narinig sa baba, hindi ko inakala na si Louie pala. ANO???SI LOUIE???? Dali dali akong bumaba ang bigla akong nadulas.

"Oo Louie hintayin mo nalang siya nagbibihis pa siya sa taas" narinig kong sagot ni Manang Cecilia.

"Aray ko!" Bigla akong nilapitan ni Louie at makikita mong pilit niyang pinipigilan ang pagtawa niya. Tinulungan niya ako tumayo at hinampas ko siya ng malakas!

"Bakit ka tumatawa ha! Ang sakit sakit nga 'e" pagsusungit ko sakanya habang hinihimas ko ang puwet ko sa sobrang sakit.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali Hailey? Oh eto ang baon mo pumasok na kayo ni Louie" pagtatakang tanong ni Manang Cecilia sa akin.

"Oo nga Hailey bakit ka ba nagmamadali, miss mo ba ako at gusto mo agad makita mukha ko? HAHAHAHAHA" pangaasar niya sa akin at bigla niyang kinuha ang bag ko.

"Manang oh si Louie ang kapal kapal ng mukha!!!!" Pagpapabebe ko. Oo Louie gusto ko makita mukha mo duh!

"Oh siya pumasok na kayong dalawa baka malate pa kayo 'e" tugon ni Manang Cecilia.

Habang nakasakay ako sa likod ng bike ni Louie may kung ano nanamang hindi ko malaman ang tila gumagalaw sa loob sa tiyan ko. Naramdaman ko nanaman ang paginit ng mga pisngi ko. Ang dami na ding nakakakita sa amin at s'yempre isa na doon si Gelie at Marc.

"Bakit mo ba ako sinundo? Kaya ko naman magcommute magisa atsaka nakakahiya.." Sabi ko sakanya habang nakayuko dahil papasok na kami sa gate ng school.

"HAILEEEEYYYYYYYYYY ANO 'YAN HAAAA" pagsigaw ni Gelie habang tumatakbo papalapit sa amin kasama niya din si Marc.

"Ah e pumunta kasi si Louie sa bahay.." Ang sakit pa din ng puwet ko hays kasi namang louie na 'to. Maya maya pa biglang hinampas ng malakas ni Gelie ang puwet ko.

"ARAY KOO!" malakas sigaw ko.

"Anong nangyari okay ka lang ba Hailey??" Paglapit ni marc at inalalayan niya ako.

"Hala hailey sorry ano ba nangyari sayo??" Nagaalalang tanong ni Gelie. Kung p'wede ko lang sabihin na nadulas ako kasi masaya akong makita si Louie kaso biglang sumabat si Louie.

"Paano ba naman excited ako makita ayon nadulas sa hagdan nila HAHAHAHA" pagmamayabang na sagot niya.

"Hoy ang kapal talaga ng mukha mo Louie!!!" Akmang hahabulin ko pa dapat siya kaso bigla ako hinila ni Marc at inalalayan.

"Hayaan mo na 'yon Hailey HAHAHA tara akyat na tayo sa room." Hinawakan niya ako sa braso pero pumiglas ako.

"Ah e.. Okay lang ako Marc thank youu hehe.." Pagpilit ko na tawa, biglang naging awkward yung moment kaya sinabi nalang ni gelie na umakyat na kami.

Pagpasok namin ng room inaasar ako ng mga classmates ko, kesyo sabay daw kami pumasok ni Louie at naka angkas pa daw ako sa bike. May mga ibang babae naman na ang sama ng tingin sa akin parang gusto na ako lamunin. Nakaramdam nanaman ako ng paginit sa aking mga pisngi at may biglang sumigaw ng

"Si HAILEY MARQUEZ NAGBLUBLUSH TIGNAN NIYO NG MAIGI HAHAHAHAHAHA" saktong biglang pumasok sa room namin si Louie at marc napalingon ako sakanila pero dali dali akong umupo agad sa upuan ko nahihiya na ako sa nangyayari. Gusto ko na po magpalamon sa lupa kung naririnig niyo ko po ako mga bathala.

Ako na din kumuha ng gamit ko sa locker alam ko kasing maguunahan nanaman sila kaya sila pumunta sa room ko, inunahan ko na sila para 'di na awkward pa. Habang kumakain kami ni Gelie sa canteen, kinuwento ko kahat ng nangyari sa call kagabi at kaninang umaga.

"OMY TALAGA BA HAILEY?? SO ANO NA ANG STATUS NIYO NI MR. LOUIE HA??" Makikita mo yung saya sa mata ni Gelie yung kilig mararamdaman mo sakanya. May pahampas effect pa siya habang kinikilig. Ang sakit na tuloy ng braso ko.

"Ah hindi ko nga din alam 'e... Ang gulo gulo Gelie ano na gagawin ko?" Malungkot na tugon ko. "Hays" pagbuntong hininga ko pa.. Ang gulo naman talaga kasi ng kinikilos ni Louie.

"Hindi ba ayan naman yung pangarap mo Hailey? Nandiyan na oh tatanggi ka pa?" Pagtatakang tanong niya sa akin. Oo nga eto yung gusto ko pero hindi ako handa at pakiramdam ko.... Hindi din 'to magtatagal bata pa kami at isa pa hindi siya nagaaral ng mabuti, ayoko lang makadagdag sa balakkt niya.

"Oo nga pangarap ko 'to pero gusto ko sanang ayusin niya muna yung pagaaral niya para wala ding masabi ang ibang tao sa amin.." Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Kaya ka nga nandiyan hailey 'e edi tulungan mo siya." Hinawakan ni gelie ang mga kamay ko ang ningitian. Oo nga kailangan ko siya tulungan.

Sa totoo lang hindi naman ganon kataasan ang mga marka ko, pero si Louie kilala siya bilang pilyong bata at hindi pala aral, gusto ko magbago yung tingin ng iba sakanya. Gusto kong makita nila kung gaano kasipag at kabait si Louie. Hindi naman talaga tamad si Louie gaya ng iniisip ng ibang tao sakanya.

"Mamaya pala hindi ako makakasabay ng uwi ha susunduin daw ako ni CJ kain daw kami sa labas diba kasama si Louie" pagpapaalala ko sa best friend ko.

"Oo na Ms. Hailey haba ng hair mo 'e 'no diba, HAAHAHAHA" pangaasar niya sa akin.

Sa wakas uwian na, nagmadali akong bumaba at nakita ko si CJ naghihintay sa waiting shed. Nang makita na niya ako, dali dali siyang lumapit sa akin.

"Tara na ba? Saan mo gusto kumain? Asan na pala si Louie?" Pagtatanong niya at kinuha niya ang bag ko.

"Ahm.. Pababa na siguro 'yon, oh ayon oh naglalakad na papunta dito." Sabay turo ko sa malayo kay Louie.

Medyo ang awkward nagapiran sila, napagkasunduan naming tatlo na kumain nalang sa McDo tutal mas malapit na 'yon sa bahay namin. At isa pa paborito ko din kumain sa McDo lalo na pagkasama si CJ.

The Taste of First Love Where stories live. Discover now