Chapter 2

5 1 0
                                    

Nagdaan ang ilang buwan, walang bago para parin kaming aso't pusa ni Louie may mga oras na magdamag na kami magkausap sa telepono. Hindi ko alam kung ano ba yung nararamdaman ko, kung masaya ba ako dahil matagal ko na siyang crush o dahil masaya ako kasi masaya lang talaga siya kausap. Hanggang sa isang araw bigla nalang nagiba ang ihip ng hangin sa aming dalawa.

"Ikaw Hailey ah may tinatago ka sa amin na 'di namin alam hahaha!" Pagsabi ng best friend ko pagkapasok ko sa room namin. Habang inaasar ako at pinagtatawanan.

Oo nga pala bago ko pa makalimutan, may best friend ako si Gelie Valerino. Naging magbest friend kami noong nasa elem kami, may mga oras na 'di kami nagkakasundo pero halos alam niya na lahat sa akin.

"Ano bang tinutukoy mo gelie? Hindi ko alam 'yang sinasabi mo." Pagsusungit ko sakanya.

"Kaya pala kagabi nawrong message ka sa akin, siguro para kay Louie 'yon 'no" Pangaasar pa din niya sa akin. Paano ba naman kagabi sa sobrang antok ko 'di ko namalayan na si gelie pala nagchat sa akin imbis na para kay louie.

"Ewan ko sayo gelie, sobrang antok ko na talaga kagabi haha, wag ka nalang maingay diyan che" Sabay pumunta ako sa locker ko. Paglabas ko nakita ko si Louie late nanaman.

Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam nang kung ano sa loob ng tiyan ko, parang may lumilipad na 'di ki malaman. Nagkatinginan kami pero umiwas agad ako ta's nagmadali may balak kasi siyang lumapit sa akin.

"Magkwento ka naman sa akin Hailey, ano na ba status niyo ni baboy! Pasuspense ka pa sa status niyo 'e" pagdaldal ni gelie sa akin habang naglalakad lakad kami, sa wakas malapit na uli ang uwian.

"Wala naman magkaibigan lang kami ni Louie, ganon pa din naman nagkakausap kami pero ewan ko ba" pagkwento ko sakanya.

"May mga oras na masaya ako pagnagrereply siya sa akin ng mabilis, may mga oras din na nahihiya na ako pagnakikita ko siya sa personal, parang alam mo 'yon kailangan ko maging pabebe hahaha" pagdagdag ko pa.

"Sino ba naman 'di mahihiya, alam naman nating dalawa na elem palang crush mo na 'yang si Louie kahit pa lagi ka niya inaasar" sabi niya. Oo nga ilang taon na din, may mangyayari kaya sa aming dalawa.

"Hays ewan ko pa Gelie bahala na muna" pagbuntong hininga ko.

Sa wakas makakauwi na ako, kaya lang narinig ko kanina sila Dan nagplaplano uli sila umuwi ng late for sure sasama si Louie. Hindi bali matutulog muna ako malaya naman siyang gawin ano gusto niya.

*4 chat messages*
Louie: hello po baboy :)
Louie: kakauwi ko lang po nagbasketball kami :D
Marc: hi hailey <3
Gelie: haileeeyyyyyy ano nga uli assignment natin? Anong page 'yon?
*3 missed calls from Gelie Valerino*
Ano ba naman 'yan bakit ang ingay ingay, 'di ko namalayan 7 pm na pala. Saglit nga, bakit ang dami kong messages.

Louie: hello po baboy :)
Kakauwi ko lang po nagbasketball kami :D
Hailey: hi kakagising ko lang nakatulog ako paguwi ko hehe.
*1 chat message*
Louie: kamusta po ? kaen kana po
Hailey: tapos na, kaw den kain kana hehe

Marc: hi hailey <3
Hailey: hello slr :)
*1 chat message*
Marc: ok ka lng ba ? Musta ka ?
Hailey: ok lang marc, sge bye na

Gelie: haileeeyyyyyy ano nga uli assignment natin? Anong page 'yon?
*3 missed calls from Gelie Valerino*
Hailey: sorryyyy gelie nakatulog ako, page 55 daw, nagawa mo na ba?
*1 chat message*
Gelie: oo hailey! Thaank you mwaa
*Louie Jon Cruz is calling you*

"Hello.. ahm" pabebeng pagsagot ko sa tawag niya grabe bakit biglaan what the HEAAL HAHAHAHAHAHA. Okay kalma hailey kumalma ka okay lang 'yan.

"HIIIIIIIII BABOYYYYY HAHAHAHHAHAAHAHAHA" pagsigaw niya ng malakas sa telepono.
"ANO BA LOUIE! ANG SAKIT SA TENGA NAKA EARPHONES AKO!!" Pagsusungit na sabi ko sakanya, grabe tila nagising diwa ko doon.

"HAHAHAHAHAHAHA miss mo ba ako hailey ay este baboy" pangaasar niya sa akin.

"Kapal naman ng mukha mo! Anong miss??? Baka ikaw 'yon hahaha" mahina at pabebeng pagtawa ko.

"Ay oo nga pala kasama namin si Marc kanina sa basketball" pagkwento niya.

Si Marc Angeles ay classmate ko at may gusto din daw sa akin pero wala naman ako pake kasi magkaibigan lang kami. Sweet niya, oo pero iba kasi yung aura niya? Alam niyo 'yon? May sense of humor siya pero nakakasura siya minsan.

"Sabi ni Marc sa amin na liligawan ka daw niya sabi ko wag kasi baboy ka matakaw ka kumain HAHAHAHAHAHA" pagdagdag niya na may halong pangaasar.

"Excuse me ho Mr. Louie! Anong matakaw????? Atsaka hindi ko naman gusto si Marc magkaibigan lang kami alam niya 'yon." Hindi ko naman talaga siya gusto kasi ikaw ang gusto ko louie pero bakit ang manhid mo??

"Sige Louie tulog na ako bukas nalang bye bye" pagiwas ko sakanya at antok na ako uli.

"Ah e kakagising mo lang ah? Sige sabay tayo bukas ng umaga ha! Bye baboy" sasagot pa sana ako kaso binaba niya na agad. Bahala siya diyan lagi siyang late pumapasok 'di ko siya hintayin.

Louie's POV
"Mga pre!! Sa tingin niyo ba ligawan ko na si Hailey? Okay lang ba sayo pre? HAHAHAHAHA" Napalingon ako kay Marc ng bigla niya sabihin 'yon sa aming magtrotropa.

"Papayag ba 'tong si Kuya Andre na paligawan si Hailey sayo?" Pangaasar ng tropa kay Marc.

"Atsaka isa pa pre wag kana kay Hailey ang takaw takaw non parang baboy" pagsabat ko sakanila pagkatapos ko bumili ng ice tubig.

"Diba Andre ang takaw takaw ni Hailey HAHAHAHA" pagdugtong ko pa. Ang totoo lang talaga niyan.. Ayoko lang na may makaagaw sa akin kay Hailey. Ilang taon ko hinintay yung pagkakataon na 'to at eto na yung oras para magpakatino ako at ligawan si hailey.

"Tara na mga pre para abutan pa natin yung patok na jeep!" Pagaaya sa amin ni dan.

Aaminin ko nung umalis ng isang taon si Hailey sa school, hinintay ko siya. Madalas ko din siyang iistalk sa wall niya para lang makita yung mga post niya. Ngayon na nandiyan na siya handa na akong sumugal kahit alam kong bata pa kami. Wala ng atrasan pa 'to gagawin ko ang lahat para lang maging kami ni hailey. Aayusin ko yung sarili ko para masabi nilang p'wede ko din siyang mahalin. Kung sa tutuusin nga si Hailey ang first love ko at ang huling mamahalin ko.

The Taste of First Love Where stories live. Discover now