Chapter 3Sedan
"Himala at naka turtle neck ka?" natatawang ani ni Brian habang nilalantakan ang ulam ni Med. Kapal rin talaga ng mukha ng gunggong na'to!
"Pake mo?" I rolled my eyes.
"Pake mo?" He mimic me. Sinamaan ko siya ng tingin. Itapon ko kaya 'yang kinakain niya makita niya.
"Hi Mamang!" bati sakin ni Eden ng dumaan siya sa gilid namin. I nodded at him. He's gay.
May kasama rin siyang mga kaibigan niya na ngumiti ng makita rin ako. Sikat ako no? Sino ba namang hindi sisikat pagmaygulo ando'n ako. Siyempre kasali ako sa gulo. Pasimuno pa mismo. Akala nila Nanay na barkada ko ang nakaka bad influence sa'kin but boom! It was me!
"Lig..." nilingon ko si Med na busy sa kanyang cellphone ng tawagin niya ako.
"Ano?"
"Bumalik dito kahapon si Francine." Napataas naman ang kilay ko. Talagang disidido siya, ah'?
"O' tapos?"
"Kinukilit niya ako sa number mo."
"Binigay mo?" mataray kong tanong. Umiling naman siya.
"Hindi. Hate ko rin siya. Ano ka ba!"
Napaingos naman si Brian sa tabi niya.
"Wala namang ginagawa sainyo 'yong tao. Pero ganyan kayo na pagkaisahan siya!"
Galit naman na nilingon namin siya ni Med.
"Tumahimik ka, Brian. Ingungod-ngud ko talaga ang pagmumuka mo diyan sa kinakain mo!" asik ko.
"Pinagtatanggol mo ba siya sa'min?" si Med.
Tumigil naman siya sa pagkain at hinarap kaming dalawa. Naningkit ang mata ko.
"Hindi! Hindi naman niya ako pinapakain gaya niyo kaya, sige lang I hate niyo siya! Support ako sainyo!"
Ang bilis talaga ng gunggung na ito! Isang tingin ko lang ay binawi na niya kaagad ang kanyang sinabi.
Wala sina Kate at Leo kasi may mga klase pa sila. Habang kami naman ay mag kaklase sa isang subject kaya ng malaman na wala ang professor namin ay tumambay na kami rito. Ang huling klase na papasukan ko ay ako lang mag-isa. 3:30 ng hapon ang out ko at may isang oras pa ako para maghanda sa mangyayari mamaya.
Huling klase na at busy lahat ang mga kaklase ko sa pag take down ng notes. While me? Lumilipad ang isip ko at lutang. Akala siguro ng prof. namin na nakikinig ako dahil tutok na tutok ako sa harapan.
Nahirapan pa akong umuwi kahapon dahil sa iniwang marka ni Monteza. I really love to call him Keith pero ayaw ko namang maging pa close, na kilala niya rin ako para tawagin siya sa pangalan niya. Ayaw ko rin namang tawagin siyang Rafa dahil hindi ako gayagaya.
Titig na titig sa'kin ang matatalim na mata ni Kuya Kian ng makauwi ako kahapon. Parang isang tingin niya lang ay alam na niya lahat ng nangyari sakin kahapon.
Kahapon rin ay balot na balot ako sa bahay. Nagkulong narin ako sa kwarto ko at hindi na lumabas pa tinext ko na rin sila Kate na hindi ako makakapunta dahil sumakit ang tiyan ko.
Sayang talaga 'yon! Libre pa naman ni Brian. Minsan lang siya manlibre pero alam ko namang magtataka sila sa'kin.
Hanggang ngayon nga ay inaantok pa ako dahil matagal rin akong nakatulog kagabi. Sa tuwing pipikit ako ay naaalala ko ang ginawa sa'kin ni Monteza. Kung paano niya pinag-init ang katawan ko.

YOU ARE READING
LIGAYA
Romance[Warning: Grammatical and Typo Errors Ahead] Ligaya is not your ordinary girl. Maraming kaibigan, tropa at lalong lalo na sa lahat ay siga. Ni wala pang nakakapagpapatiklop sakanya, except her family. But there this one guy who she really likes. And...