Sabihin niyo nga sakin kung paano mapapaibig ang lalaking matigas pa sa bato?Gamitan ko na lang kaya ng martilyo? Ipupokpok ko lang sa malabato niyang puso.
Sayawan ko kaya ng Budots? Hindi rin naman kasi ako marunong sumayaw ng sexy sexy. Pero marunong akong sumayaw ng budots na kamay at tuhod lang ang gamit. Konting sway sway lang ng kamay kunting galaw ng tuhod.
Pero tanginang talagang puso ng lalakeng 'to! Para namang babae! Pa hard to get pa! Asus!
Bukod sa gwapo siya at mayaman, marami ring nagkakagusto sa kanya na mga desente na babae. Yung mga anak may kaya at mayayaman. Yung pam-model ang katawan.
Eh! Eh! Desente rin naman ako pero wala lang sa hulog. May katawan nga ako pero wala namang suso! Mayaman naman ako! Mayaman sa pagmamahal ng aking pamilya.
Isa lang naman ang pangarap ko. Maibaling lang niya sa'kin ang atensyon niya ay solb na solb na ako dun! Kahit man napakaimposible.
Isa lang naman akong babaeng hinding hindi niya pagtutuunan ng pansin. Napakalayo niya pero kayang-kaya ko 'yong abutin!
By the way! This is Annetta Ligaya Lapuz! A.k.a; Lig, Anet, Gay, Mamang in short 'bhiebhiemowzporever'. Nag-iiwan ng katagang. Mahalin mo ako at mamahalin kita ng todo! Wala ng paligoy ligoy! I love you too bhei! Yieeehhh...
Thank you... Next!
____________________________________________________________________________☀y
(Budots - tawag sa sayaw ng mga bisaya mapakalye man, eskwelahan mapakahit saan!)
![](https://img.wattpad.com/cover/224400879-288-k242446.jpg)
YOU ARE READING
LIGAYA
Romance[Warning: Grammatical and Typo Errors Ahead] Ligaya is not your ordinary girl. Maraming kaibigan, tropa at lalong lalo na sa lahat ay siga. Ni wala pang nakakapagpapatiklop sakanya, except her family. But there this one guy who she really likes. And...