Chapter 24th Floor
"Lapuz..."
Tumaas ang kilay ko ng tawagin ako ni Francine. Ang kapal niyang tawag tawagin ako sa harapan ng kaibigan ko! Ayoko sakanya! Hindi lang naman ako ang may ayaw sakanya. Madami rin kami.
"Ano?!" pasinghal kong sagot.
Napayuko naman siya.
"P-pwede bang m-mag-usap tayo?"
Napangisi naman ako.
"Nag-uusap na nga tayo! Bobo nito!" umirap ako. Nagtawanan naman sina Kate.
"Y-yung tayo l-lang dalawa..."
I gritted my teeth. The reason why I hate her ay dahil masyado siyang pa close kay Monteza. I hate to admit it but she's too perfect for him and I envy her.
Pretty, rich, kind and very petite ang the fact that mag close friends ang family nila. Business is business. Once na anak ka ng mayaman marami kang privileges sa lahat ng bagay.
Nagkibikit balikat ako at inirapan siya bago naunang umalis sakanya. I stop when I realized na hindi siya sumunod sakin. Nilingon ko siya ng nakataas ng kilay.
Boba.
I stop walking when we reach that parking lot and face her. Wala namang katao tao dahil may ginaganap na Seminar ang mga ibang department.
"So... ano ang gusto mong pag-usapan?" I know I sounds too mean but I can't help it.
Humugot siya ng hininga. Halatang kinakabahan.
"About what happened between you and Rafa yesterday..."
Napangisi naman ako.
"Then what about that?" I arch my brows. Looking how teary-eye she was napapangiti ako. Look at this helpless bitch in front of me.
"Please... lumayo ka sakanya."
"Again?" hindi ko maiwasang magtaas ng boses sakanya. Inuutusan niya ba ako?
"Please... lumayo ka sakanya. H-hindi siya makakabuti sayo..."
I gritted my teeth. 'Wag niya akong mautos utusan!
"So what? Kung hindi siya makakabuti sa'kin ay wala kang pakealam d'on! 'Wag mo akong pagsabihan na layuan siya para lang sayo! Dahil lang mahirap kami at ikaw ay mayaman uutos-utusan mo ako!"
Iniling-iling niya ang kanyang ulo habang umiiyak. She tried to hold my hand pero winakli ko ito.
"Alam mo? Napupuno na ako sayo! Di porket mayaman ka ay para na kayo sa isa't isa. Na pumunta ka pa sakin para sabihing lumayo ako sakanya! Natatakot ka ba sa'kin? Are you threatened?" I smirked at her bago siya iniwan mag-isa.
Hindi ko kailangan sundin ang sinasabi niya. I like him for two years since we were grade 12 and now were in 2nd year college. I don't know bakit hindi ako makahanap ng pamalit niya.
Like madami naman akong kaklase na mga gwapo pero na stuck na ata ang mata ko sakanya at hindi na maibaling pa sa iba.
Papansin na kung papansin at least na no-notice niya ako. Eh' kayo?
"Lapuz!"
Hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin ni Francine. Hinding-hindi ako makikinig sakanya! At lalong hinding-hindi ko rin susundin ang utos niya!
Nagpupuyos ako sa galit sa sinabi niya. Maganda ang takbo ng araw ko simula kaninang umaga pagkatapos ng nangyari kahapon like wala na akong pake kung napahiya ako do'n kahapon. Tapos dumating lang siya at sinira ang mood ko?!
YOU ARE READING
LIGAYA
Romance[Warning: Grammatical and Typo Errors Ahead] Ligaya is not your ordinary girl. Maraming kaibigan, tropa at lalong lalo na sa lahat ay siga. Ni wala pang nakakapagpapatiklop sakanya, except her family. But there this one guy who she really likes. And...