Chapter 1Mini Forest
"Ligaya~ Aasahang iibigin ka sa tanghali't sa gabi at umaga~ 'Wag ka sanang mag tanong at magduda~ Dahil ang puso ko'y walang pangamba--"
"Putang-inang! Ang ingay niyo!!"
Muntik ko nang ibato sa Manila ang inuupuan kong mononlock kung hindi lang nandito si Nanay. Lintik!"Ligaya! Sige naman oh! Payagan mo nang ligawan kita!" pagsusumamong sigaw ni Jungpyo sa ibaba ng aming teresa.
Halos namilog ang aking mata sa isinigaw niya. Rinig ko pa ang hagikhikan ng mga nakarinig at mga tropa niya.
Napalingon naman ako sa likod ko ng makita ko ang matalim na tingin sa'kin ni Nanay. Hilaw naman akong ngumiti.
"Magpapaligaw ka kay Jungpyo?" malumanay niyang tanong. Her face screams danger! Danger! Charooz
"Ano ka ba naman mother earth! Syempre hindi! Kahit na kaparehas sila ng pangalan ng idolo mo ay hinding-hindi ko iyan papatulan!" lumapit pa ako sakanya at dahan dahan siyang hinila papasok sa sala.
Hindi pa kami tapos ng Jungpyong iyon! Makakatikim talaga silang lahat ng tropa niya ng regalo galing sakin... Hmm.
"Naku! Mahuli lang talaga kitang may kalandian Anet! Pagbubuhol -buholin ko talaga ang mga bolbol niyong dalawa!" banta niya pa sabay punas sa labi ko. "Hindi kami tutol sa mga barkada mo. Kaya 'wag na 'wag mo kaming gagagahin sa pag-aaral mo... Naghirap kami ng tatay mo sa pagtatrabaho para mapaayos kayong lahat sa pag-aaral. At ang hinihingi lang naming kapalit ay ang diploma ng kolehiyo."
Niyakap ko naman siya at sinimulang kilitiin pero imbis na tawa ang matanggap ko ay isang hambalos sa ulo. Aray ko!
"Nubanamanyan!" aarte pa akong lalapit muli sakanya ng abutin niya sa paa niya ang kanyang panloob na tsinelas at akmang ibabato sa'kin. Imbis na lumapit ako ay dali-dali na akong tumakbo pababa ng hagdan. Bitbit ang panyo na inilalagay ko sa ulo ko at iniipit sa magkabilang tainga ko.
Naabutan ko pa sa baba sila Kuya na nagseserve ng mga ulam sa mga costumer namin. Busy silang lahat kaya walang nakapansin sakin ng lumabas ako.
Naabutan ko pa sila Jungpyo and friends sa may gilid namin at inuuupuan ang mga bulaklak ni Nanay sa may kaang.
Nang makita ako ni Jungpyo ay sinalubong niya naman ako ng ngiti at akmang lalapit pa sakin.
"Ayan na ang pinakamamahal kong, Ligaya!"
Imbis na yakap ay isang sampal sa likod ng palad ang lumatay sa pisngi niya.
Nginisihan ko siya. Anong akala niya sakin? Babalewalain lang ang pagpapakahiya niyang ginawa sa'kin? Noo waaay!! Gaganti ako!
"Aray ko po!" Hinawakan pa niya ang pisngi na sinampal ko at bumaling parin sakin ng nakangiti. "Tatanggapin ko ang lahat ng iyong mga pasakit, mahal kong Ligaya. Handa akong masaktan para sa pag-ibig mo..."
Halos umusok ang tainga ko sa sinabi niya. Nakakasuka! Pweee! Narinig ko pa ang panggagatong ng mga kapitbahay naming tsismosa at ususera.
"Gusto mong ma bayagan, Jungpyo?" malumanay ko tanong. Nagsi atrasan naman ang mga barkada niya.
Imbis na matakot ay humakbang pa siya papalapit sa'kin na lalong nakakapang-inis dahil naamoy ko ang baho ng kanyang kili-kili! Gross!!
"Para lang naman sa'yo to. Pwede mong gawin kong ano ang gusto mo sa bayag ko...hmm?"
Boom!
Rinig ko ang hiyawan ng mga nakakita sa ginawa ko kay Jungpyo... Nararapat lang sakanya ang ginawa ko! Lintek kang gago ka! Ako pa ang inaasar mo? Hah! Tignan mong nangyari sa'yo!
![](https://img.wattpad.com/cover/224400879-288-k242446.jpg)
YOU ARE READING
LIGAYA
Romance[Warning: Grammatical and Typo Errors Ahead] Ligaya is not your ordinary girl. Maraming kaibigan, tropa at lalong lalo na sa lahat ay siga. Ni wala pang nakakapagpapatiklop sakanya, except her family. But there this one guy who she really likes. And...