Chapter 4Start
"Ano bang ginagawa natin dito?" Aniya ko.
Pinalibot ko ang tingin sa kanyang silid. Hindi ako komportable na umupo sa tabi niya kaya doon ako sa may kama. Malambot at malaki ang kama kaya mas lalo tuloy akong inaantok.
Habang siya naman ay busy sa harapan ng kanyang laptop. Ewan ko basta may tina-type siya roon.
Pagkatapos niyang kumain kasama sila Manang Este pati narin si Mang Piyo ay inaya na niya ako papunta dito.
Mag-aalas otso na ng gabi at wala akong alam kung kelan niya ako balak ihatid pauwi. Haayss... Bahala na nga siya. Baka hindi ako makauwi sa ngayon.
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nag-text ulit kina Nanay na hindi ako makakauwi sa ngayon dahil binabalak kong makitulog kila Kate. Nang makareply na siya ay napangiti ako.
Mama:
Umuwi ka agad bukas ng umaga. Mag-ingat ka.
Wala naman talagang problema kung hindi ako makauwi. Basta't magpapaalam ako, okay lang basta walang pasok bukas.
I slid my phone inside my bag. I yawned.
"You sleepy?" Nilingon ko naman si Monteza. Nakatingin rin siya sa'kin.
Inaantok na tumango ako. Umaayos ako ng higa at inalis ang sapatos ko. Hindi naman mabaho ang paa ko.
Bago ako tinamaan ng antok ay tinanong ko muna siya. I closed my eyes and ask him.
"Anong gusto mong itawag ko sayo. I can't call you Rafa and you prohibited me from calling you Keith. Sabihin mo, anong gusto mong itawag ko sayo."
"El. You can call me El." he said.
"El..." I smiled sleepily bago tinamaan ng antok.
Nagising ako dahil na-iihi ako. Papikit-pikit pa at kinukusot ang mata habang pumasok sa isang pintuan doon.
Nang matapos ako ay humarap muna ako sa sink. Sa tabi n'on ay may isang medicine box. Sa di kalayuan sa gilid ko ay isang shower area at isang bathtub. Halatang amoy panlalaki ang may-ari.
Nang tignan konang relo ko ay pasado alas dos na ng madaling araw. At hindi na ako masyadong inaantok. Maaga rin akong nakatulog.
Nang lumabas ako sa kwarto at hinanap si Mon-- si El ay wala siya doon. Kumunot ang noo ko. Nasaan na 'yon?
Wala rin siya sa kanyang inuupuan at wala rin sa kama.
Wow ha? Akala mo tatabihan ka niya?Asa.
Nang hihiga na sana ako sa kama ay bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok si El habang may dala-dalang folder. Nagulat rin siya ng makita akong gising.
"Saan ka galing?" I asked him.
He motioned me the papers. Napatango ako. Umupo siya sa inuupuan niya kanina at sinenyasan ako na tumabi sakanya. Dali-dali akong bumaba sa kama at sumiksik sa tabi niya.
Akmang uusog siya ng pinigilan ko ang braso niya. Narinig ko naman ang pagbuntong hinga niya and handed me a pen and the folder.
Tinanggap ko naman iyon at binuksan. Naglalaman iyon ng aming agreement.
Nakalagay dito kung ilang buwan lang kaming pwede maging mag-buddy. 3 months? So kailangan ko ng kumilos bago pa matapos ang tatlong buwan.
"3 months lang?" Hindi maiwasan ang pait sa tono ko.
Nag-angat ako ng tingin sakanya at ngumiti ng matamis, hiding my pain.
"3 months is long. Plus may benefit ka ring matatanggap mula sakin."
YOU ARE READING
LIGAYA
Romance[Warning: Grammatical and Typo Errors Ahead] Ligaya is not your ordinary girl. Maraming kaibigan, tropa at lalong lalo na sa lahat ay siga. Ni wala pang nakakapagpapatiklop sakanya, except her family. But there this one guy who she really likes. And...