THIS DAY is not my normal day.
Magbuhat nang pumasok ang aming guro sa Matematika ay tila tumigil ang mundo ko literally. Hindi ko alam bakit bigla na lang ako napatulala. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong wala sa mood para makinig sa kahit anong discussion. May sakit ba ako? Pero hindi naman mainit ang balat ko. Mamamatay na ba ako? Oh, my words are even hyperbolic.
Para bang sinaniban ako ng kung sinong ligaw na kaluluwa at ang tanging gusto nitong gawin ay umupo. It is not me. Hindi lang ako basta-basta tititig sa kamay ng teacher namin ngayon while she's writing mathematical problems on the white board. I should also copy what she's writing on my notebook and answer it instantly.
It is really not me. Noong huli akong magkaganito ay noong makilala ko siya noong unang araw ng pasukan. Oo, siya na abalang nagsusulat at nakatayo sa harapan. Her name is Ma'am Aira Joy San Antonio. Siya lang naman ang paborito kong guro sa lahat pero ayaw na ayaw kong naririnig ang buong first name niya.
Ironic ba? Kasi naman, palagi nitong ipinapaalala sa akin ang kasalanan ko. And I am very guilty about it.
It's been seven years no'ng huli kong makita ang bestfriend ko. Seven years and unfortunately, it's still counting. At tandang-tanda ko pa kung bakit siya nawala sa paningin ko ngayon. Walang ibang salita ang lumalabas noon sa bibig ko kundi ang pangalan lang niya.
"Irah."
MAGANDA ANG sikat ng araw noon. Perfect para sa katulad kong bata na maglaro. Pero nasaan ako noon? I am sitting on the floor surrounded by books. My mom smilingly gave me a plate having two chicken sandwiches and a glass filled with fresh orange juice. Hinalikan ko muna si Mama noon sa pisngi bago siya dali-daling bumalik sa sarili niyang desk.
Sa kalagitnaan ng pag-inom ko ng juice ay may biglang nag-doorbell. The produced sound was very familiar to me. Sino ba namang pipindutin nang mabilis ang doorbell namin ng pitong beses kundi ang bestfriend ko lang naman. Malamang ay inihatid siya nina Ninong at Ninang sa amin... and I'm not mistaken.
"Raiden," puno ng enerhiyang bungad sa akin ng isang magandang batang babae pagkabukas ko ng gate. "Tara, laro tayo!"
Nakangiting bumati at nagmano ako kina Ninong at Ninang pagkatapos ay itinuon muli ang tingin kay Irah. She was wearing her favorite Hello Kitty shirt paired with pink leggings and a doll shoes. With her posture, alam kong gustong-gusto na niyang maglaro. She put her wide smile on her face before she kissed her parents and bid them goodbye.
Napailing ako habang sinasarhan ang gate. "Ayaw ko, Irah. Kailangan ko pa kasing sagutin lahat iyong mga math problems na bigay sa akin ni Kuya Drew. Next time na lang," sagot ko sa kanya habang naglalakad papasok sa bahay namin.
"Ay, ayaw mo na naman. Kainis ka naman, Raiden! Puro na lang math book ang kasama mo. Ayaw mo na ba akong kasama?" medyo naluluhang tanong ni Irah na napahinto pa sa pagsunod sa akin sabay tingin na akala mo ay naninisi.
"Hindi naman sa gano'n, Irah. In fact, I like that you are here. Pero kailangan ko pa kasing sagutin lahat ng ito," paliwanag ko naman sabay turo sa mga librong nakalapag sa maliit na mesa. "Lagot kasi ako kay Kuya Drew kung hindi ko nasagot lahat ng ito. Pero kung gusto mo, tulungan mo na lang ako. Pagkatapos, makakapaglaro na tayo. Ayaw mo no'n?" dagdag ko.
Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Talaga ba, Raiden? Maglalaro tayo?! Yehey! Sige, tutulungan kita!" excited na sagot niya.
"Halika na rito. Para agad tayong matapos."
Dali-dali naman siyang lumapit sa akin at kinuha ang librong hawak ko. Inilagay niya ito sa pagitan ng mga hita niya habang naka-indian seat pagkatapos ay inumpisahan na niyang basahin.
BINABASA MO ANG
The Faces Of Love
Novela JuvenilRaiden Blue Montrell is a typical four-eyed, serious-minded and kind of introvert high school nerd. Seven years have passed yet until now, he blamed himself for the tragedy that happened to his bestfriend Maria Irah Arcilla. But what will happen if...