Chapter 4: Her Other Story

10 4 0
                                    

HINDI KO alam kung bakit ang lapad ng ngiti ko pagkagising ko kaninang umaga. Napakanta pa ako sa banyo habang naliligo na hindi ko alam ay memoryado ko pala ang lyrics. Also, I immediately ate the breakfast my Mama prepared and then nagpaalam na din ako sa kanya kaagad na siyang ikinagulat niya.

Sa pagdating ko sa school ay binati ako ng “Good Morning” ni Jean na kaklase ko habang ang mga kilay ay magkasalubong. Marahil maging siya ay nagtataka kung bakit ako nakangiti at hindi seryoso ang mukha. At kung bakit mas maaga ang pasok ko ngayon kumpara noong nakalipas na araw.

“I don’t even know what’s happening to me,” nakangiti pa ring paliwanag ko sa kanya. Sa aming apatnapu’t dalawang magkakaklase, si Jean lang ang nakakausap ko since from Grade 7 ay magkaklase na kami. Isa pa, mayroon siyang aura na mapipilitan ka talagang kausapin siya.

Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, matalino siya, palakaibigan at masaya rin siyang kasama.

After some revolution of the hand of the clock, the bell rang, indicating that the first period class is about to start. I got excited sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba ito sa Math subject na first period class namin?

But I got the answer when Ma’am Joy showed up and greeted us a pleasant morning. “Class, please welcome your new classmate from America. Come here, Miss. Introduce yourself,” she stated.

Nakangiting pumasok ng room si Yrah pagkatapos ay pumwesto siya sa gitna.

“Hello, everyone! My name is Irah Arcilla. I’m 16 years old. I’m pure Filipino but me and my family resided in Orlando, Florida for three years. Nice to meet you all," puno ng enerhiyang pakilala niya na nagresulta sa pagpalakpak at paghiyaw ng ibang mga kaklase namin. "By the way, just call me Yrah, not Irah,” dagdag niya habang diretsong nakatingin sa akin. Napangiti pa siya nang banggitin niya ang salitang Yrah.

“Okay, Yrah. You may now take your seat,” ani Ma’am na nag-alangan pa sa pagbanggit ng pangalan nito sabay lahad ng kamay.

Naglakad na siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko dito sa may last row nang hindi nawawala ang ngiti niya. Dahil doon, naalala ko na naman ang nangyari sa amin kahapon.

Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa ginawa kong kadramahan sa harap niya. Gusto ko ring tawanan si Mama dahil sa pagkakabigla niya kagabi. Parang ako lang noong unang makilala ko si Yrah. Ipinaliwanag ko naman kay Mama ang lahat.

Mabuti na lang at naliwanagan din siya after two hours of explaining and storytelling. Actually, mas kakaunting oras pa nga iyon kumpara sa inaasahan ko. My Mama was once a news and feature writer in a magazine back then before she resigned two years ago.

“Ayan ah. Tinutulungan na kita sa pagmo-move on mo.” Napalingon ako sa biglang bumulong. Si Yrah pala.

I gave her a confused look. “Huh?”

“Huli. Halatang hindi nakikinig kay Ma’am Joy. Ano? Este sino? Si Irah na naman ba iyan?” tanong niya nang hindi man lang nakatingin sa akin.

Ibinaling ko na lang din ang tingin ko kay Ma’am. “Hindi.”

“Eh sino nga?”

Napabuntong hininga ako. “Ikaw.”

“Ako?!” medyo malakas niyang tanong, na napalingon pa sa akin ng nanlalaki ang mga mata. Maging ako ay nagulat din sa sinabi ko. That was partly true na siya ang naalala ko kanina pero it turned into an another strory.

Hala! Iba pa yata ang naging dating sa kanya. Nag-iba yata ang ibig sabihin niya sa sinabi ko.

Napatingin lahat ng mga kaklase namin sa kanya lalong-lalo na si Ma’am Joy. “Ms. Arcilla, what’s happening there?” nakakunot-noo nitong tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Faces Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon