NAGUGULAT DIN ako sa sarili ko. What's happening now is far different from what I used to be. My routine inside the campus was just perfectly plain and boring back then. Sulat, basa, sagot, kain, usap sa mga kagrupo kung mayroon mang group activity, kaunting linis pagkatapos, uuwi na.I never had a joke time with my classmates. Mostly, they were the one exerting efforts to think of a line that will surely elate the whole class. Sorry to tell this but I am 99.99% serious-minded student. Iyon na rin marahil ang rason kung bakit madalas nila akong tawaging Kill Joy or something.
The remaining 0.01%, on the other hand, was already blocked inside my brain and I can't really remember when and where at kung anong nakain ko that time to have that “bright side” of me.
Not until now, noticeably. Nakukuha kong magbiro, mang-asar at makipag-usap ng casual sa babaeng kaharap ko. Isang babaeng kanina ko lamang umaga nakilala pero tila ang gaan na ng loob ko sa kanya. Pasensya kung naulit ito pero ganoon talaga ang pakiramdam ko sa kanya.
Ito na ba ang tinatawag nilang lukso ng dugo? And don’t tell me that she was my lost-lost daughter? Yeah, those lines, I can't even construct a sentence like that before. Absolutely, I've changed a lot.
At dahil sa “pagbabago” na nangyari sa akin, napunta kami ngayon sa isang sitwasyong kung maihahalintulad ko sa isang sikat na palabas ay iyong parte na pinakaaabangan ng lahat ng manunuod.
“Raiden!”
Nakatawag pansin na naman ito sa mga estudyanteng naririto. Gayundin, sa librarian na nanlaki pa ang mga mata dahil sa narinig na ingay. Bigla itong tumayo sa kanyang inuupuan at nagsimulang maglakad patungo sa aming pwesto.
“Patay tayo niyan,” I whispered.
Narinig niya siguro ang ibinulong ko kaya’t umayos siya ng upo at kinuha ang hawak-hawak kong libro.
‘Patay-malisyang takot?’ I asked to myself.
Nang makalapit na sa amin ang librarian ay bigla itong namaywang. “Hindi niyo ba alam ang ibig sabihin ng keep silence, ha?” kunot-noong tanong nito sa amin na may halong inis sa pagkakasabi.
Ginapangan ako ng kaba sa tanong niyang iyon. Napahawak ako sa calculator at napayuko. “Ah... Ma’am, I am apologizing for the disturbance we created a while ago. Sorry po, hindi na po mauulit,” I bowed at her while Yrah just remained silent.
Bahagya kong sinipa ang paa ni Yrah dahilan para tapunan niya ako ng tingin. Ang librong hawak-hawak niya ay nakaharang pa rin sa mukha niya maliban sa kanyang mga mata. Ngumiti ako habang diretsong tiningnan siya, na ang ibig kong sabihin ay magpaumanhin din siya sa librarian dahil sa kasalanang nagawa.
Naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin dahil kaagad niya ring inalis ang librong nakaharang sa mukha niya. Lumantad sa akin ang medyo mapula niyang mga pisngi. Napangiti ako ng patago sa kanya. Nahihiya rin pala siya.
Mga limang segundo ang lumipas bago siya magsalita.
“Umm... ah... Ma'am, sorry po. N-nabigla lang po ako. Hindi ko po sinasadya. Ah... ano po. Ah... lalabas na lamang po kami. Sorry po ulit sa nagawa kong ingay,” she also bowed her head while she was apologizing to the librarian.
Tumango na lamang ang librarian pagkatapos ay bumalik na rin sa dati nitong pwesto. Meanwhile, Yrah immediately put all of her things on her bag and then, she grabbed my arm after that.
“Sandali lang,” I expressed, releasing her hand gripping mine.
Inayos ko na rin ang lahat ng mga gamit ko bago kami lumabas ng library.
Padabog na naglakad si Yrah patungong direksyong hilaga habang ako'y patuloy lang sa pagsunod sa kanya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkainis at kaunting hiya. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at bahagya pa siyang nakabusangot.
BINABASA MO ANG
The Faces Of Love
Roman pour AdolescentsRaiden Blue Montrell is a typical four-eyed, serious-minded and kind of introvert high school nerd. Seven years have passed yet until now, he blamed himself for the tragedy that happened to his bestfriend Maria Irah Arcilla. But what will happen if...