Say it and You'll stay alive

136 6 0
                                    

"Bye doc, see you later" pagpapa-alam ko dito and open the door while pinapaikot sa daliri ang dalang kutsilyo. But before I step outside, I glanced at him once again "Remember doc.... You must say it or you'll die" I smiled, puting the knife in my mouth hudyat na manahimik siya sa nangyari ngayon.

Dinala ako nila mama dito sa hospital matapos akong mawalan ng Malay sa aming tahanan.

Naglalakad ako sa hallway nang marinig ang tinig ni mama, bumalik na siya. Nagpaalam siya kanina na lalabas muna at bibili ng makakain.

Dali-dali akong bumalik sa aking kwarto at umastang natutulog. I heard the door open, may kausap si mama sa cellphone.

"Oo okay na siya... Mamaya makakauwi na kami... Yeah I love you too" Mukhang si papa yung kausap niya. Naramdaman kung umupo si mama sa aking kama at inalog alog ako.

I open my eyes and stretch my arms while yawning na parang bagong gising palang. What can say? I'm a good actress.

Kinain namin dalawa ang mga pinamili niya. May kanin Tapos lumpia, accck so fetch.

Saktong natapos kaming kumain Ay pumasok sa kwarto ko ang doctor. I smiled at him and laugh as I saw his expression, pero muli ding sumeryoso ng tignan ako ni mama.

"Ahhm ano po ba ang kinalabasan doc? Bat bigla siyang nawalan ng Malay?" My mother ask, tumabi ako sa kanya kaharap ang doctor. I smiled again.

"Oo nga doc, eh Wala naman akong nararamdamang kakaiba" ako naman ang nagtanong, nananakot, nagbabanta.

"A-ahm misis Wala naman kaming nakitang kakaiba s-sa kanya." He replied, nakahinga naman si mama sa nadinig. "B-but..."

"But? Ano yun doc?" Ako na mismo ang nagtanong? Naramdaman kung lumingon sa akin si mama pero Hindi ko ito pinansin. Taas kilay lang akong tumingin sa kaharap na doctor. Bigla itong yumuko.

"But... Hindi na siya P-pwedeng mag-h-hugas misis o maglaba" I smirked.

"WHAT?!" sigaw ni mama. "Ohmayghad, kailangan na ba nating kumuha ng maid? Wait sasabihin ko ito sa papa mo. Excuse me doc" Nagtatype siya ng cellphone habang palabas ng kwarto. Naiwan kami ng doctor.

I looked at him and smile, nag-iwas lang siya nang tingin.

"Kaya mo naman pala doc eh, good job" I said while massaging his shoulder.

"Wala dapat makaalam nito, dahil masisira ang pangalan ko" mahinang ani niya. I laugh.

"Sure doc"

Nung araw ding iyon Ay umuwi kami sa bahay, pagdating namin doon Ay tumambad sa amin dalawang maid. Papa surely hired them, at ako? Well I'm an alpha kid.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now