In another life

83 3 0
                                    

Hindi nagpatalo ang aking luha sa malakas na pagbuhos ng ulan. Walang pakialam kung mabasa man ang damit na sinusuot.

"Bat mo nagawa ito? Diba Sabi mo ako lang? Earl?" Naghihinagpis, nasasaktang aking usal.

Nasasaktan sa katotohanang yung mahal ko Ay may kasamang Iba. Yung mahal ko may kahalikang iba at ipinagtatanggol na iba.

Pinahiran ko ang sariling mukha ng maramdamang ito'y namasa. Iyon na naman ang panaginip na paulit-ulit na bumabagabag sa aking kalooban, paulit-ulit na pinapatulo ang mga luhang Di naman nangingialam.

"Good morning babe" I chatted my boyfriend, pero sa mahabang oras ng paghihintay Ay Wala akong natanggap na reply, I sighed.

Napatingin ako sa labas ng bigla'y bumuhos ang napakalakas na ulan. Biglang meron akong naramdaman, may tumutulak sa aking lumabas kahit ang ulan Ay napakalakas.

Nagdadalawang isip man Ay sinuong ko ang napakalakas na buhos nito. Hindi ko mapangalanan ang damdaming namumuo sa aking dibdib. Hindi ko Alam pero parang meron akong hinahanap, hanap lang ng hanap ket walang ideya kung ano ito.

Kasabay ng buhos ng ulan at malakas na pag-ihip ng hangin Ay ang pagtulo din ng aking luha. Sa isang parke ako'y nakatanaw, dalawang tao'y nagkakasayahan sa ilalim ng ulan.

Ng mga labi nila'y naglapat, mga paa ko'y umusad. Umiiyak, naghihinagpis, nasasaktan na ako'y lumapit. Ang dalawa'y biglang nagulat, nang akoy masilayan sa kanilang harapan.

"E-Elyn?" Nagugulat nitong usal.

"Earl?" I smiled bitterly. Pinahiran ang sarili Kong namamasang mukha dahil sa pinagsamang ulan at luha. Ako pay mas nasaktan nang makitang ang babaeng kahalikan kanina Ay itinatago na niya.

"Elyn" paulit-ulit niyang saad, Makikita sa mukha ang gulat.

"Bat mo nagawa ito? Diba Sabi mo ako lang? Earl?" Naghihinagpis, nasasaktang aking usal.

Mahabang oras siya'y Di nagsalita, sagot siguro'y Hindi niya alam. Sa mga oras na yun, akoy nakapag desisyon. Hindi niya iyon magagawa kung sa puso niyay ako lang talaga.

I smiled, pinahiran ang mga tubig na naroroon sa aking mukha. Yumuko at unti-unting tumalikod, umalis sa kinaroroonan nila.

Matagal ng panahon nung una kaming magkita. Iniisip ko dati baka Ay siya na nga, pero nagkamali ako't umasa.

Ngunit sa kabila ng mga nangyari dati Ay ito ako, namatay nabuhay ngunit muling nasasaktan sa piling niya.

"It's been a hundred years ago, pero Hindi ka pa din nagbabago" Usal ko ng tuluyang maka-alis sa kanilang tingin.

"Sa susunod Kong buhay, pagtagpuin man tayo'y liliko na ako"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now