vii

40 10 27
                                    

Chapter 7:
Dart and Pain

***

VIENNA YRA ABERDEEN

IT WAS afternoon when the class about General Magic ended, my brain was about to surrender dahil literal na napakaraming informations, to tell that it was just a brief discussion, it scared me, ano pa kaya kung normal na class na? Oh my goodness talaga. But I kept on reminding myself that it'd be very better to know those information because I was studying at this academy.

I was heading at the place of Professor Lythalia for my so called training. Hindi naman ako nage-expect ng napaka brutal, sana naman ay laylow muna 'no.

Kanina, habang papunta ako dito, medyo I felt belittled na naman dahil nagiisa ako, sina Wave kasi ay nauna na, and there I was being a guardless pathetic rat pierced by hundred pairs of rolling eyes. I must say na kilala na nila akong lahat, pero bilang isang "I-don't-wanna-hurt-myself-more." Dapat ay masanay na lang ako.

By the badge I was wearing, iyon nalang talaga ang maipagmamalaki ko sa kanila na wala sila.

And then I found my self inside the Red Woods, at the entrance of the Secret Garden.

Nang hahawiin ko na ang mga baging ay nagulantang ako! Shemay! Parang pinagpawisan lahat ng pwedeng pawisan sa katawan ko! May napakatulis na sanga ng puno ang bumulusok sa akin! What the hell was that! Muntik na 'kong mamatay kung alam n'yo lang!

"You're first training begin," sabi ni Professor Lythalia habang may mga nagsisitalisang sanga ng puno na nakatutok sa akin habang hawak n'ya sa hangin.

Ha? Shemay naman oh! Unang training ho! Una pa lang! My goodness naman! Ano 'yun patayan agad!

Pero hindi na ako nakareklamo pa dahil sunod sunod na sanga na ang humahabol sa akin! Shit! Parang mga sibat!

Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang ang nasa isip ko lang ay matakasan ang mga ito, pasulyap sulyap ako pero mas mabilis sila. Mamamatay ako dito! I needed to think, walang magagawa kapag tatakbo lang ako! And when my instinct slapped me, I stopped running and laid down, muntik ko pang makiss ang lupa.

Lahat ng mga iyon ay tumusok sa unahan ko. Yess!

Pero ng magcecelebrate na sana ako, para akong nawalan ng hininga dahil may tumusok sa likod ng hita ko, "AHHH!!!" napasigaw ako dahil sa nakamamatay na sakit!

"Tsk, lack of speed and tolerance to pain," bulong ni Professor.

Tumulo ang luha ko, ramdam ko ang pagpunit ng balat at laman ko, pati na ang pagtusok niyon sa buto ko. Napakasakit, parang mamatay na ako. But I needed to focus! It's just a pain!

Gamit ang nanginginig kong kamay, pinadapo ko iyon sa sugat ko ngunit bago pa iyon lumapat at pagalingin ang sugat ko ay may isang matulis ulit na bagay na tumarak sa kamay ko. Shit! Let me heal myself for a while!

But it seemed like she heard what I thought, "Attackers won't let you heal yourself."

And then, I felt withered briars creeping at my legs and trunk. Ano na naman 'to?! Pinilit kong tumayo kahit may nakatusok pa sa hita ko. "AW!" sigaw ko ng mabilis ko iyong hinugot.

Takbo,

Ilag,

Dapa,

Takbo.

BOOBS ACADEMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon