ii

77 17 17
                                    

Chapter 2:
Roommates

***

VIENNA YRA ABERDEEN

EVERYTHING was glamorous.

Para akong nasa royal palace. It made my whole system flabbergasted. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi mapigilang mapaawang ang nanginginig kong panga.

Shemay, is this the Boobs Academia?

Namangha ako sa mga nagkikintaban at nagsisilakihang chandeliers, kapansin pansin rin ang red turkish carpet na nakahandusay sa napakagarbong sahig; hindi lang 'yun normal na sahig, it's aqua blue marmoreal floor with such marin life designs. Sa gitna niyon ang isang grand royal spiral staircase papuntang sa taas. May mga napakahabang kurtina na nakabitin mula sa mataas na kisame at sumasayad hanggang sa baba. May mga naglalakihang paintings din na sa tingin ko ay ang mga royalties at mga mahahalagang tao dito dahil may suot silang korona.

Royals,

Queens,

Magic,

Power.

Iyon ang mga salitang patuloy umiikot sa ulo ko.

This wasn't the school I did ever imagine. It exceeded my expectations much.

And take note, this was just the lobby. What's more to their training grounds, dungeons, classrooms, libraries, infirmaries, halls, corridors, and other facilities.

Pinapila kami para sa enrollment and confirmations, ibinigay ko ang isang  parental consent na ipinapirma ko kay Lady Walter.

Marami pang inspections na naganap pero tinulungan naman ako ni Lady Walter.

Papunta na kami sa assigned room ko nang may ibinigay si Lady Walter na isang susi.

"Hanggang dito nalang tayo Ms. Vienna. Magiging limitado nalang ang pagkatawang tao ko dahil nandito ka na sa school. Magiging tao nalang ulit ako kapag kailangang kailangan mo talaga ang tulong ko. Pero lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Okay?"

Hinagkan ko siya.

"Yeah. Sa ngalan ng aking Boogie." Binatukan niya ako. Napatawa lang ako sa ginawa niya.

I'd miss my Boogie.

"Byee!" without further ado, she transformed into worm again. Namamangha pa rin ako sa tuwing nangyayari ang pag ibang anyo niya.

At pagkatapos noon ay ipinasok ko siya sa aking jar.

Tinignan ko ang susi. Room 14, highest floor.

I praised the lord dahil hindi na lulunukin ang susi na 'to. Ayaw ko nang lumunok ng susi! Shemay! Nakakahilo sa tiyan! Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin ang kinain ko ng nakaraang linggo.

Sumabay lang ako sa mga ibang estudyante patungo sa isa pang kastilyo dito, kahit mahaba-haba ang nilakad namin ay hindi ka mababagot dahil napakaraming magagandang bagay ang makikita mo. Lahat ng matatapakan mo ay carpeted at ang mga chandeliers na nagsisiningningan na gawa sa crystals ay nakalagay kahit saan. It would be a sin if you wouldn't praise everything in this place.

Sinundan ko ang mga numero sa pinto. "Haay, 12, malapit na."

Tumayo ako kung saan ang room ko.

Before I open the door, I did heave a deep and containing sigh.

So this is it, ito na ang magiging dorm ko. Ang simula ko dito sa Boobs Academia. Dito na magsisimula ang magical journey ko. Dito na masasagot lahat ng katanungan ko. Haayst!

BOOBS ACADEMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon