Anaztasha Roux PoV
"ANA! ANDITO SI MAE! BUMABA KANA JAN!" sigaw ni Mama mula sa baba.
Aarrgh panigurado kukulitin nanaman ako nyan!
"PAKI SABI WALA AKO!" Sigaw na balik ko.
Huhuhu ang sakit kaya ng katawan ko!
Masakit yung legs ko. Halos di ako maka tayo
Dahil to sa mga Excercise kahapon at sa jogging ehhh!
"Siraulo ka! Buksan mo nga tong pinto! Wawasakin ko to!" Sigaw ni Mae sa labas ng kwarto ko.
As if kaya mo hmp.
Tumayo ako ng pa ika ika at nag tungo sa pinto.
"Bubuksan mo naman pala eh!" Bulyaw nya saakin ng maka pasok sya.
"Oh? Bat ganyan ka mag lakad? Para kang nilaspag" siara ulo to!
"Ulol! Kung di dahil sayo walang masakit sa katawan ko ngayun! Jusko. Bat kaba nandito?" Tanong ko ng maka lapit na ako sa kama, naka higa na sya agad at in open ang kanyang Cellphone.
Fyi Auto connect na yan sa Wifi.
Psssh.
"Namiss kita eh, hehehe." Sabi nya ng hindi inaalis ang paningin sa Phone.
"Ulol ka talaga. Alam ko na yang ugali mo. Kahit anong sabihin mo di na ako mag rereport sa Monday." Sabi ko sakanya habang pabagsak na pinahiga ang katawan ko sa kama.
"Ehhhh!!!! Ana naman ehhh!!! Alam mo namang pangarap ko ang mag Sundalo dibaaaa?!"
"A-raay!! Bitawan mo kong kupal ka! M-masakit!!" Sigaw ko sakanya. Dahil niyuyugyug nya ako!
Huhuhu masakit katawan kooo!!! Siraulo to. Tadyakan ko to palabas eh!
"Please Ana?" Saka sya nag pa puppy eyes.
Kadiri grr.
"Tigilan moko. Maria Chandra. Nakaka diri ka" irap ko sakanya. Saka sya tinalikuran.
Wala na akong narinig na reklamo sakanya.
Nung nilingon ko sya ay naka yuko sya saka nilalaro yung mga daliri nya. Naririnig ko din na sumisinghot sya.
Hala umiiyak ba to?
"Uy Mae, ayos ka lang?" Tanong ko saka sya tinutusok sa tagiliran, pero walang response.
"A-alam m-mo naman A-ana diba? Mula nung nag ka kilala tayo, g-gusto ko na m-maging Sundalo" naka yuko padin sya, natatakpan ng mahaba nyang buhok ang mukha nya.
Umiiyak sya.
Oo alam ko yun.
Sundalo kasi ang papa nya. Ngayon gusto nyang sundan ang yapak ng papa nya na namayapa dahil sa pakikipag laban para sa bansa.
"A-alam ko. Pasensya na Mae. Wag ka ng umiyak." Nag pa kawala ako ng malalim na hingina.
"Hindi kita iiwan hanggang matupad mo yung pangarap mo." Sabi ko.
Umangat naman ang mukha nya at nag liwanag ang itsura nya tsaka ako tinignan.
"T-talaga!?" Tanong nya. Nagulat ako ng bigla nalang syang nag sisigaw.
Lintik. Na dali nanaman ako neto!
"YEES!! WOHOOO! SINABI MO YAN HA!? SABI NA EH! EFFECTIVE YUNG PAG ARTE KO! WALA NG BAWIAN YAN ANA! YOHOOO!" Sigaw nya habang nag lulundag sa kama ko!
YOU ARE READING
Golden Rule
Teen FictionRules are made to be follow. But when it comes to love? Rules are made to be broken. I am Anaztasha Roux Augustus and I fell in love with my Higher Class.