Huang Zi Tao as Davion Levi Sylvestre everyone! Click the Photo to View!❤️❤️
----
Anaztasha Roux PoV"Pa bebe na nga Lousy pa." Sabi ng isang pamilyar na boses.
Naiiyak na ako. Kahit di ko alam ibig sabihin ng lousy feeling ko napapahiya ako.
Feeling ko pinag kakaisahan nila ako.
Don't me. Hindi ako sanay.
"Tanggalin mo yang ganyang style mo no? Kung di mo matanggal, ikaw nalang ang umalis." Sabi pa ni sir Sylvestre.
Aray naman. Napaka walang filter naman ng bunganga mo Sir!
Hindi na kita Crush! :3
"Sir opo sir" sagot ko.
"Walang opo! Sir yes sir, Ma'am yes Ma'am lang! Nakuha?!" Sigaw naman ni sir Ariola.
Gusto ko ng umiyaaaak T^T
"Alamin nyo tong pinasok nyo CO no? Hindi to basta basta lang. Simula ng pinasok nyo to, mga kadete na kayo. At ang trabaho ng kadete? Tatlong SSS lang. Sumunod ng Sumunod ng Sumunod. Nakuha? Itatak nyo din sa utak nyo, na mula nang pinasok nyo ang Org na to ay nabubuhay na kayo sa Command." Mahinahong sabi ni Maam Mendoza.
"Okay dahil mga baguhan palang kayo, mag kwentohan muna tayo" dagdag pa nya.
"Take my command. Upo! Na!" Nag cross leg muna kami bago umupo. So ang dating is parang naka Indian Sit kami.
"Ikaw Augustus, yung mga sinasabi namin sayo para sayo yan. Kung di mo tatanggalin yang ganyang style mo, hindi ka pwede dito. Nakapag quartering kanat lahat ganyan padin asta mo? Ano yun? Wala kang natututunan?" Mahinahong sabi ni Ma'am.
Napa kagat labi nalang ako.
"Lahat ng mga sinasabi namin sainyo, magagamit nyo yan balang araw, hindi namin kayo sinisigawan dahil sa Trip lang namin. Hindi namin kayo binibilangan dahil sa Gusto lang namin. Hindi namin kayo pinapasayaw pinapakanta sa gitna para maging katatawanan. Lahat yan may rason." Mahabang explain nya.
"Isipin nyo ha? Tingin nyo ba susunod kayo agad kapag inuutusan namin kayo gamit ang malumanay na boses lang? Diba hindi? Kasi alam nyong di kami galit. Tingin nyo ba bibilisan nyo ang kilos nyo pag di namin kayo binibilangan? Diba hindi? Kasi magiging pahayahay kayo. Tingin nyo ba kaya nyong humandle ng maraming tao kapag di nyo kayang tumayo mag isa sa harap? Diba hindi? Kasi mahihiya kayo."
"Wag nyong isipin na pinag titripan kayo ng mga Higher Class nyo. Naranasan din namin ang mga yan non. Sabi nga nila, Swerte Malas lang yan. Swerte namin kasi Kami ang Officer. Malas nyo kayo ang Kadete. Ganun lang yan. Hindi habang buhay magiging kadete kayo na sumusunod lang. Balang araw kayo din ang uupo sa harap ng mga kadete nyo. Yun ay kung makakatagal kayo. Sabi nga nila Wait until you become" Diko alam pero habang nag sasalita si Maam ay nadadala ako sa mga sinasabi nya.
"Trust me. Dito lang sa organisasyong to nyo mararanasan yung mga bagay na di nyo ini expect na magagawa nyo pala. Na kaya nyo palang gawin. At pag dumating yung mga araw na yun? Nakaka proud lang sa sarili"
"Dito, hindi maiiwasang ma Low Moral kayo. Part yun ng training. Hindi lang dapat physical ang pinapatibay. Dapat pati Emotion. Pag nakaya mo ng labanan yung Emotion mo, doon mo masasabing makakatagal ka na." Singit naman ni Sir Ariola.
"Ito ang lagi nyong tatandaan. Isipin nyo yung naumpisahan nyo bago nyo bitawan. Wag kayong madadala ng emosyon, na kapag pagod na, bitaw na. Isipin mo yung hirap mo, Isipin mo yung dahilan mo kung bat ka nag papatuloy. Hindi dahil sa pagod kana kaya kana hihinto. Mali yun." Dagdag pa ni Sir Sylvestre.
YOU ARE READING
Golden Rule
Teen FictionRules are made to be follow. But when it comes to love? Rules are made to be broken. I am Anaztasha Roux Augustus and I fell in love with my Higher Class.