I will be posting pictures of our Sir Sylvestre in every Chapter, para di nyo makalimutan kung gaano sya ka gwapo WAHAHAHAHA.
Sir Davion Levi Sylvestre everyone! Click the photo to View❤️
Enjoy Reading!
---
Davion Levi's PoV
"Ayokong nakikita ka dito." Sabi ko sakanya habang tinititigan sya sa mata.
Ayokong nakikita ka dito kasi ang fragile mo.
Ang pabebe mo.
Para kang vase na kelangang ingatan para di mabasag.
Napansin kong naluluha na sya.
Ito yung sinasabi ko eh.
What more pag nag tagal ka dito?
Puros nalang iyak?
Mas okay na na umalis ka ngayun. Kesa mag tagal ka.
Sa lahat ng na handle kong kadete, sakanya lang ako nakaramdam ng kakaiba.
Na dapat everytime kelangang maingat ka sa sasabihin mo para di sya masaktan.
Fudge!
Bat pa kasi nag advance to? Di dapat di ko pinipigilan sarili ko na wag magalit!
To tell you, yung mga sinasabi kong masasakit sakanya, wala pa yun sa kalahati kung gano ako ka sakit mag salita.
Kumbaga introduction palang yan.
"Ano? Iiyak ka? Ang tanga mo na nga, iyakin ka pa. Pano ka mag tatagal dito kung ganyan ka?" Sabi ko sakanya.
Kita kong pinipigilan nya yung luha nya.
Tss. Feeling strong.
"S-sir no sir."
"Anong no sir? Ha? Augustus?" Tanong ko.
Kitang kita ko yung pag pigil nya sa luha nya.
"H-hindi ako mag ku quit s-sir!" Sigaw nya.
Tss. Talaga lang ha? Makikita natin.
"Eh pano kung gusto kitang mag quit? May magagawa ka?" Tanong ko.
Na dako ang paningin ko sa mga labi nya.
Nag lip bite kasi sya.
Fudge! Stop doing that!
Every time titingin ako sakanya lagi syang napapa lip bite.
Bwisit!
"Tigilan mo nga yan. Tss. Bumalik ka na nga don. Patunayan mo yang sinasabi mo. Ayokong lalampa lampa ka. Alisin mo pagiging pabebe mo. Baka ako pa mismo kumaladkad sayo palabas." Sabi ko tsaka sya iniwan doon sa dressing room.
"Boc Matias, ikaw na bahala sakanila, alis nako. Mga boc mauna nako." Sabi ko sa mga ka buddy ko saka lumabas.
Tss. Kainis!
Anaztasha Roux Pov
Umalis na si sir at naiwan ako dito.
Relax Ana, wag kang iiyak dito.
"Augustus! Ano pang ginagawa mo jan?!" Rinig kong sigaw ni sir Matias. Agad akong lumabas at saka bumalik sa pwesto ko.
"Pag nag pagupit na kayo, dapat pareparehas. Walang mas malampong at walang mas mataas. 4x2 ang gupit ng babae. Kiskis Uno sa lalake."
YOU ARE READING
Golden Rule
Teen FictionRules are made to be follow. But when it comes to love? Rules are made to be broken. I am Anaztasha Roux Augustus and I fell in love with my Higher Class.