Beep! Beep! Beep!Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko.
"Good morning ma'am Athena!" As usual, ang bati sa akin ni yaya Elmer.
"Good morning din po!" Sagot ko naman.
Nawala ang ngiti ko sa labi nang biglang magsimulang magdilim ng paningin ko. Napahawak agad ako sa ulo ko dahil sobrang sakit na nito.
"Yaya?" Tanong ko pero wala na akong makita.
What's happening?!
"YAYA ELMER?" Sigaw ko. Sinubukan kong tumayo at umalis nang kama pero masyadong masakit ang ulo ko.
Dahan-dahan kong hinatak ang sarili ko pababa nang kama nang biglang magbago ang kapaligiran.
"Where am I?" Tanong ko sarili. Tumingin ako sa paligid pero ang nakikita ko lang ay mga shelves na puno ng mga libro.
Am I in the library?
Meron akong dalawang libraries, one in the mansion, and one at school.
Pero itong library na ito ay hindi pamilyar sa akin.
Sinubukan ko tumayo at naglakad patungo sa may dulo ng shelf. It's so weird because it looked like a maze.
Napalingon ako bigla nang may marinig na ingay mula sa likod ko. Hindi lang ako ang nandito.
Nang marinig kong papalapit ang mga hakbang nila ay nagtago agad ako sa may gilid.
I looked around if they were there but I saw a glowing book instead. Umiilaw sya na parang gawa ito sa mahika.
It was standing out from all the books as well, kaya nilapitan ko ito ng tahimik. Nang mapasakamay ay tinignan ko ang harap nito. May simbolong nakaukit dito na agila. Agad kong binuklat iyon at namangha sa nakita.
It's handwritten. And there were drawings of the same symbol everywhere.
Sinimulan kong basahin ang mga nakasulat dito.
ANG KASAYSAYAN NG LALUNA
Nope.
ANG MGA PAKSYON
Nope.
MGA PATAKARAN NG KAMATAYAN:
WHAT?!
Rules of death?!
Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
Ang ipinagbabawal na pag-ibig ay hindi suportado ng korte ng LaLuna. Samakatuwid, ipapahayag ito bilang isang parusang kamatayan.
What?! Forbidden love?! Death?!
Nothing makes sense. At isa pa, ano ang korteng LaLuna?
Magpapatuloy pa sana ako sa pagbabasa nang may makita akong ilaw na nakasabit dito. Muka itong flashlight pero ang kaibahan ay hindi ito ginagamitan ng batteries o nang kung ano man.
It looked like a magical gem.
Dahil medyo madilim, itinapat ko iyon sa babasahin nang may mapansin akong mga letra na lumitaw mula sa libro.
Nang alisin ko ang ilaw ay naglalaho ito. Blacklight?
Itinapat ko itong muli sa libro. Ang mga nakatagong letra ay nasa mismong ibaba lang ng binasa ko kanina.
Ipinapahayag lamang ang kamatayan para sa kapakanan ng ating mga nilalang upang hindi natin masaksihan ang pag-ibig na ito na ipinagbabawal ng korte ng LaLuna.
BINABASA MO ANG
Forgotten Home, Forgotten Me, Athena(Two Worlds: Livero)
Fantasy" It's me, mia dea." Athena was just living a typical life. She's rich, and famous and a very smart and pretty young lady. But, not every fairytale starts and ends happily, and this girl's life, is just about to change nang makilala nya ang isang mi...