Chapter 5: Unexplainable

12 1 0
                                    


"Are you crying?"

"What?" Tanong ko habang aligagang naghahalungkat para sa salamin.

Nang makita ko iyon ay itinapat ko iyon sa mukha.

Why am I crying? What the hell is wrong with me?

Maybe it's because I got jealous, yeah. That's right. Or maybe because inuna nya yung paglalaro kaysa sa project namin. Yeah, I was upset about that.

Napatingin ako sa taas at nakita kong nag-abot sya ng panyo.

Ano sa tingin nya? Nakalimutan ko panyo ko? Only papansin does that.

Hindi ko sya pinansin at hinalungkat ang panyo mula sa bag ko habang ang isang kamay ay nagpupunas sa mukha ko.

Shemay bakit kase hindi ko makita!

"Kunin mo na kase." He said sternly as I gave up. Napa-irap na lang ako at hinablot ang panyo mula sa kanya. Umupo na sya sa tabi ko.

Ano ba kase ang pumasok sa utak ko at nakalimutan kong magdala ng panyo? Ha? Athena? Ha?

Hindi naman ako makakalimutin at kung may maiiwan ako ay alam kong chini-check din ni yaya Elmer yon. Owh weit. Makakalimutin din sya eh.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nagpupunas ng luha. Nang matapos ay ipinatong ko muna ito sa tabi ko. Lalabhan ko na lang mamaya at ibabalik ko sa kanya bukas.

"Umaarte ka pa diyan, kukuhanin mo din naman pala." Hindi ko sya pinansin at umirap na lang.

Blah blah blah.

Nakarinig ako ng pagtayo mula sa tabi ko at napalingon ako. Nakatayo na sya at bitbit-bitbit ang bag nya na nakasabit sa kanang balikat nya.

Nagpapagpag sya at pinapanood ko lang sya. Ni hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin.

Nanlaki ang mata ko nang makitang papaalis na sya kaya napatayo din ako.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

"Uuwi." He said like it's the most obvious thing in the world.

"Hindi pa tapos ang project natin." Sagot ko na lamang.

"Tapos na yung unang part. Bukas na ulit." Sagot nya habang hawak-hawak ang papel na sinusulatan nya kanina.

Tapos na? Eh umupo nga lang kami dito. Nagsulat sya ng konti at nakipaglaro na sa mga bata. I almost lost my balance nang maalala ko ang nangyari. He wasn't even bothered by that. Buti na lang at nasalo ko ang sarili ko.

Tinignan ko sya muli at nakita kong binabasa nya ito nang i-abot nya sa akin.

"Oh." Sabi nya atsaka ako tinalikuran.

Tinignan ko iyon at kitang-kita ang pagkakaiba ng sulat ko sa sulat nya. Muli kong binasa yung part na sinulat ko.

Okay naman. Nang makarating ako sa dulo ng sulat ko, wait sulat ko ba to?

I wrote, "I miss th". Napakunot ang noo ko na halos magdikit na ang mga kilay ko.

Sulat ko ba talaga to? Nang tignan ko ulit ay penmanship ko naman iyon. I don't remember writing this.

Napa-iling na lang na baka may nakita ako na sinulat ko mindlessly.

Napalingon ako mula sa lalaking ang layo-layo na sa akin. Nagpapanic kong pinulot ang lahat ng gamit ko at isinaksak na lang sa bag ko atsaka sumigaw.

"Sandali!" Sigaw ko habang nagmamadaling makasunod sa kanya.

Nakita ko syang napahinto.

"Paano naman ako uuwi eh hindi ko naman alam kung nasaan tayo?" Masungit kong tanong sa kanya.

Forgotten Home, Forgotten Me, Athena(Two Worlds: Livero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon