Chapter 6: 6th of September

4 0 0
                                    


Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa ceiling ng kwarto ko. I tossed and turned pero hindi ako makatulog. Napatingin ako sa diary na nakapatong sa ibabaw ng desk ko.

Literally, it could be anyone's. Ugh. Bakit ko ba kasi binitbit pa. Now I gotta turn this in early tomorrow.

By the way, ibang klaseng pagpipigil ang ginawa ko para hindi yun buklatin at basahin, it's hard, okay? Naalala ko bigla na September na.

And speaking of which, it's my birthday month! Malapit na ang September 6. Maybe I'll just go shopping with Cass, o kaya bonding kami ni Kuya? Hmm.

I looked at my phone para tignan kung ilang araw na lang ang meron ako to make plans. Nanlaki bigla ang mata ko nang makita kong September 5 na.

It's literally my birthday tomorrow! Tumatanda na talaga ako! I'm getting too pre-occupied I don't even know what day it is!

What do I do? And uhh. Hindi man lang ako binati nila Kuya or something! Surely may alam sila! Imposible namang nakalimutan nila. Don't tell me may surprise sila para sakin kaya nagpapanggap sila na hindi nila alam?

Napa-iling na lang ako. Psh, Kuya. If that's your plan, gasgas na yon. But still, it would be fun, surprise or no surprise.

Napatigil ako sa pag-iisip. Ano bang ginagawa ko? Hindi ba dapat natutulog na ko? Besides, it's my big day tomorrow and I'm finally 18! I told my Kuya na ayoko ng engrandeng 18th birthday dahil hindi naman ako ganon kakilala sa school.

...

Okay fine kilala na talaga ako. Pero hindi naman lahat ay kaibigan ko, at isa lang naman ang kaibigan ko na close enough sakin para makapunta sa birthday ko. And it's Cass, of course.

I'd rather spend my birthday with my family and some friends, rather that inviting people na halos hindi ko naman kilala sa isang malaking party at venue.

_________________________________

"RISE AND SHIIIIIINE!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

"Wake up sleepy head. Tumutulo pa ang laway mo." Rinig kong kantaw pa nya.

Dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang mata ko. Such a liar! Hindi naman ako tinuluan ng laway eh!

Nang makapag-adjust ang mga mata ko sa liwanag ay bumangon na ako at napatingin sa lalaking nakaupo sa tabi ko sa kama.

"Happy birthday!" Sigaw nito. Napangiti ako. Kaso bigla itong nawala nang sundan nya iyon ng pag-gulo sa buhok ko. What the heck?

"Thank you Kuya!" Matamis kong bati sa kanya. Nakita ko syang ngumiti. Natawa ako mentally.

"Aaaaaannd--" Tuloy ko sabay hampas sa braso nya.

"Hindi naman tumutulo ang laway ko eh! At hindi ka na naawa sa buhok ko magulo na nga ginulo mo pa lalo!" Mabilis kong sabi atsaka yumakap sa kanya.

"Anong trip mo ngayon at nababaliw ka na?" Takang tanong nya. Tumawa na lang ako.

Hindi ko sya pinansin at dumirecho lang sa bathroom para maligo.

It took me thirty minutes para maligo dahil I'm treating myself today. Wala nang makakapigil sa birthday girl!

Paglabas ko ay agad ko tinuyo ang buhok ko. Papalapit na ako sa sa closet ko nang makakita ako ng note na nasa kama ko.

It said:

Since it's your day, wear something adventurous, classy and comfortable.

Napakibit balikat na lang ako. It didn't even say who wrote it. Pero dahil birthday ko, ay sinunod ko na lamang ito.

Forgotten Home, Forgotten Me, Athena(Two Worlds: Livero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon