"Hoy! Hoy! Hoy! FYI, Mr. ML player. May mga natutunan kami sa pagbabasa namin ng wattpad. E kayo? Meron ba kayong nakuha sa paglalaro niyo ng ML na 'yan ha?!" Nanghahamong saad ko kay vince. Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Nagdedebate.
Pano ba kasi si Vince panay parinig saming mga wattpader/ian.
Kami namang mga wattpader/ian hindi papatalo kaya nilabanan namin.
"Oo, meron kaming nakuha sa pag eML namin. Yung crush ko malapit ko nang makuha. Diba sabi nila perfect couple ang ML Player at Wattpader. Kaya naglalaro ako ng ML in that way makuha ki---ko ang crush ko. Get it?" Saad naman niya.
Ouch, ang sakit lang. Kaya pala. Kaya pala nagpakahirap siyang maglaro ng ML para lang sa crush niya. Vince is my crush. And I don't know if he knows that I like him.
"Okay!" Komento ko nalang at naupo na. Akmang magbabasa na ako ng wattpad ng magulat ako sa sinabi ni Vince.
"Zaniyah Mendez, Can you be my girlfriend?" At nang dahil sa sinabi niya napalingon ako sa gawi niya. May dala-dala na siyang bulaklak ngayon at nagsimula nang maglakad palapit sa akin.
"Hindi man ako si Deib Lohr,
Hindi man ako si Ace Craige,
Hindi man ako si Ezekiel,
Hindi man ako si Juanito,
Ako naman si Vince Knight na kaya kang mahalin tulad nang pagmamahal mo sa kanila." Sabi niya habang naglalakad. Nang makarating siya sa harap ko ay bigla siyang lumuhod na parang nag propopose."Maaari ko bang maging kasintahan ang binibini sa harap ko ngayon?" Sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak.
Bilang sagot ay kinuha ko ang bulaklak at tumango ng ilang beses, hindi ko napansin na napaluha na pala ako. Tumayo naman siya at niyakap ako. Ginantihan ko naman siya ng yakap na sanhi ng pag-ingay ng mga kaklase naming nakasaksi sa simula ng Love Story namin ni Vince.
"Uwaaaaa! Ang duga."
"Sana Allllllll!"
"May nanalo na mga preeeee!"
"Perfect couple. ML player tsaka Wattpader!"Mga sidecomment ng mga kaklase namin.
Salamat sa debate nagkajowa na ako.

YOU ARE READING
One Shot Stories
Historia CortaRandom stories that made up by my mind. A stories that can make you feel sad, happy, cry and more emotions. A stories we're you can find someone like you. A stories that make you think to live in their world. But, sad to say that----they doesn't exi...