06

28 4 2
                                    

Nash's POV

Dahil sabado ngayon at nasa mood ko ang magpapawis ay naisipan kong mag eensayo ng Martial Arts, sa linggo pa naman ang outing namin, kaya minabuti kong maghanap ng magagawa ngayon.

Nag iisip din ako kong pano makakausap at mapapapayag si Nevz sa plano ko HEHE.

Inis kong ibinalikwas sa mukha ng kalaban ko ang Gloves na napulot ko, naiinis ako dahil nakikita kong natatakot ito sakin, at puro nalang iwas, di manlang sumusugod.

psh walang kwenta.

"Ano ba!aatake ka o bubogbugin kita ngayon? "inis na sabi ko na ikinagulat nya.

"Pp-pasensya na p-po-"

"Che! alis!" inis kong sabi ngunit nanatili parin itong gulat na nakatingin saakin, akto ko syang susugudin ng nagmamadali itong tumakbo palabas.

Di manlang ako pinagpawisan.

Naisipan kong lumabas nalang ng bahay at gumala-gala sa labas.

Nakakaburyo dito sa bahay,gusto kong gumala sa lugar na di ko pa napupuntahan.

Agad akong nagbihis.nakasout ako ng jacket na black at jeans.

Pinaharurot ko ang motor ko at ipinarada ito sa coffe shop.

Makapag kape nga muna.

Di pa rin ako makaisip kong pano sasabihin kay nevz ang plano ko., kung sasama ba sya sa outing namin.

napansin ko kasing antahimik na nya, parang may iba eh. kaya nag babasakali akong mahihimasmasan ang problema nya pag sumamang lumabas saamin.

Nagkakape ako Habang nagmamasid sa labas.

Hays, bat ngayon ko lang naramdaman ang sakit habang nag iisa?

Buti na lang nandyan lagi si nevz pero ngayon mapag isa na naman ako.

Nagulat ako ng makita ang isang lalaking nakatalikod sa gawi ko, binubogbog ito ng dalawang lalaki.

At dahil sa kasabikan kong mambugbog ng mga masasamang tao,pinuntahan ko,kawawa eh.

"Hoy!"tawag pansin ko sa dalawang di manlang naramdamang nandon ako, busy sa pambubogbog eh.

"Bat nyo ba pinagtutulongan? dalawa kayo at isa lang sya di kayo patas, bading ba kayo?"matapos ng sinabi ko ay inis nilang inilipat sakin ang paningin nila.

'tsk,pikon'

"Gusto mo ng patas? edi hali ka rito para dalawa na kayo" tatawa tawang sabi ng isa.

Ah, nanghahamon eh .

"Talaga ba?" sabi ko.

Akma akong susugurin ng isa, pero inunahan ko sya,tumalon ako at sinalubong ng sipa ang mukha nya.

'Boom sapul!'

Inilagan ko ang mga suntok nya at nakakuha ako ng tyempo, sinikmuraan ko sya, agad syang napaimpit sa sakit.

nilingunan ko ang isa.

"Kilala mo ba kong sino ako?" tanong ko.

"at baket naman ako magkaka interest kong sino ka?"

"well, pagsisisihan mong nabangga mo ako, dahil kakatayin ko ang buong lahi nyo, at siguraduhin mong nakatago ka na bago pa kita matunton, dahil seryoso ako at hindi nagbibiro, ano bang kasalanan ng lalaking to?"turo ko sa lalaking nakatalikod parin, malamang bugbog sarado na ito, gulat parin ang mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Agad tumayo ang isa at akala ko susugod pa pero tumalikod na ito at kumaripas ng takbo.

di paren ako pinagpawisan eh.

Agad kong nilingon ang lalaking bugbog na.

"Woi! tayo!"sabi ko na agad nya namang sinunod, pagkaharap nya ay nagulat kaming pareho..

"Ikaw?!"sabay naming sambit.

"tsk" ani ko.

"Nash right?"sabi nya na ikinagulat ko, tumawa lang sya.

"How did you know?"

"Basta, hmm by the way im declan" agad nyang inilahad ang kamay nya pero di ko tinanggap.

natatawa syang Lumingon sa kamay nya at sya ring ang naglahad ng isa nya pang kamay.

"Nice to meet you"sabi nya sa kamay nya.
"Nice to meet you too" sabi nya din sa isa pang kamay.

Baliww

"ah tsaka hmm sorry dahil nahimatay ka kahapon" sabi ko na ikinagulat nya.

'why im apologizing? heck?!

"Ikaw ang may gawa non?!"

"Correction!!! aksidente yon! sa ang galing ko kasing mag volleyball nasobrahan." sabi ko na ikinatawa nya ng sarkastiko.

"Alam mo bang Nabawasan ang kagwapohan ko dahil don??"sabi nya.

"I dont care, tutal were quits, uhm no, not quits, nahimatay ka nang dahil saken at naligtas ka rin ng dahil saakin., you should be thankful MR.IDontCareWhoYouAre." sabi ko.

"Im declan" pagtatama nya sa sinabi ko.

"so???"

"tsh, totoo ba yon?" tanong nya.

"Ano yon??"

"Yung sinabi mo sa lalaking nambugbog sakin"

"Ah, wala akong oras para ron, pagyayabang ko lang yon natakot agad" natatawa kong sagot.
"Bat di ka lumaban don? bading ka no?

"Hindi ah!"

"Tsh punta ka sa ospital Mr.IDontCareWhoYouAre, bugbog sarado ka na eh," pang aasar ko sa kanya,tss bat ko ba kinakausap tong mokong na to??

Naglakad na ako pabalik sa coffe shop at napagdesisyonang umuwi na at matulog nalang.






UnFixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon