07

32 4 3
                                    

Nagising ako sa lakas ng bunganga ng kung sino mang animal na pumasok ng kwarto ko.

"Woi! maam gising na daw kakain na!" sumisigaw na tinig ng isang babae, Mga 20th times nya na yang paulit ulit na sinasabi, di ba sya nasasagwaan sa lakas ng bunganga nya? well, ako, OO!!!

Naiinis man pero pinilit kong ibuka ang mga mata ko, ansaket ng katawan ko.

"Baket ba?!" nakapikit kong sabi.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.At nagulat ng makita ang isang babaeng halos kaedad ko lang, matangos and ilong at kayumanggi ang balat, Dalagang Pilipina 'yEaH!'

anong ginagawa nyan dito?!

"wait! sino ka?" tanong ko nang akma syang tatalikod.Tumigil naman sya at lumingon saakin.

"Im kali" nakangiti nyang sagot. "Simula ngayon ako na ang personal maid mo,ako ang mag aayos sayo,magpapakain,gigisingin kita ket ma bwiset ka" sabi nya.

Ha?,eh wala naman akong dinemand na kukuha ng personal maid ah? at tsaka okay lang naman si aling natasha ang magbantay saken.Eh, ang bata pa nito.

"eh? hinde ka ba estudyante gaya ko?" tanong ko.

"Hmm, tumigil ako sa pag-aaral dahil sa kahirapan, galing ako sa probinsya namin ni tiya natasha, pamankin nya ako" paliwanag nya.

tumalikod na sya at sinarado ang pinto, hinde na rin ako nagtanong dahil sayang ang laway ko, kapagod kaya magsalita ng mahaba.

At dahil nakaramdam nadin ako ng gutom, nagbihis ako upang hindi mahalata ni mommy ang mga sugat ko, Pajama tsaka jacket na manipis ang sinuot ko....

Pagbaba ko agad akong tinanguan ng lahat.

Nakita ko si Nevz pero hinde parin sya umimik hanggang sa pag upo ko, di ko nalang sya pinansin.Hahanap nalang ako ng time kong kelan ko sya kauusapin, dahil busy ako ngayon- wait! anong busy? heh!

Tahimik kaming kumakain nila mommy at nevz nang biglang may umupo sa kaliwang side ko, nasa kanan kase si nevz habang kaharap nya si moomy.

Nagulat ako ng makitang si kali yon, pero hinde parin halata ang gulat sa mukha ko, nakangiti sya sa amin habang Kumukuha ng kanin at mga ulam.

'kapal?'

Yang tataa??? sino ang maid dito?

Nahiya ako sa kanya, mukhang sya siguro ang anak ni mommy narnia at hinde ako, mukha kase akong dukha, di naaruga.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"How's your work here kali?"tanong ni mommy kay kali, Dahilan upang mabasag ang katahimikan namin.

"Uhm okay naman ho, pero mukhang mahihirapan ako sa alaga ko, ang himbing kase matulog." Seryoso nyang sabi na ikinatawa ni mommy.

Nang iinsulto ka ba?

"Di ko naman kelangan ng personal maid ah!" reklamo ko.

"Anak you need a personal maid like kali, dahil magiging busy talaga kami ng dad mo this year and para na rin may mag aasikaso sayo dahil di ka naman nagigising ng maaga kaya may taga gising at taga asikaso kana, and that' is kali" paliwanag ni mama pero di ki tanggap.

i want to be independent pero bat kelangan may katulong?

gusto ko ako maglalaba ng damit ko,magluluto ng gusto kong kainin,gigising sa sarili ko-

yun ang kelangan ko! tagagising! pero pwede naman i alarm sa Cellphone ah ! or sa alarm clock! TAMA!

"Pwede naman akong mag alarm sa cp ko or sa alarm clock" sabi ko.

UnFixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon