05

27 5 0
                                    

FAMILLIAR

Mommy Narnia's POV

Nakaupo ako ngayon sa sofa at hinihintay ang panganay kong anak.

Kanina ko pa sya tinatawagan ngunit hindi sumasagot,nakauwi na ang bunso ko at sya nalang ang hinihintay namin para maghapunan.

ano na naman kaya ang nangyari sa batang yon?

"Maam,gusto nyo po ng juice?"sabi ng kasambahay namin. tinanguan ko nalang sya.

di ko maiwasang mag alala kay nash,kahet na alam kong di magpapatalo ang batang iyon, naalala ko pa nung Bata pa sya at aktong kukunin samin ng mga kidnapper.

~~FlashBack~~

Hindi ko alam kong anong gagawin ko ngayon, may van na huminto sa harapan namin,magkahawak kamay kami ng anak kong si nash at neveah.

Wala akong lakas ng loob upang labanan ang mga masasamang taong ito, nag aaral ako ng Martial Arts pero di pa ako masyadong magaling.

Agad akong napaiyak nang nakuha nila saakin si neveah habang mahigpit ang hawak ko kay nash.

Marami ng nakapalibot samin ngunit wala parin ang mga pulis.

"Pakiusap! bitawan nyo ang anak ko!"nagsusumamong ani ko.

Umiiiyak si neveah habang mahigpit na hinahawakan ng kidnapper,Masakit para saakin na makitang nahihirapan ang mga anak ko.

Papalapit na papalapit ang kidnapper sa anak kong si nash,habang may nakatutok na kutsilyo.

Kinakabahan ako habang paatras ng papaatras hanggang sa wala ng maatrasan at mabilis nyang nakuha ang kamay ni nash.

Ngunit di ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.

Sinipa ni Nash ang mukha ng humablot sa kanya,Akto na yang susunggaban ng kutsilyo ngunit mabilis nya itong inilagan, tsaka sinipaan ang kamay ng lalaking iyon na may hawak na kutsilyo at nahulog ito sa sahig.

walong taong gulang pa lamang si nash Habang pito naman si neveah, ngunit di maitatago ang kakayahan nila sa larangan Ng Martial Arts talagang nagmana sila sa kanyang Ama na isang Secret Agent, ang aking pinakamamahal na asawa,Si Gaiser.

Puro babae ang anak ko ngunit kong kumilos daig pa ang tunay na lalaki.

Bata palang ay tinuruan na silang lumaban.

Nilabanan ngayon ni nash ang mga masasamang taong nakahawak padin kay neveah.

habang ako ay umiiyak lang dito sa isang tabi,wala man lang akong magawa kundi humingi nalang ng tulong sa mga pulis.

Pinagsisipa at iniilagan ni Nash ang nga suntok paparating sa kanya, at nakakatwang wala itong emosyon habang ginagawa iyon, hindi bakas sa kanyang mukha ang takot, agad nyang nakuha si Neveah at dumating na ang mga pulis.

Ewan ko ba sa mga taong nakalaban ng anak ko, di naisip na maari silang mahuli ng pulis kong makikipaglaban pa sila rito.

Maaaring di nila inaasahan ang kakayahan ng babae kong anak.

Maging akoy Namamangha sa kakayahan na ipinamalas ng Anak ko ngayon.

Mas gagaling ka pa anak ko,kayo ni neveah,proprotektahan nyo ang isat isa sa oras ng kagipitan.

hindi kayo magkakahiwalay.

~~END OF FLASHBACK~~

Nakangiti akong inaalala ang lahat ng yon.

"Narito na po ang juice ninyo maam"

"Salamat linda"

"wala pa po ba ang anak nyong si Nashville? papagabi na"

UnFixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon