UNFAITHFUL

701 10 13
                                    

Lisa's POV

'Good morning, my love. ❤️ You left early?'
Text message 7:05 am

'Good morning. Yes, babe. I have a lot of works to do sa office eh.'
Text message 7:10 am

'You should've woken me up so I could've cooked you breakfast. ☹️'
Text message 7:11 am

'Nah, it's fine. Look, I have to go. I'll talk to you later.'
Text message 7:20 am

'Oh, okay. Take care, love. I love you!'
Text message 7:21 am

Nag-intay ako ng ilan pang minuto para sa reply mo. Pero minuto, oras ang lumipas, wala akong natanggap.

Nakatayo ako sa harap ng lamesa, staring at the empty dining table.

You used to cook breakfast for the both of us kasi hindi ako marunong magluto. You know how much I hate to cook but I love it when you're the one cooking. Kasi sobrang galing mo magluto. And that's one of the reasons why I fell so deep in love with you.

We've been together and married for almost five years now.

Almost five years na puno ng kaligayahan at pagmamahalan ... pero nagbago ang lahat.

Nabago ang lahat noong nagbago ka.

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Kung saan ako nagkulang. Dahil ba hindi kita kayang bilhan ng mga mamahaling bagay? Dahil ba masyadong mababa ang trabaho ko kesa sa trabaho mo? Dahil ba mataas ka na pero mababa pa rin ako? I gave my all to you. I sacrificed everything for you ... for both of us. Pero bakit parang kulang? Bakit parang hindi pa sapat?

Hindi pa ba ako sapat?

Naramdaman ko nalang na may mga luhang bumabagsak sa magkabilang pisngi ko. Ngumiti ako ng tipid sabay punas sa mga ito.

"Tatlong buwan na, Lisa. Hindi ka pa ba sanay?" Mapait na tanong ko sa sarili ko sabay ngiti ng pilit.

Pero kahit anong pigil ko, patuloy at patuloy pa ring tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

Tatlong buwan. Tatlong buwan na simula nung nahuli kita. Nahuli kitang may kahalikang lalaki sa loob mismo ng opisina mo.

Balak ko sanang dalawin ka noon dahil sabi mo sobrang stressed ka, kaya naisipan kong dalhan ka ng konting pagkain na pinaluto ko pa kay Chaeyoung, sa kaibigan natin, dahil wala na naman silang trabaho ng gantong oras.

Hiniram ko yung kotse niya, pero nagpumilit siyang sumama kaya sinama ko na tutal madalang na rin kayo magkasama simula nung nagkanya kanya na tayong trabaho.

Ikaw, bilang isang successful na fashion designer. Ang mag-asawang sina Jisoo at Chaeyoung bilang owners ng isang famous na restaurant sa siyudad. At ako ... bilang isang hamak na empleyado ng isang maliit na kumpanya.

Nauna akong bumaba ng sasakyan kay Chaeyoung pagka-park niya saka naman siya sumunod.

Madilim na ang paligid non dahil alas-10 na ng gabi. Halos wala na ring makikitang tao sa paligid.

JENLISA SHORT STORIES ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon