11

241 3 0
                                    

-Matthew

"Ano iyong tugma kay Coleen, Matthew?"

Natauhan naman ako at naputol iyong pagtitig ko kay Coleen nang bigla kong marinig iyong boses ni Kamatayan. Para rin akong binuhusan ng malamig na tubig at naestatwa dahil sa tono ng pagtatanong niya.

Tangina! Narinig niya yata! Katapusan mo na, Matthew! Bakit kasi hindi ko na lang itinext?! Tae naman! Nawala kasi sa isip ko na may Kamatayan pala na puwedeng makarinig ng mga sinasabi ko!

Mag-isip ka na ng palusot, Matthew!

"H-Hindi mo ba narinig?" Kailangan ko maging matapang ngayon. Huwag kang magpapahalatang kinakabahan ka, Matthew. Isang maling sagot, mamamatay ka.

Pigil hininga kong hinihintay iyong sagot niya. Natatakot kasi ako at baka nalaman niya. Ngayon pa na nalaman kong mahal ko si Coleen? First time ito tapos masasayang lang? Tangina. Hindi ko pa nga nararanasan iyong sarap at saya ngayong alam ko na mahal ko si Coleen.

"Hindi. Ang narinig ko lang ay iyong tugma kay Coleen. Ano ba iyon, Matthew? Ano iyong tugma kay Coleen? May dapat ba akong malaman?"

Nakahinga ako ng malugaw nang marinig ko iyong sagot niya. Ligtas ako. Shit. Kinabahan ako ruon, ha? Akala ko talaga katapusan ko na. "Tugma. Tugma lahat kay Coleen iyong... iyong ideal girl nuong kausap ko kanina."

Nagpaalam na si Kamatayan dahil may mga importanteng bagay pa raw siya na dapat asikasuhin. Tumayo ako at pumunta sa fridge para kumuha ng pagkain. Apple iyong kinuha ko tapos tubig. Pumunta naman ako sa lamesa pagkakuha ko ng kutsilyo. Binalatan ko iyong apple nang mahiwa ko na iyon ng pira-piraso.

Since I found out na mahal ko si Coleen, I might as well offer a peace offering, right? Hindi naman puwedeng nag-iiwasan kami at hindi nagpapansinan since sa iisang bubong lang kami nakatira.

Coleen's virginity isn't something that can make my feelings for her waver. Nang malaman ko na nagalaw na si Coleen, I still cared for her. My feelings didn't vanish. I just didn't notice na matagal na pala akong nagmamahal. And I'm so stupid for not even knowing my own feelings.

Mahilig naman ako mangbabae noon kahit noon buhay pa ang mga magulang ko pero bakit hindi ko man lang naranasan ma-in love? Mukha tuloy akong tanga. All this time, nagmamahal na pala ako, hindi ko man lang alam.

Inilagay ko na sa platito iyong sliced apples tapos nilagyan ko rin ng asin sa gilid. I just like apples getting salted. Ang sarap kasi. Though I just don't know if Coleen will like it but I do hope na magustuhan niya. Well, I like it. Maybe she will also like it.

Napabuntong hininga ako habang nakatayo at hawak ang platito pati baso. Hahakbang pa lang sana ako kaso napabalik ako sa pag-upo.

Tangina. Hindi ko kasi alam iyong sasabihin ko. Paano iyon? Ibibigay ko lang itong peace offering ko tapos aalis na ako? Argh. This is so fucked up. And I'm so stupid for not even knowing what to do. Kalalake kong tao, ganito ako. Nakakabobo ka na talaga, Matthew.

Napabuntong hininga ulit ako nang may isang bagay na sumagi sa isip ko.

I can't confess my feelings for Coleen.

Hindi ko puwedeng sabihin ito kahit kanino. I really should do my best to bottle my feelings for her.

How would I know the feeling of being loved back by the one I love if I couldn't confess my feelings? Well, it's not that I couldn't; I shouldn't. If I want to stay breathing, I should not confess my feelings.

I effin' hate my situation. Siguro karma ko na ito dahil sa dami ng pinatay ko. Kung sana dati ko pa ako may alam sa pagmamahal, nakagawa ako ng paraan kaagad at probably, naramdaman ko kung paano mahalin. Baka nga agawin ko pa si Coleen kay Jale kung dati ko pa narealise.

Ice Cream (Completed #Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon