7

385 3 1
                                    

-Matthew

Akala ko talaga, iyon na ang huling hininga ko. Akala ko, hanggang duon na lang ako pero mali ako dahil nang iminulat ko ang mga mata ko, medyo malabo man ang paligid pati na ang paningin ko, bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na lugar nang mag-adjust na ang mga mata ko sa dilim.

"Nasaan ako?" pabulong na tanong ko sa sarili ko habang inililibot ang aking paningin.

Isang madilim na kwarto na napapaligiran ng mga bungo na may nakatirik na mga kandila sa bawat isa nito. Sa harap ko naman ay isang lamesa. Tipikal na kahoy na lamesa pero mahahalata kung gaano na ito kaluma.

Kumurap ako at nang idilat ko iyong mga mata ko, nanlaki ang mga ito. Sa hindi malamang kadahilanan, bigla ako nakaramdam ng matinding takot. Hindi ako natatakot sa kahit na ano pero dahil sa nakikita ko, parang ang gusto ko na lang gawin ay tumakbo hanggang sa makalayo rito.

Nang iminulat ko kasi ang mga mata ko matapos ko kumurap, bumungad sa akin ang isang lalake na nakaupo sa lamesa sa harap ko. Paanong nagkaroon ng isang tao sa harap ko sa isang kisapmata? Ang bilis naman niya? Pero parang pamilyar siya. Kamukha niya iyong dugyot na nagsabi sa akin na malapit na akong mamatay.

"Si-Sino ka?" Hindi ko naiwasan ang mangatog habang naktitig sa mga mata nito. Tatayo na sana ako kaya lang biglang may humawak sa mga pulso ko – butong mga kamay.

"Ako?" Bahagya itong tumawa bago nito itinuloy ang sinasabi pagsasalita nang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. "Hindi na mahalaga kung sino ako."

"Nasaan-" pinutol niya na naman ang pagsasalita ko dahil bigla siyang sumapaw.

"Pero ito ang tandaan mo; isa ako sa mga katamayan."

Ha? Siraulo yata itong taong ito, eh? Pero teka. Hindi lang iyong mukha niya ang pamilyar, pati na rin iyong boses niya. Kasi kung hindi ako nagkakamali, iyong boses nuong laging bumubulong sa akin at iyong boses niya, iisa lang. Hindi ako puwedeng magkamali.

Pinakalma ko ang sarili ko kahit nahirapan ako saka ako humugot ng malalim na paghinga, hoping n asana makahugot ako ng lakas ng loob. Kahit kinakabahan, sinamaan koi to ng tingin. "Wala akong panahon makipaggaguhan sa iyo. Nasaan ako?" Pinipilit kong kumawala pero habang ginagawa ko iyon, mas humihigpit ang pagkakahawak nng mga kamay na buto sa pulso ko.

Anong kagaguhan ba ito?

"Matagal na kitang minamatyagan; at ikaw ang napili ko."

"Ano bang pinagsasabi mong ulupong ka? Pakawalan mo ako ri-" Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang biglang may kung anong ilaw ang lumabas sa gilid niya. Unti-unti, iyong ilaw na iyon ay naghugis scythe.

Ano... Ano ba ang nangyayari dito? Hindi naman ako adik o baliw para makakita ng mga ganitong bagay, hindi ba?

Kinuha niya iyon at itinapat sa akin na may ngisi na naglalaro sa kaniyang mga labi. "Ikaw, Matthew De Vera; ikaw ang napili ko para maging estudyante ko."

Ha? Ano raw? Estudyante?

"E-Estudyante?"

Ngumiti siya bago nagsalita. Nakakakilabot talaga iyong ngiti niya; parang may binabalak lagi na masama. "Simula ngayong araw na ito, pagmamay-ari na kita, Matthew De Vera."

Napaatras ako ng kaonti nang iwinasiwas niya iyong scythe niya sa mukha ko pero kahit na sinubukan kong umilag, tinamaan pa rin ako sa pisngi ko. Tangina! Ang sakit nuon. Ramdam na ramdam ko ang lalim ng sugat.

"Lumayo ka!"

Sinubukan ko umatras ulit, sa pagbabakasakaling makawala ako. Na-out of balance ang upuan at nasa kalagitnaan ako ng pagbagsak pero bigla na lang umayos ang puwesto nito kaya hindi natuloy ang pagbagsak ko. Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon pero gusto ko siyang murahin at sigawan kaya lang ay hindi ko magawa. Wala nang lumalabas na boses sa bibig ko.

Ice Cream (Completed #Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon