9

264 3 0
                                    

-Matthew

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung kanino ba dapat maniwala.

Sabi ni Jale, siya raw ang argabyado, ang nagsasabi ng totoo. Pinopormahan daw ni Nathan si Coleen. Inaagaw raw sa kaniya ang girlfriend niya. Sabi rin ni Jay, hindi naman daw nagsisinungaling si Jale at talagang pinanigan niya ito dahil ito ang kaibigan niya. Kinwestyon niya pa nga ako kung nakapagsinungaling na ito sa akin pero wala akong matandaan dahil puro kabutihan lang ang ipinapakita nito sa akin.

My thoughts exactly. Lahat kasi ng dapat ko malaman, ipinaaalam sa akin ni Jale. Puwede niya rin ako takbuhan dala ang mga pera ko pero hindi niya ginawa.

Sila Coleen naman... ewan ko. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako maniwala. Kilala ko siya at gustong gusto ko maniwala sa lahat ng mga sinasabi niya. Isa rin kasi siya sa mga taong hindi kayang magsinungaling sa akin. Siguro nagtago na siya ng mga bagay-bagay sa akin pero mga bagay na walang kinalaman naman sa akin ang mga iyon.

"Wala ka man lang bang maitutulong so problema ko?" tanong ko sa hangin saka ininom ang hawak kong bote ng alak.

Nandito ako ngayon sa pampang. Medyo malayo ang pinwestuhan ko dahil hindi ko pa sila kayang harapin. May ilang tumatabi nga sa akin pero pinaaalis ko. Wala akong panahon sa kanila ngayon. Isa pa, hindi ko naman sila mapapatay so ano pang sense ng pagtabi nila sa akin.

Hindi rin hangin ang tinatanong ko kung hindi si Kamatayan. Alam naman siguro niya na siya kinakausap ko kapag nagsasalita ako mag-isa.

"Wala." Napatigil naman ako sa paglagok ng beer nang marinig ko ang sagot niya. "Problema mo iyan, ikaw ang lumutas."

Napangisi ako at napailing. Ayos rin itong kamatayan na ito, eh. Estudyante niya ako pero hindi man lang niya ako matulung-tulungan.

Nakakatatlong bote na pala ako. Hindi naman ako lasing. Matino pa naman ako. Tipsy. Tipsy lang.

"Alam mo naman siguro kung... sino ang dapat kong paniwalaan sa kanila, hindi ba? Puwede mo bang sabihin sa akin? Kahit iyon lang sabihin mo, ayos lang."

"Hindi."

"Langya naman, oh." nakasimangot na tugon ko saka ko ibinato iyong bote sa dagat.

Tumayo ako dahil wala na rin naman akong gagawin dito. At saka, naiihi rin ako. Hindi ko na kayang pigilan. Baka sumabog na pantog ko kapag pinigil ko ito. Ang layo pa man rin ng cottage mula dito sa pinagpuwestuhan ko para uminom kaya hindi talaga option na bumalik pa ako ruon para lang umihi. Bahala na sa tabi-tabi.

Naglakad ako papunta sa medyo liblib na lugar. Halos puro puno na ang pinasukan ko. Wala na rin masyadong ilaw at tanging ilaw na lang ng buwan ang nagbibigay liwanag rito. Tumigil na ako sa paglalakad matapos ko ilibot ang paningin ko para siguraduhin na walang ibang tao na makakakita sa gagawin ko bago ko ginawa ang dapat gawin.

At dahil nga dinadama ko iyong ginagawa kong pagbabawas, napapikit ako. Nang imulat ko iyong mga mata ko, nakakita ko ng dot ng ilaw na parang nalipad? Nalutang? Tapos kasunod nuon ay iyong parang... babae yata? Hinahabol yata iyong ilaw na iyon.

Lasing ba ako? Parang hindi naman. Alam ko sa sarili ko na tipsy lang ako pero bakit parang naghahallucinate na ako?

Tinapos ko na ang idinayo ko rito saka sinundan iyong daan kung saan nagpunta iyong ilaw at iyong babae.

Sino kaya iyon? At saka, bakit naligaw siya sa parte na ito? Masyado nang liblib rito, ha? Pero teka? On the first place, bakit ko ba iyon sinusundan? Yaan na nga. Nandito na rin lang ako, nasimulan ko na iyong pagsunod-sunod, might as well na sundan ko na. Naisip ko rin kasi na baka multo iyon. Makakita man lang ng multo, hindi ba? Never pa kasi ako nakakakita ng ganuon.

Ice Cream (Completed #Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon