3

535 5 0
                                    

-Matthew

"Saan ka galing?" seryosong tanong ko kay Coleen na kapapasok lang ng bahay. Dume-quatro ako at naghalukipkip. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan na ipinwesto ko sa harap ng pintuan para kapag papasok na siya, ako kaagad ang bubungad sa kaniya.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nasapo niya rin ang kaniyang dibdib pero ibinaba niya rin kaagad ito at nginitian ako ng bahagya. "Matthew-"

"Anong oras na?" pagpuputol ko sa pagsasalita niya. Gustong gusto ko marinig mula sa kaniya ang katotohanan. Kahit naman kasi may balak akong patayin siya, in a way, nag-aalala pa rin ako. Isa pa, I want to know what's going on.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya saka nakatungong sumagot. "Seven?"

Bumuntong hininga ako saka ako tumayo at linapitan siya. Medyo napaatras siya nang maramdaman niya ang paglapit ko saka tumama ang likod niya sa pinto dahil sa ginawa niyang pag-atras. "Coleen, don't you think you're being too careless?!" sigaw ko sa kaniya na siyang ikinabigla niya. Pumamewang ako at tumingin sa itaas saka bumuntong hininga ng nakapikit.

Nafu-frustrate na kasi ako. Gusto ko na kasi talaga malaman kung bakit lagi siyang pumupunta ruon sa bahay na iyon tapos iiyak-iyak siya habang nakamasid ruon.

Oo, sinundan ko na naman siya at nakita ko na naman iyong ginawa niya; nagmasid duon at umiyak. At saka, nakakainis lang kasi. Nasa puder ko siya so kapag may nangyaring masama sa kaniya, natural naman na ako kaagad ang tatanungin. Kababae niyang tao, gabi na siya kung umuwi. Hindi man sobrang late pero gabi pa rin. Tulad ngayon. Maraming siraulo diyan sa labas. What if mapano siya? Kung may mangyaring masama sa kaniya?

Iniisip ko pa lang, gusto ko na pumatay, eh.

Inuulit ko; kung may mangyari man na masama sa kaniya, dahil sa akin dapat iyon.

"Matt-"

"Gabi na, Coleen. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo at umuuwi ka palagi ng ganitong oras?"

"Matt-"

"Paano kapag may nangyaring masama sa iyo? Paano kapag may nanakit sa iyo? Paano kapag may mga siraulo diyan na pinagdiskitahan ka? Paano kapag pinagsamantalahan ka? Paano-"

"Matthew," pagsingit niya habang nakangiti tapos tinakpan niya iyong bibig ko gamit iyong dalawa niyang kamay. The stupid moths are on a riot... again. "I really appreciate na concern ka sa akin-"

Inalis ko kaagad iyong mga kamay niya pagkahawak ko sa mga iyon dahil sa narinig ko. "Hindi ako concern." mabilisan kong sinabi habang nakasimangot saka umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng malalambot niyang mga kamay na hawak-hawak ko pa rin. Para akong napaso sa mga kamay niya kaya binitawan ko kaagad ang mga iyon saka siya tinalikuran at patakbong umakyat sa kwarto ko.

Ako? Concern? Asa naman.

Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako nagkakaroon ng pakielam sa mga tao. Hindi na ako marunong mag-alala sa mga tao. Ako? Si Matthew De Vera? Concern? Where on earth did she get that sick joke?

--

From: Ella

"Matt pls anu b gus2 mo gwin ko pra mkabawi?"

Iyan ang nakita kong text sa akin ni Ella nang buksan ko iyong message sa inbox ko.

Napabuntong hininga ako saka humiga sa kama tapos inispread ko iyong dalawang braso ko. Hindi ko pa naman kasi pwedeng tapusin iyong buhay niya kaagad. Three days na rin siyang tanong nang tanong kung paano siya makakabawi sa kasalanan na nagawa niya.

Ice Cream (Completed #Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon