13

252 4 1
                                    

-Matthew

Tinakpan ko ang dalawang tenga ko ng mga kamay ko at mariing pumikit. Hindi ako makatulog. Ang ingay kasi nuong bata; iyak nang iyak. Nasa kabilang kwarto lang kasi ang kwarto ni Coleen kaya rinig na rinig ko ang pag-iyak ng bata. Iniwan ko kasi na nakabukas ang pinto dahil nasira ko iyong lock. Kapag isinara ko, hindi mabubuksan. Iyong susi rin kasi, nawawala. Badtrip nga, eh.

Ilang araw na akong laging puyat dahil sa batang iyon. Kada gabi, laging naiyak. Minsan, pati sa umaga at hapon, naiyak rin. Pati sa school, nakakatulog na ako dahil sa sobrang puyat. Ang sarap nga itapon kaso baka kung ano ang magawa sa akin ni Coleen kapag ginawa ko iyon.

Itakas ko kaya iyon at palabasin na pinasok kami ng magnanakaw at iyong bata lang ang ninakaw? Siguro kailangan ko rin talaga magtiis, ano? Kailangan ko magtiis sa puyat para mapanatili si Coleen rito sa bahay. Kasi kapag nagreklamo ako, I'm a hundred precent sure na aalis siya rito sa bahay. Sa ugali niya kasi, alam ko na mas pipiliin niya na lang magpagala-gala kaysa makagambala.

Good thing nga at nakakapasok pa rin si Coleen kahit na may alaga siyang bata. Hindi naman hadlang iyong bata kasi may pinag-iiwanan siya– iyong lalake na nakausap niya noon. Idinadaan niya raw iyong bata duon sa bahay nila dati ng patago kapag papasok na siya.

Dahil nga hindi talaga ako makatulog – ulit – bumaba muna ako saka dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Inilapag ko sa lamesa iyong baso pagkaubos ng laman nito saka pinatay ang ilaw.

Duon na lang kaya ako matulog sa salas? Para kasing sineseduce ako ng sofa nang makita ko ito nang makarating na ako sa salas. Parang ang sarap matulog ruon. Medyo mahina ang tunog ng pag-iyak nuong bata mula rito. Ngayon ko na lang ulit naappreciate ang kaunting katahimikan sa bahay na ito. Sobrang sarap sa pandinig.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa saka niyakap iyong dalawang throw pillow na nakalagay duon. "Ang saya..."

Dito na lang kaya ako matulog habang nandito sa bahay sina Coleen? Bakit ba ako ang nag-aadjust kung ako ang may-ari ng bahay na ito? Jusko, Matthew. Nagagawa nga naman ng pag-ibig sa iyo.

--

"De Vera!"

Mula sa pagkakaubob, napaayos ako ng upo nang marinig kong sumigaw iyong prof namin. Jusko, heto na naman. Pagagalitan na naman ako dahil nahuli na naman akong natutulog sa classroom habang nagtuturo siya.

Dalawang linggo na rin kasi simula nang itira ni Coleen iyong bata sa bahay. At sa dalawang linggo na iyon, wala akong maayos na tulog at napagchichismisan na yata kaming dalawa ni Coleen nuong mga katulong ng mga kapitbahay namin. Kapag nadaan ba naman kami sa tapat ng bahay nila, napapatingin sa amin iyong mga babaeng nakasuot ng maid outfit tapos nagbubulungan. Tapos hingi na nang hingi ng pasensiya si Coleen dahil nga alam niyang napupuyat ako. Paanong hindi malalaman, eyebags pa lang, alam na na sobrang napupuyat ako.

"Sir?" walang ganang sagot ko. Tumayo na rin ako nang patayuin niya ako tapos pinalapit niya ako sa kaniya at binigyan ng trabaho.

Shet naman. Kung kailan kailangan ko iyong assignment in Kamatayan, saka pa hindi dumating. Makatakas man lang iyong kaluluwa ko rito sa pesteng paaralan na ito. Puwede ko naman ialis ang kaluluwa ko sa katawan ko kaya lang hindi ko alam kung minomonitor ako ni Kamatayan at baka magtaka kung bakit iniaalis ko nang iniaalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ayoko namang dumating pa sa point na pati pag-alis ng kaluluwa ko sa katawan ko, kwestiyunin at pagbawalan pa ako.

Kailangan ko tuloy linisin iyong cr mamaya duon sa office ng ulikbang iyon. Oo, iyon ang trabahong ibinigay sa akin. Tangina. Cr nga ng bahay ko, hindi ko nililinis – thanks to Coleen at siya ang naglilinis nuon - tapos paglilinisin ako ng cr dito?

Ice Cream (Completed #Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon