Chapter 1

6 1 0
                                    

  Kamatayan

              "Nakikiramay ako. " Ayan yung mga salita ng mga taong dumadalo sa pagkamatay ng Tatay ko. Blanko ang isipan ko at wala akong emosyon na maramdaman. Tanging tango nalamang at bahagyang ngiti. Si lola ay nakatulala lang sa namatay kong lolo. Hindi ko alam kung anong nasa isipan niya pero ayokong isa rin siya ay mawala sa akin. Sila lang ang meron ako. Sila lang yung pinag kakatiwalaan ko. Sila lang yung taong minahal ko at hindi ko alam pag namatay sila ay magagawa ko pang mabuhay sa mundong ito.

"Anak.. " Anas na sabi ni Nanay na ikinalingon ko. "Anak.. " Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Anak gusto ko ng sumunod sa Tatay mo anak. " Savi nito habang hawal angpisngi ko. Tanging iling lang ang nagawa ko. Habang nag uumpisa ng tumulo ang mga luha ko. Sabi nila ang lalake ay hindi umiiyak nagkakamali sila. Isang kahinaan ang hindi pag iyak dahil natatakot kang mahusgahan. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Noong una napapaisip ko bakit may tubig nalumalabas sa mata ng bata noong bata ako. Ngayon ito na'yon. Ramdam ko ang sakit at takot na pati si Nanay ay mawala sa akin.

" 'Wag, nay. " Umiiling kong sabi habang hawak ko ang kamay niyang na sa pisngi ko. " 'Mahal ko kayo. 'Wag. " Tila'y sa salitang 'yon mapipigilan ko siya sa Disesyon niya.

"Malaki ka na. Ilang taon ka na ba? 18? Kakayanin mo na anak. " Sabi ni Nanay. Umiling ako.

"Hindi naman dahil ay matanda na ako sa edad kaya ko ng lahat. Kailangan ko pa ri tu kayo nay. 'wag. " Ang salitang 'wag ay paulit-ulit kong sinasabi.
Sila lang ang meron ako! Sila lang at ayokong mawala 'yon. Hindi ko alamkung matutulad ba ako kalay nanay at tatay o sa mga taong tumatanda o namamatay kasi hindi naman ako tao. Hindi ko alam kung ano ako pero itinuring akong normal ni nanay at tatay. Hindi ko kailanman pinag sabi na nakakalipad ako dahil ayon ang bilin nila nanay.

"Paano? Paano naman ako anak? Paano naman ako? Mahihirapan ako. " Tila'y nag mamakaawang sabi ni nanay sa akin. Ayoko ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Mahal kita nay. Sana 'wag n'yo rin akong iwan. Kayo lang ng meron ako. "

Yinakap ko si nanay at umalis muna sa lugar na'yon.

Sumadal ako sa pader dito sa likod ng skinita kung saan ay madilim na dahil pagabi na. Pinalopalo ko ang dib-dib ko na kumikirot.

"Ah! Ayoko nito! Ayoko nito! " Hanggang sa napaupo nalang ako sa ba'to. Ang sakit.
Sila lang ang meron ako. Bakit ganoon si nanay? Hindi niya ako naiisip. Nasasaktan ako sa mga pinag sasabi niya.

"Paano ako? " Umiyak ako natila'y isang bata pa. "Hindi naman pala ako tao. " Sabi ko at natawa. Hindi naman ako tao. Hindi. Hindi ako normal. Hindi ko alam. Pumasok sa isip ko gusto kong lumipad at pumunta sa mataas na tuktuk kung saan kita ko ang maiilaw na s'yodad.
Ang bahay namin ay hindi na roon. Lumipat na kami para na rin makahanap ng trabaho noon si tatay at nanay. Ganoon din para makapag aral ako ng hindi na umaakyat at bumababa ng bundok pag madilim.
Pumikit ako at inisip. Sa pagdilat ko nakita ko ng umaangata ako sa lupa. Ang isip ko lang ang kailangan kong paganahin para makapag 'focus' sa pag lipad. Pumunta ako sa tuktuk ng building at pinanood ang mailaw na s'yodad. Hindi ko talaga alam kung sino ako. Hindi ko alam pero hindi ko na tinanong 'yon. Noong nasa maayos akong pangangalaga nila nanay at tatay.

"Tay, pati si nanay gusto akong iwan. " Muling tumulo na naman ang luha ko. Ang sarap ng simoy ng hangin sa itaas ang lamig nitong siyang yayakap sa akin. Ilinagay ko ang hoodie ko sa upo at humiga upang tignan ang kalangitan. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito. Na mawawala rin sila. Hindi ko alam na tatanda rin ako at mamatay dahil hindi naman ako isang normal na tao.

Sabi nila nanay at tatay pag oras mo na ay oras mo na pero hindi pa naman oras ni nanay ngunit gusto niya ng sumunod kay tatay. Sinabi nila kapag tumanda na ang tao ay mahina na sila.

"Kung subukan kong tumalon dito? Kapag nabuhay pa ako ay hindi ko pa oras at kapag patay na ako oras ko na talaga 'yon. " umupo ako at tinignan ang kababagsakan ko.

"Sigurong wala ng mabubuhay kung babagsak ng ganito kataas. " Bumali muli ako sa pagkakahiga. Napakatangang pag iisip 'yon. Napabuntong hininga ako at ipinikit muna ang mga mata. Kahit sandali gusto kong mawala yung sakit.

            Pag kalipas ng limang oras na pamamahinga bumalik ako sa amin ng 10 pm at nalaman ang masamang balita na naman.

"Ang nanay mo, Angelus. " Malungkot na mga matang salubong sa akin ng aming kapitbahay na si Alinabena ang aking kababata.

"Nasaan? " Mahinahon kong tanong kahit sa kaloob-looban ko na gusto kong sumabog!

"Hindi nakahinga. Bigla nalang hindi nakahinga. " Sabi nitong naluluha. Napatalikod ako at napasabunot sa aking sarili.

"Pambihira naman kayong mga tao! " Nagsipatakan ang mga luha ko. Bumaling muli ako rito. "Saang hospital? " Tanong ko rito kaagad na sinabi nito ang lugar. Hindi ako nag aksaya ng oras at kaagad na lumipad wala na akong pake! Wala na!

            Hinanap ko ang room ni nanay. Habang may luha pa yung mga mata kong nagtatanong.

"Pangalan po ng nanay ko Rolyn Angeles. " Huminga ako ng malalim at huminahon. Pansin ko pa ang pagkahanga nito sa akin pero wala akong oras. "P'wedeng pakibilis po. " Sabi ko. Napabusangot siya sa mga "po" ko.
Pagkarating ko sa room ni nanay. Wala na.

Napaupo ako at umiyak ng umiyak.

"Nanay, hindi mo manlang ako inisip. Madaya ka nanay! Iniwan n'yo ako ni tatay. " May pumasok na Doctor at tinapiktapik ang balikat ko. "Doc, ang daya nila. " Umiyak ako ng umiyak.

"Ganoon talaga hijo pag oras mo na ay oras mo na. " Sabi nito.

"Doctor kayo, bakit hindi n'yo nagawaan ng paraan para mabuhay pa? " Tanong ko rito.

"Hijo, hindi naman kami Diyos. Tao lang rin kami. " Umupo na rin ang Doctor sa tabi ko. " Pagpasensyahan mo na. Mahina na rin kasi ang katawan ng nanay mo. "

"Maayos naman siya kanina. Gusto niya lang talang sumama kay tatay. Pareho nila akong iniwan. " Wala akong pake kung may makakita man sa akin na umiiyak.

"Pagtanda nating mga tao ganoon din ang patutunguhan ng buhay natin. " Bakas ang pait ng ngiti sa sinabi niya.
Ayon kung tao ako o nag aanyong tao lang.

           Pagod akong umuwi sa bahay at walang kinausap ni isa. Umupo ako sa sofa at sinandal ang likod ko. Binuksan ko ang tv gusto ko kahit papaano ay maingay para hindi ko talaga maramdaman ang nag iisa.
Napadilat ako sa balita may tila kakaibang nilalang daw ang lumilipad sa langit.

Angelus ReprobiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon