Prologue

10 1 0
                                    

Dama ko ang lamig na bumabalot sa aking maliit na katawan.

"Hoy! May bata! " Sigaw ng matandang babae. Dinig ko ang boses nito pero hindi ko kita ang mukha dahil nakahiga ako ng patagilid at hawak ang aking mga tuhod.

"Jon! May bata! " Sigaw pa nito. Dinig ko ang mga yabag ng paa nila papunta sa akin. Hindi ko alam kung na saan ako.

"Jesus! Bata nga! " Sabi naman ng lalake na matanda rin ang boses.
Maya-maya ay para akong kinarga at ilinagay sa bisig. Ramadam ko ang init ng yakap.
Dinilat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang mukha ng matandang lalake na gulat na gulat.

"Kulay blue ang mga mata! Jesus! Saan ka nanggaling bata ka? Bakit hubad ka? " Tanong nito pero tinitigan ko lang ang kulubot niyang mukha. Iniabot ko ang aking kamay upang mahawakan ang mukha niyang bakas na ang katandaan. Biglaang umamo ang mukha nito.

"Napaka poging bata, Rolyn! " Ngumiti ito sa akin at naglaho ang mga mata dahil sa pag ngiti.

"Tara na jon! Dalhin natin siya sa bahay! " Sigaw ng matandang babae habang yakap at buhat ako. Nakapulupot na sa akin ang kaniyang balabal. Ang init ay numunuot na sa aking katawan. Ipinikit ko muli ang aking mga mata at dinadama ang init.

" Napaka sama naman ng magulang at iniwan lang ang g'wapong 'yan! " Dana ko ang galit ng matandang babae na may buhat sa akin, muli ay binuksan ko na naman ang aking mga mata nakita ko ang matanda ang pagod sa kaniyang mga mata noong nakita niya akong nakatingin ngumiti ito.
Ilinibot ko ang paningin ko nasa kagubatan na kami ang tatayog ng puno. Ang mga dahon ay ang dami sa baba. Kung saan nila ako natagpuan? Doon sa gilid ng kalsada na medyo kita ko pa mula rito.

"Nag sasalita ka ba,anak? " Tanong muli sa akin ng lolo. Tinitigan ko lang itl at pinag masdan ang kaniyang mukha.
Meron itong putingbuhok,makapal na kilay at payat na mukha. Ang mga ngipin nito ay ang ganda. Ngumiti ako sa kaniya.

"Noryn! Ngumiti sa akin ang bata! " Masayang sabi nito. Lalo pa akong ngumiti.

"Mukha ka kasing clown. " Hindi ko alam ang Clown. Ano ang clown?

"Grabe ka naman sa akin Noryn! " Sabi nito na nakangiti. Tumawa ako.
Napahinto ang may buhat sa akin.

"Ang cute ng tawa niya jan! " Sabi ng matanda at nag sinatawanan silang dalawa.

Nakarating kami sa lugar kung saan may batong nakatayo. Tinatawag nilang bahay. Napakalaki nito para sa aking maliit.

"Ako nga pala si Nanay Rolyn. " Tinignan ko ang mukha niya habang binibihisan niya ako ng damit na paraa akin ay sobrang laki. "Pasens'ya kana ah wala kasi akming damit dito na pangbata na mag kakas'ya sa'yo." Tanging sabi nito sa akin na ikinatango ko.

"Naiintindihan mo kami? " Gulat na sabi nito. Kusa ko nalang silang naiintindihan hindi ko alam kung paano. Pinag masdan ko ang mukha nito ang kulubot na mukha ay hinawakan ko. Ngayon palang ako nakakita ng ganitong nilalang at wala akong matandaan na nakakita na ako ng ganito o mga bagay na nakikita ko ngayon.

"Opo.. " Nagulat sila sa sagot ko.

"D'yos ko! Buti nalang! Kung hindi ay mapapa-English kami ng wala sa oras. " Sabi nito nanatatawa.

"Rolyn! Handa na ang pag kain! " Tawag ni Tatay.

"Jan! Tagalog mag salita ang bata! " Sigaw nitong tuwang-tuwa.
Kaagarang tumakbo ang matandang lalake papunta sa akin at lumuhod sa harapan ko.

"Mabuti! Ilang taon ka na? " Tanong nito sa akin. Napaisip ako.

"Hindi ko po alam. " May kakaiba sa mga mukha nila na ikinakunot ng noo ko. Yung mata nila parang iba. Hindi katulad kanina na nagtatawanan kami.

"Sa mukha niya at tangkad mga nasa 6 years old palang 'yan jan." Sabi ng matandang babae na ikinabaling ko sa kaniya.
Tumango-tango naman ang matandang lalake.

"Tawagin mo akong tatay! " Masiglang sabi ng matandang lalake. "At nanay naman sa kaniya. " Sabi nito at tinuro ang matandang babae.

"Ta-tay.... Na-nay. " Sinusubukan kong banggitin ang sinasabi nila.

"Very good! " Sabi ni Nanay na itinaas ang hinlalaki ng kamay. Tumawa ako. Nag sitawanan din sila.

"Tatawagin ka naming Angelus Reprobi." Sabi ni Tatay. Naoangiti ako alam ko ang meaning ng pangalan na'yon.

Limang taon ang nakalilipas. Noong una ay dinala ako nila nanay sa utoridad iyak ako ng iyak noon pero hanggang labas lang kami dahil na awa sa akin si Nanay. Tumagal pa at walang nag hanap sa akin kaya kalay Nanay at Tatay nalang ako na ikinatuwa ko. Binihisan nila ako at tinuruan ng mga bagay na kung ano-ano. Ang paglikha ng aboy gamit ang bagay na kumikislap pag kiniskis. Ang pagtatahi. Napatanong ako sa aking aarili kung bakit may peklat ako sa likod. Tumangkad na rin ako kasing tangkad na ako ni tatay jan.

"Kumusta ang school anak? " Tanong Nanay sa akain.

"It was good Nay. " Biglaang nalang lumabas sa bibig ko.

"Aba. Umi-English na. " Panunukso ni tatay. Napakamot ako ng ulo ko. Marami akong natutunan sa paaralan at nakilala pero ayoko makipag kaibigan sa iilan dahil minsan hindi sila nakakabuti sa akin.

"Masaya kami at napasok ka namin sa paaralan. " Sabi ni Nanay.
Napangiti ako at yinakap sila. Tumatanda na sila at ayoko ang mga naririnig ko sa ibang tao at sa ibang kong teacher na kapag matanda na minsan namamatay na dahil sa katandaan. Hindi ko kayang iwanan ako nila Nanay at Tatay. Ngayong taon si Nanay ay 56 sa mantalang si Tatay ay 60 pero malakas pa naman si Tatay.

Galing akong school at umuwi na sa bahay nag mano ako kay Nanay na aking kinaugalian. Noong napansin kong wala si tatay ay hinanap ko sa k'warto at kusina. Noong hindi ko makita ay napatanong ako kay Nanay.

"Nanay? Nasaan si Tatay? " Tanong ko rito habang nagtatahi si nanay.

"Nasa taas ng bubong nag aayos ng antena. " Napatanga ako.

"Nay, bakit n'yo naman po hinayaang umakyat sabubong? " Kaagaran kong binitiwan ang bag ko sa upuan at umakyat ng hagdan papunta sa taas namin kung saan may daanan doon paakyat sa bubong.

"Tay, ako na po d'yan. " Mag kasalubong ang kilay ko. Gusto kong pagalitan si tatay pero nanahimik nalang ako.

"Tay, ako na po rito. Baba na po kayo. " Hindi nakipag talo si tatay t bumaba na.

"Salamat anak. " Nakangiti nitong sabi sa akin. Napaamo ang mukha ko at ngumiti rin. Lumapit muna ako at minanuhan siya.

"Dito lang ako sa hagdan. " Tumango ako. Kesa naman rito siya at mahulog manood nalang siya tignan kung maayos na ang Tv.

"Oh, kaliwa mo roon gumagana. " Sabi ni Tatay. Kinaliwa ko. Tumingin siya ulit sa tv at tumingin sa akin.

"Medyo kaliwa mo pa. " Kinaliwa ko pa bigla nalang kong nadulas na kinakaba ko ng malakas.
Akala ko ay mahuhulog talaga ako sa bato patihaya. Nakadilat lang ang mga mata ko para akong nakalutang. Hindi lumapat ang likod ko sa bato

"Ayos na ang Tv! " Sigani nanay.

"Oh Ayos na- Apo! " Sigaw ni tatay.

Nakita ko ang pagaalalang mukha ni Tatay at napakitan ng gulat.

"Tay. " Sabi ko at gusto kong lumapit sa kaniya. Umangat ako na lumilipat at nakalapit sa kaniya.

"Mahabagin! " Sabi ni Tatay at hinawakan ang di-dib niya.

Angelus ReprobiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon