Chapter 6

3 0 0
                                    

Mommy

                      
                       Naging maayos na yung kalagayan ng nanay ni Safara. Bumalik ulit sa pagiging makulit at masigla si Safara. Mag iisang linggo na rin, ngayon ay nakalabas na ng hospital. Nag bigay ako ng kaunting tulong para sa kanila, yung inipon ko malaki-laki naman kaya binigay ko ang kalahati. Masayang-masaya na tinanggap 'yon ni Safara kahit ay nahihiya pa.

"Salamat pala ah! " Sabi ni Safara at sumabay sa pag lalakad ko papunta na ko sa school. Ngumiti lang ako.

"Bumalik ka na naman a pagiging masungit." Bulong nito na narinig ko naman. Napabuntong hininga ako.

"At bumalik ka na naman sa pagiging madaldal." Sabi ko at binilisan pa ang lakad. Yung nawalang gana niya kanina nabuhay yata dahil nag salita ako.
Tumawa ito at sumabay sa akin. Ganoon ang nangyayari pag may pasok. Hindi kami mag classmate at hindi rin mag ka-level ng grade.

Minsan ay naiinis ako dahil yung mga k'wento niya ay patungkol sa linalabanan niyang mga bitch daw doon room nila sa gutan lang naman daw walang basag ulo papagalitan daw siya ng nanay niya at ayaw niyang mahigh blood ang nanay niya.
Kahit sa pag tulog hindi mo talaga kaiisip na magiging mahinhin itong si Safara.
Hindi siya na uubusan ng k'wento talaga.
Minsan pa ay sinama niya ako kung saan may pinapakain daw siyang aso pag katapos niyang umuwi at pag papasok na siya sa school.

"Anong pangalan nito? " Tanong ko rito.

"Wala pa eh.. " Sabi nito at na paisip.

"Ilang linggo mo nang nakikita? " Napaisip ito.

"Mag iisang b'wan na rin. Nakita ko kasing hindi siya yung parang asong gala na kapirmi lang siya kadalasan d'yaan sa pwesto niya kaya linagyan ko ng higaa." Masaya ito habang nag kukwento. "May naisip ka bang pangalan? " Tanong nito. Napaharap ako sa kaniya.

"Wala." Sabi ko at tumayo na.

"Rage nalang? " Napatingin ako sa kaniya.

"Lalake 'yan? " Tanong ko at bumalik ang tingin sa asong medyo balbon na kulay light brown.

"Oo." Natatawa nitong sabi.

"Bahala ka." Sabi ko at nag lakad nang nakapamulsa.

"Bye muna Rage! Dadalhan ka ni Mommy ng pag kain mamaya. " Sabi nito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Bakit hindi mo iuwi sa bahay niyo? " Tanong ko.

"Allergic si Nanay sa aso at baka kung anong ipakain ng mga bata pag sa labas ko siya pinatira o baka maingayan yung kapit bahay pag tahol 'to ng tahol." Napatango ako possible mangyari yung mga ganoon.
Maganda na nandodoon ang aso wala gaanong tao at maganda naman ang kinalalayan sa damuhan.

              "Aray! " Ayon ang narinig ko malapit sa may succerfield. Bilisan ko pa ang pag lalakad. Nakita ko si Iona at Safara. Nasa ibabaw ni Iona si Safara, habang sinasambunutan ni Safara si Iona. Walang laban si Iona.

"Safara! " Sigaw ko at hinila ko siya paalis sa ibabaw ni Iona.

"Angelus.. " Napatingin sa akin si Safara habang hawak ko siya sa balikat.

"Angelus 'di ko kilala yung babaeng 'yan bigla nalang akong sinugod." Naiiyak na sabi ni Iona. Ang buhok nito ay magulo at may kaunting kalmot sa mukha.

"Sinungaling ka! " Umaalis sa pag kakahawak ko si Safara para sugurin pa si Iona.

"Safara! Ganito ka ba talaga ka bayolente?! " Galit na sabi ko at hinarap ko ito, pinag katitigan ko. Kahit kailan ba ay hindi ito magiging ganito?! Bakas ang gulat nito sa pag sigaw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angelus ReprobiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon