Chapter 4

1 1 0
                                    

Jogging

           "Isa kang demonyo!" Nagising ako habang sinisigaw ko 'yon. Hingal na hingal ako at pinag papawisan.
Kadalasan ay napapanaginipan ko na tinatawag ako sa pangalang Lucifer. May isang batang babae rin na malapit sa akin sa panaginip ko. May papak siya na kulay itim at may itim na mga mata. Nakakapanindig balahibo. Napalingon ako sa tumawa.

"Nakakatawa ka naman, kapatid." Isang lalakeng may itim din na pakpak at mga mata. May isang tattoo ito sa kabilang mukha.

"Sino ka?! " Pagalit na tanong ko.

"Ang demonyo ay takot sa kapwa demonyo eh? " Sabi nito at tawa pa rin ng tawa. Muli ay napabalikwas ako ng bangon noong ipinitik nito ang kaniyang kamay sa hangin.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Pangalawang panaginip." Tanging sabi ko. "Hindi ako demonyo! "
Tumayo ako at naligo 4 am palang. Mag jo-jogging nalang muna ako.
Napahinto ako sa salamin t pinakatititigan ang mukha ko. Tumalikod ako at nakita ko ang peklat sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit may ganoon. May maliit din akong pangil. Maraming gusto mag karoon noon. Hindi ko alam kung bakit.

Nakailang ikot na ako. Huminto ako sa play ground at umupo sa damuhan. Inaantay ko ang pag angat ni haring araw dala ang nakakasilaw niyang liwanag.
Humiga na ako at buntong hininga. Ang braso ko ay na sa uluhan ko na inuunanan ko.

"Angelus? " Kilala ko ang malakas na boses na'yon pero minsan ay hindi ko 'to nakausap at ayaw ko rin dahil sa ingay nito mag salita na parang hindi babae.
Ramdam kong umupo ito sa tabi ko. Pikit pa rin ang mga mata ko.
Maganda naman si Safara Hyacinth ang kaso hindi ito maingat sa kilos madadaig niya panga yata ng lalake. Noong mga bata kami ay akala mo talaga lalake sa tapang na handang humarap a gulo. Meron itong maputing balat na kahit simula pag kabata ay ganoon na talaga. May matangos itong ilong at magandang mga mata. Ang labi nito ay hindi manipis na kulay red. Ang pilikmata ay mahaba. Minsan Oo, napapatingin ako rito. Siguro nga nakakabali ng leeg pag daraan siya pero 'di para sa akin.

"Ang pogi mo." Dinig kong sabi niya. "Ang ganda ng pilikmata mo oh. Tapos yung labi mo. Lalake ka ba? Para kang may lipstick. Ang ilong mo ang tangos. Ang kinis pa ng mukha mo. P'wede bang hawakan? " Bumungis-ngis ito. Minsan ay nakakatakot na talaga ito.

"Ang pogi mo. Nakakairita." May lungkot sa boses nito. "Hoy! Angelus! " Noong nalaman niyang hindi ako gumalaw ay tumigil na siya sa pag sundot sa mukha ko. Kailan ba'to aalis? Pag nalaman nitong gising ako. Dadaldalin ako nito at susundan!

"Ang sarap sampalin ng kag'wapuhan mo. " Tumawa ito. Ramdam kong huminga rin ito at bumuntong hininga.
Tumayo ako at kumaripas ng takbo. Hindi kaagad nakita ang reaksyon niya.

"Bwesit! Gising ka pala! Bwesit ka talaga kahit kailan! " Sigaw nito na naiinis. Ayan sinusundan ako sa pag takbo. Medyo madilim pa rin. Isang oras na kasi akong paikot ikot kaya nag pahingamuna ako roon.

"Lagi mo nalang talaga akong tinatakbuhan. Wala naman akong ginawang masama sa'yo dambuhala ka! " Oo, simula bata pag na papabaling yung tingin niya sa akin umaalis kaagad ako sa pwesto ko. Hanggang balikat ko lang siya. Hindi na yata lumaki.
Natawa ako sa naisip at binilisan ko pa ang takbo. Ang kaso biglang tumalon sa likod ko si Safara na parang Chanak. Buti nalang ay hindi ako napadapa kung hindi magiging pango tong ilong ko. Sinambunutan nito ang buhok ko.

"Siguro tuwang tuwa ka noh? Habang pinupuri kita! " Sigaw nito na ikinatawa ko
Wala na siya sa likod ko. Nasa harapan ko na siya at nakapamewang na parang nanay. Ang kulot nitong buhok na hanggang bewang ay nakatali. Ngayon ko lang siya nakitang hindi bruha.

"Anong na isipan mo at nag jogging ka,bruha?" Tanong ko rito na ikinalaki ng mga mata nito.

"Sinong bruha huh?!" Sabi nito at pilit inaabot ang ulo ko. Natatawa ako sa height nito.
Minsan nakikita kong masaya naman itong kausap. Maingay ngalang. Friendly din kaya tignan n'yo feeling close kami. Pansin ko wala talaga siyang kasama. Luminga-linga ako.

"Ang sakit sa taenga ng boses mo kaya tinakbuha kita. " Sabi ko rito. Napatahimik ito. "Kaya ayaw mo palang makipag laro sa akin dati o lumapit. " Natatawa nitong sabi.
"Ito ako eh. Ano bang magagawa mo?" Sabi nito at tinaasan ako ng isang kilay.

"Bakit ka nag jo-jogging mag isa?" Tanong ko rito. Kaninang gabi pa yata ito nag jo-jogging at mag isa lang. "Dapat nagpapasama ka. Babae ka." Sabi ko rito.

"Senesermunan ako ni tatay. " Natatawa nitong sabi. " Ang tatamad ng kapatid ko ayaw mag sibangon." Sabi nito.

"Una na ako. " Sabi ko at tumakbo. Hindi niya na pa ako hinabol. Napahinto ako. Wala palang kasama 'yon. Napabuntong hininga at bumalik ako.
Ang lawak ng ngiti nito.

"Sana all bumabalik." Sabi nitong natatawa.

"Sa susunod mag sama ka na ng kaibigan mo para may kasama kang mag jogging. Babae kang tao baka mamaya may mga siraulo d'yan sa tabi-tabi." Sabi ko rito. Napakamot ito ng ulo.

"Opo, kuya." Napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Para yatang hindi seryoso.

"Halika na uwi na tayo. " Sabi ko rito at tinignan.

"Sana all may tayo. " Kaunti nalang kakaripas na ako ng takbo at iiwanan 'to.

"Kahit minsan umayos ka." Sabi ko na ikinatawa niya. Napakamot nalang ako ng ulo sa iritasyon.

"Babe, chillax. 'Wag ka ma-stress sa kagandahan kong nakakapang akit ng mga asong ulol." Natatawa nitong pag bibiro. Hindi ko rin mapigilang hindi ngumiti dahil sa tawa nito. Ayan na nga talaga siya si Safara at wala ng iba.
Nauna na akong maglakad at sumabay nalang ito sa gilid ko.

"Para tayong sugo ng demonyong nag lalakad." Natatawang sabi nito. Nakahodie ako pag lingon ko sa kaniya ganoon din siya.
Napabuntong hininga ako.

"Laki ng problema natin ah? " Natatawa nitong tanong. Oo, ikaw ang problema ko. Ang katigasan ng ulo mo ang makakapatay ngkahit inong malapit sa'yo.
May dumaan na mga babaeng nag jo-jogging din biglaan ni Safara na kinuha ang brado ko at hinawakan niya. Napakunot naman ng noo ko.
Winawasiwas-wasiwas kong braso ko hindi niya pa rin binibitawan.

"Hahayaan mo ko o kukurutin kita? " pabulong na sabi nito. Tumingin ako sa paligid. Marami na rin pala ang nag jo-jogging. May mga babaeng napapatingin sa amin at napapangiti.

"Basagin ko mga ngipin nila eh. " Pabulong na sabi ni Safara at binitawan ako. Pasimple akong napangiti at umiling.

Angelus ReprobiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon