Chapter 2

5 1 0
                                    

I like you

                     Ilang araw bago ko napag-ispang kumilos. Sayang kung sasayangin ko lang ng mga ipinamana sa akin nila nanay at tatay. Ang Edukasyon. Mayroon ding iniwan sila nanay at tatay na kaunting pera na sasapat sa isang taon kong pamumuhay. Hindi naman ako ganoon kagastos. Magsisimula na rin akong mag hanap ng trabaho. Dati nagtrabaho na ako sa coffee shop hindi ko alam kung maari pa ba akong makabalik doon.
Inayos ko ang uniform ko isang b'wan na akong absent sa school. Babawiin ko lahat ng nalaktawan ko.

Bumuntong hininga ako at tinignan ng ayos ko sa salamin. Ang itim na itim na buhok kong sinadya angpagkagulo. Ang kulay darkblue kong mga mata ay pinag katitigan ko. Ang kulay nito tila'y kakulay ng malalim na karagatan. Ang labi kong hindi manipis na kulay red. Ang panga ko na hulmang-hulma. Ang matangos kong ilong at makapal na kilay. Ang pilikmata kong mahaban. Para talaga akong may lahi banyaga. Bumuntong hininga ako at kinuha na yung bag ko.

        Pagkarating ko sa school pansin ko yung mga tinginan ng iilan karamihan ay mga babae na akala mo'y nangingisay. Hindi ko alam kung bakit sila ganoon. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko.

"Ang g'wapo niya talaga! " Mga bulungan sa tabi na dinadaanan ko.

"Bakit kaya siya hindi pumasok? " Tanong naman ng isa.

"Pumasok saan? " Natatawang tanong ng isa at sabay na silang nag tawanan na kinakunot ng noo. Binilisan ko pa ang lakad dahil naiirita na ako sa mga ingay sa tabi.
Biglaan nalang may humarang sa daraanan ko.
Mayroon itong mala-clown na mukha. Angkapal ng make up at ang labi sobrang pula.
Napatingin ako sa tumulak sa kaniya angmga mukha nito ay tila'y gulat na nakatingin sa akin.

"Hi Angelus! " Nagtitiliin nitong sabi. Walang emosyon at ibinalik ko ang tingin sa babaeng tinulak.
Bumalik muli ang tingin ko sa grupo ngtumulak.

"Bakit n'yo tinulak? " Salubong ang kilay pero malamig ang aking boses. Ramdam ko at kita ang mga takot sa mata nila. Dumarami na rin ang studyante. Naoong wala akong nakuhang sagot. Tinignan ko ang kanina pang nakaupo na babae.

"Bakit hindi ka pa tumatayo? " Tanong ko rito. Naiiyak ang mukha. Ang gilid ng mata ay may itim kasabayan ng pagkalat sa luha nito. Ang lipstick nitong makalat. Ang mga mata na sumisilay pa rin ang ganda sa kabila ng makapal na make up nito. Pag katingin ko sa tuhod nito ay may sugat.
Binuhat ko 'to at binalikan ng tingin ang mga grupo.

"Subukan n'yo paulit na gawin 'to." Pagbabanta ko sa kanila.
Binilisan ko ang lakad at ipinunta ito sa clinic. Walang sabi-sabi na umalis ako at pinaasikaso nalang siya roon. Tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi ko na linungon. Nagmamadali ako.

"Fuck! " Inis kong sabi at tinakbo na ang distamsya papunta sa room namin. Kaagaran akong pumasok at umupo. Late ako ng 20 minutes! Ginulo ko ang buhok ko. Napatingin silang lahat sa akin. Kaya ayoko ng late dahil sa atensyong mapupunta sa'yo.
"Mr. Ivangiline, Bakit halos isang b'wan kang lumiban a klase? Hindi ka naman ganiyan noon. Sayang ang matataas mong grade. Nangunguna ka pa naman school natin. " Sabi ni Mrs. Swarez.
Tumayo ako sa upuan.

"Babawiiin ko nalang po yung mga nalaktawan ko. " Tumango ito na naniniwala sa akin. Kaya ko naman talagang bawiin lahat. Bumuntong hininga ako at kupo na. Hinilot ko ang sintido ko. Pansin kong may mga nakatingin pa rin sa akin. Anong problema nila.
Deretso na yung tingin ko. Nag didiscuss na si ma'am pero yung isa kong babaemg classmate nakatingin pa rin sa akin.

"Iona, Humarap ka sa harapan. " Malamig kong sabi. Nagtinginan yung mga classmate ko sa akin. Si Iona namula ang mukha.

"Ayiee. " Ang tuksuan ng iilan.

              Break time na at bumili ako cafeteria ng sandwich and burgers kahit papaano meron naman sila. Ayokong magkanin. Umupo ako sa dulo kung saan wala pang nakaupo ni isa. Kinain ko ang burger ko at may juice naman ako sa tumbler ko.
Naka "focus" lang ako sa pagkagat at pag nguya at hindi tinitignan ang mga na sa paligid ko. Dala ko ang mga reviewer hiningi ko sa bawat teacher ko yung nalaktawan kong mga activity at test. Biglaan nalang may umupo sa harapan ko noong kakagat palang ako sa burger ko.

"Enge. " Natatawang sabi ng nerd na lalake kaharap ko. Tinignan ko ang pagkain ko at siya. Noong kumukulo pa yung tiyan ko. Ilinayo ko sa kaniya naikinatawa niya. Inusog ko sa kaniya yung isa kong sandwich. Ayon nalang kaniya.

"Joke lang. " Sabi nitong natatawa. "Ang g'wapo mo pero wala kang kaarte-arte kumain ang laki pang mga kagat mo. " Sabi nito.

"Ano kailangan mo? " Tanong ko rito. Habang binaling ulit ang atensyon sa reviewer ko.

"Pansin ko ng daming nakatingin sa'yo. Transfery lang ako sa school na'to. Alam mo kung kasing g'wapo mo ako marami na akong idi-date na mga babae. Tignan mo ajg daming nakatingin sa'yo. " Sabi nito pero naka focus pa rin ako sa renireview ko. Hindi ko na kailangang lingunin para malamang totoo nga yung sinasabi niya.

"Mabuti nga at hindi ka nabiyayaan ng ganitong mukha. " Tanging sabi ko. Tumawa naman ang huli. Alam kong gets niya ang sinabi ko.

"Joke lang, Gusto ko lang mapansin ako ng crush kong si Iona. " Malungkot na sabi nito. Napatingin ako rito.

"Classmate kita? " Tanong ko rito. Saan subject? Tumango naman ito at ngumiti. Nag iwas ako ng tingin. Iona, yung babaeng palaging nakatulala sa akin.

"Ang ganda ni Iona at mabait. Gusto ko siya kaso parang iwas siya sa akin. " Sabi pa nito. Tumango nalang ako.

                     Papasok na ako sa room ng humarang sa akin si Iona. Habang nag ri-review ako kanina nag ku-kwento lang si Alex. Ayos lang naman sa akin yo. Handa ako palaging makinig kahit para sa akin ay none-sense.

"Ano kailangan mo? " Kunot noo kong sabi rito.
Noong hindi nito kaya ang pakikipagtitigan sa akin umiwas ito ng tingin at namula.

"Ah ka-kasi.. " Pinasok ko sa bulsa ang isang kamay ko at hinintay siyang sabi ang gusto niyang sabihin.

"Gusto kita! " Sabi nito ng nakapikit. Nakakatawa yung reaction ng mukha niya pero mas pinili ko napang walang emosyon. Pagkatingin ko sa likod n'ya nandodoon si Alex na pahinto.

"Hindi kita gusto. Sa iba ka nalang. " Sabi ko rito at tumalikod na. Bumuntong hininga ako at napahilot sa sintido ko.

Angelus ReprobiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon