Alas dose ng tanghali.
Panibagong araw na naman.
At tulad ng nakasanayan, tanghali na naman din nagising.
Iniisip ni Sol kung ano ang mangyayari sa araw niya ngayon."Hay nako tanghali na, ano na naman kayang puwedeng gawin ko ngayon?", Tanong ni Sol sa sarili kasabay ng pagalala niya sa art exhibit na magaganap mamayang ala una ng hapon sa Pinto Art Museum sa Antipolo.
Bumaba siya para mag almusal.
"Oh anak, tinanghali ka na naman ah. Lika kumain ka na, pinaghanda na kita.", Sambit ni Aling Maria sa pag-upo ni Sol.
Kumain nang mabilis si Sol upang makapaghanda na sa art exhibit na pupuntahan niya.
"Mukhang nagmamadali ka, san ang punta natin?", Tanong ni Aling Maria.
"May art exhibit po akong pupuntahan ma.", Wika ni Sol.
Nagmadaling umakyat si Sol sa kwarto niya at naghanda na ng kanyang mga susuotin at tumungo agad sa banyo upang maligo nang mabilisan dahil siya ay babiyahe pa.
Nakapag-ayos na si Sol at siya'y handa nang umalis.
Naghintay siya ng bus at nang dumating ay agad siyang sumakay at pumili ng uupuan.
Nang makapili siya ng uupuan ay agad niyang nilabas ang kanyang earphones at agad ipinatugtog ang kantang "Ride Home ng Ben&Ben"
"Playing : Ride Home by Ben&Ben"
Took a morning ride to the place where you and I were supposed to meet
The city yawns, they echo on
My thoughts are spinning on and on my head, it seems
They lead me back to you
I keep coming back to you
Nagmumuni-muni si Sol sa bintana ng bus at nag-iisip nang malalim.
"Kumusta na kaya si Luna? Mahilig pa naman 'yun sa mga art museum, kung kasama ko 'yun ngayon siguradong magugustuhan niya 'tong Pinto Art Museum na pupuntahan ko."
Napatingin si Sol sa paligid ng bus at bigla siyang may nasulyapng isang lalaking nakaupo sa harap ng bus.
"HALA TEKA, si Luna ba 'yun?", Tanong ni Sol sa sarili habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang puso.
Tumalikod ang lalaking nasa harap at umiwas si Sol ng tingin na para bang walang nangyari.
Kita ang lito sa mukha ng lalaki nang tumalikod siya ngunit 'di na lamang niya ito pinansin.
Malapit na ang destinasyon ni Sol at tumayo na siya upang maghanda.
At biglang ikinagulat ni Sol ang pagtayo rin ng lalaking pinaghihinalaan niya bilang si Luna.
Sa wakas ay nakarating na siya sa kanyang destinasyon at bumaba na lamang.
Nag simula nang maglakad si Sol at inikot na ang Pinto Art Museum.
Pumasok na siya at tumingin-tingin sa mga magagandang obra.
Habang tumitingin-tingin si Sol sa mga obra ay biglang niyang naalala ang lalaking nakita niya sa bus.
"Posible kayang si Luna 'yun? Kung oo, uuwi na lang talaga ako.", Bulong ni Sol sa kaniyang sarili.
Habang nabibighani si Sol sa mga magagandang obra na nasa harap niya ngayon ay may napansin siya.
Tumitingin din si Luna ng mga obra dahil nga sa kadahilanang mahilig din siya sa mga museo tulad ng sinabi ni Sol.
Nang tumitingin-tingin sila paikot ng museo sila ay nagkasalubong nang 'di nila namamalayan.
Kumanan si Sol at si Luna nama'y kumaliwa ng direksyon, nagkrus ang landas nilang dalawa.
Bigla na lamang nakaramdam si Sol ng gutom kaya siya'y nagpasyang kumain muna.
Patingin-tingin si Sol sa paligid niya dahil may kutob siya na posibleng nasa paligid niya lamang din si Luna.
Natapos si Sol kumain at siya'y nagpasyang umuwi na.
Muling siyang naghintay ng bus at nang dumating na ang bus ay agad siyang sumakay.
Nakauwi si Sol nang maayos at agad dumiretso sa kwarto niya. Nag-ayos siya upang makapaghanda na sa pagtulog dahil napagod siya sa biyahe, kaya nama'y siya ay nagpasyang matulog agad.
Nagmuni-muni si Sol dahil hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakita niyang lalaking nakatalikod sa bus kanina.
Sa kaiisip niya rito ay nakatulog naman agad siya.
BINABASA MO ANG
Duyog
Teen FictionAng hindi inaasahaang pagtatagpo muli nina Sol at Luna na para bang "solar eclipse" kung tawagin. Hindi nila alam kung kailan sila magsasama muli dahil sa tagal ng panahon nilang 'di nagkita at nagsama. Si Sol ay matiyagang naghihintay sa pagbabalik...