Pangatlong Kabanata

28 3 3
                                    

Nagsimula ang araw ni Sol nang masaya dahil makikita niya na naman muli ang kasintahan na si Luna.

"Yey! Magkikita na naman kami ng mahal ko hehe.", Bungad ni Sol sa sarili sa kanyang paggising.

Kasabay nito ay ang pagtawag ni Luna sakanya at ito'y sinagot naman niya agad.

"Ano? Nakapaghanda ka na ba? Aalis ns tayo maya-maya, kumain ka bago tayo umalis ha. Mahal kita.", Paalala ni Luna kay Sol.

"Teka lang naman, kagigising ko lang eh pero maliligo na rin ako agad promise! Mahal din kita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Teka lang naman, kagigising ko lang eh pero maliligo na rin ako agad promise! Mahal din kita.", Sambit ni Sol.

"Eh ang bagal-bagal mo maligo at mag-ayos tapos ang ending matagal na naman akong maghihintay sa 7-11.", Reklamo ni Luna.

"Ito naman ang aga-aga, oh ito na maliligo na bye na. Kitakits! Ingat ka sa biyahe mo, magdala ka payong ha.", Wika ni Sol habang nakangiti.

"Oh sige na, lagi naman akong may dalang payong. Nakasakay na rin ako ng bus kaya bilisan mo.", Paalala muli ni Luna.

Nang ibinaba nila 'yung tawag ay agad naman naligo si Sol dahil alam niya rin sa sarili niya na mabagal nga naman talaga siya kumilos.

Nang matapos naman si Sol mag-ayos ay agad siyang umalis ng bahay.

Dumiretso si Sol ng 7-11 at pumasok naman siya sa loob ngunit hindi niya nakita si Luna kaya't siya'y umupo na lamang muna at naghintay.

Tinext ni Sol si Luna dahil sampung minuto na siyang nag-hihintay.

"Asan ka na? Kanina pa 'ko nandito, anong oras na oh."

Hindi naman sumagot agad si Luna sa text niya kaya dahil dun ay nakaramdam ng pag-aalala si Sol para kay Luna.

Naghintay pa muna si Sol kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao sa 7-11 dahil kanina pa siya rito.

"Ano ba 'to? nakatambay lang, 'di man lang bumili ng pagkain mula rito bago tumambay.", Bulungan ng mga cashier sa 7-11.

Narinig ni Sol ang bulungan nila kaya't siya'y nagpasyang umuwi na lamang dahil mukhang malabong makasipot si Luna sa lakad nila.

Tumayo si Sol sa kinauupuan niya at naglakad palabas ng 7-11.

Nang makalabas siya ay nakita niyang naglalakad si Luna papunta sa kinatatayuan niya.

Biglang gumaan ang pakiramdam ni Sol nang makita niya si Luna, niyakap niya agad ito nang mahigpit kasabay ng paghalik sa pisngi.

"Grabe naman, ang tagal mo. Pinagmadali mo 'ko tapos mauuna pa pala ako sa'yo rito.", Nakangusong reklamo ni Sol.

"Sorry na, traffic kaya tapos malolowbat na 'ko.", Sagot ni Luna.

Duyog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon