*Playing : Julie Tearjerky - Eraserheads*
Alas tres ng hapon.
Nakatulala sa kisame.
Tila ba'y hindi malaman ang nilalaman ng kanyang isipan.Ngunit mayroon siyang naisip na puwedeng pagkaabalahan at iyon ay ang pagpinta. Nagpinta si Sol ng magagandang tanawin na nakikita niya sa UP Sunken Garden at biglang naalala ang mga nakaraan.
Balik Tanaw
Alas diyes ng gabi habang naglalakad sa UP Sunken Garden sina Sol at Luna
"Luna, paano kapag nag-college na tayo dito sa UP? Tayo pa rin kaya?", malungkot na tanong ni Sol kay Luna.
"Oo naman, di kita iiwan no! Promise 'yan", wika ni Luna kay Sol kasabay ng pagyakap nito at paghalik sa kanyang noo.
"Weh? Siyempre may mga priorities na tayo pagdating ng college, kanya-kanya na tayo tapos baka makahanap ka pa ng magandang babae dito sa UP. hmp!", Nakangusong reklamo ni Sol.
"Grabe ka naman mag-isip, babae agad? Kaya naman natin mag manage ng time 'diba? kakayanin natin 'tong magkasama, okay?", Kalmadong sagot ni Luna.
"Okay, nag-pinky promise naman tayo sa isa't-isa", sagot ni Sol.
Patuloy naman silang naglakad papunta sa PhilCoa upang mag-hintay ng bus.
Malungkot na tumingala si Sol kay Luna at niyakap naman niya ito sapagkat matatagalan na naman silang magkikita muli.
"Mamimiss kita, kailan na naman kaya tayo magkikita ulit?" Malungkot na tanong ni Sol habang nakayakap siya kay Luna.
"Hindi ko rin alam pero gagawa ako ng paraan, isipin nalang natin na mabilis lang ulit 'yan. Siguro next month ulit?",
Positibong sagot ni Luna para mapasaya si Sol ngunit alam din naman sa sagot ni Luna na malungkot din siya.At sa wakas, dumating na ang bus na patungo sa kanilang ruta pauwi sa bahay ni Sol.
"Hahatid mo'ko?", nasasabik na tanong ni Sol.
"Oo naman, hindi ako magsasawang ihatid-sundo ka", wika ni Luna.
Napangiti na lamang si Sol at sumakay na sila sa bus at pumili ng uupuan.
Nang makapili sila ng upuan ay umupo sila at agad namang sumandal si Sol sa balikat ni Luna.Naglabas si Luna ng cassette tape player.
Playing : Alapaap - Eraserheads
May isang umaga, na tayo'y magsasama
Haya at halina sa alapaap
O, anong sarap, haa...
Nakatulog si Sol sa biyahe kaya't ginising siya ni Luna dahil malapit na sila sa kanilang bababaan.
At natapos na rin ang biyahe nina Sol at Luna, agad namang nagpaalam si Sol kay Luna. Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang huling pagkikita na lamang nila iyon.
Habang papalayo sila sa isa't-isa, ramdam ang nangingibabaw na kalungkutan.
Realidad
Hindi namalayan ni Sol ang kanyang luha habang inisiip ang kanyang nakaraan, kaya't siya'y umiling na lamang at itinuloy ang pagpipinta.
At pagtapos ng 3 oras na pagpipinta ay nakabuo na rin si Sol ng kanyang ninanais na obra, inisip niya kung dapat ba siyang sumali sa mga art exhibit na nakita niya.
Alas siyete na ng gabi.
Tinawag na si Sol para sa kumain ng hapunan."Nak, kain na nagluto na ko ng paborito mong ulam." pagtawag ni Aling Maria kay Sol habang nakangiti.
"Opo ma, wait lang po! ligpitin ko lang 'tong mga pang pinta ko." sagot naman agad ni Sol kay Aling Maria.
Bumaba si Sol para kumain nang hapunan.
Naka-upo na ang buong pamilya sa hapag-kainan at handa nang kumain."Oh anak, kamusta naman bakasyon mo? May mga pinagkakaabalahan ka ba?" tanong ng tatay ni Sol.
"Meron po, nagpipinta po ako pa", wika ni Sol.
"Mabuti 'yan para 'di ka mainip dito sa bahay", sagot naman ni Aling Maria.
"Kamusta pala kayo ni Luna? Wala na kong balita sa inyo, 'di na rin siya pumupunta rito. Anong problema?", bigkas pa muli ni Aling Maria.
Natahimik si Sol at 'di alam ang isasagot dahil wala siyang pinagkwentuhan sa kung anong nangyari sakanila ni Luna.
Hindi na lamang umimik si Sol sa tanong ng kanyang Ina.
Nagkatitigan ang nanay at tatay ni Sol dahil walang ideya sa nangyari.
Tinapos na lamang agad ni Sol ang kaniyang pagkain at bumalik agad sa kaniyang kwarto upang makapaghanda na sa pagtulog.
Alas diyes ng gabi.
Muli na namang nakatulala si Sol sa kisame.
Dito ay malalaman mo na ang laman ng kaniyang isipan ay ang nakaraan niya.
Oo, tama ka.
Mahal niya pa ito at hindi nagbago 'yun.
BINABASA MO ANG
Duyog
Dla nastolatkówAng hindi inaasahaang pagtatagpo muli nina Sol at Luna na para bang "solar eclipse" kung tawagin. Hindi nila alam kung kailan sila magsasama muli dahil sa tagal ng panahon nilang 'di nagkita at nagsama. Si Sol ay matiyagang naghihintay sa pagbabalik...