Nagising si Sol sa isang kwarto at agad bumungad sakaniya si Luna.
"Ano? Kumusta pakiramdam mo?", Pag-aalala ni Luna.
"Medyo nahihilo pero kaya ko naman na. Ano nangyari?", Tanong ni Sol.
"Nahimatay ka habang nasa taxi tayo, hindi na muna kita dinala sa ospital dahil alam kong ayaw mo malaman ng magulang mo 'to. Grabe akala ko ano na nangyari sa'yo.", Wika ni Luna."Salamat Luna.", Ngumiti na lamang si Sol kay Luna at agad naman siyang niyakap ni Luna.
"Wala 'yun kahit ano gagawin ko para sa mahal ko.", Bigkas ni Luna.
Agad nagulat si Sol at itinanong ang oras.
"Ay sh*t, anong oras na? Lagot ako nito.", Sambit ni Sol.
"Alas dies na, tara hatid na kita.", Bigkas ni Luna habang tumatayo sa kama.
Bumaba na sina Sol at Luna upang makaalis ng bahay.
"Oh sige, uuwi na ako. Babiyahe pa 'ko eh kahit huwag mo na 'ko ihatid, mabilis lang naman maghanap ng bus.", Sambit ni Sol.
"Hindi pwede, hahatid kita. Tara na.", Pilit ni Luna.
"'Di na Luna, okay na seryoso. Sapat na 'yung tinulungan mo 'ko kanina, salamat dahil nandiyan ka. Huwag mo na 'ko iiwan ha?", Wika ni Sol habang nakangiti kay Luna.
"Sige, mag-iingat ka mahal ko.", Sambit ni Luna.
"Kitakits ulit! Next week? Next month? Bahala na, basta magkikita pa tayo ha! Mahal kita, Huwag mo 'ko mamimiss agad!", Sigaw ni Sol habang papalayo ng bahay ni Luna.
"Mahal din kita, sobra.", Bulong ni Luna sa sarili habang papalayo si Sol sakaniya.
Playing : Just Like a Splendid Love Song by Orange and Lemons
Spending my days with you
Is like living in a world of fancy
With all the beautiful people I knowMaking love in a world of vivid colours
How often have I been there
Well it really doesn't matter
As long as we're together
Panatag na umuwi si Sol sa kanilang bahay dahil alam niyang nandiyan si Luna.
Dumiretso na lamang siya ng kwarto dahil tulog na rin ang kaniyang mga magulang at nag-ayos ng kama.
Humiga ng kama si Sol at nagmumuni-muni dahil hindi pa rin siya makapaniwalang si Luna ang kanyang sinisinta.
"Hay, sana habang-buhay ganito."
Nakatanggap naman si Sol ng text mula kay Luna.
"Hi mahal ko! Nakauwi ka na ba?"
"Nakauwi na ko ng maayos, sorry 'di agad ako nakapag-text."
"Mabuti naman, 'pag nagugutom ka pa diyan kumain ka ah. Magagalit ako grr."
"Weh? HAHA oo kakain ako pero 'di pa naman ako gaanong gutom.""Masaya ka ba kanina? Nag-enjoy ka ba kasama ako? Yung totoo ah!"
"Tanga, syempre naman nilibre mo 'ko eh HAHAHA."
"Grabe dahil lang pala sa libre. Sige, salamat na lang sa lahat."
"Luh siya, biro lang naman. Syempre naman nag-enjoy akong kasama ka, iba 'yung saya na napaparamdam mo lalo na 'pag magkasama tayo."
"Oh sige goodnight, makakatulog na ko ng mahimbing hehehe."
"'Yun lang pala gusto marinig nito. Sige, goodnight aking mahal."
At agad naman nakatulog sina Sol at Luna dahil sa kapaguran.
"SOLAR CHUA, GISING NA!", Sigaw ni Aling Maria.
"Mamaya na ma, maaga pa.", Sagot ni Sol.
"Late ka na nga umuwi kahapon eh! Tsaka anong maaga pa? Baka nakakalimutan mong may pasok ka ngayon?", Sambit ni Aling Maria.
Nagulat si Sol at agad tinignan ang orasan, bumangon siya at dumiretso sa CR upang maligo at makapag-ayos na.
Nakapag-ayos na si Sol agad dahil mahuhuli na siya sa klase niya.
Bumaba siya upang makaalis na.
"Oh kain muna.", Pagyaya ng tatay niya.
"'Di na pa, mahuhuli na 'ko sa klase ko.", Tanggi ni Sol.
"Ingat ka sa pag-alis nak.", Sambit ng tatay niya.
Sumakay ng tricycle si Sol patungo sa kaniyang eskuwelahan.
Habang nasa tricycle ay tinext niya si Luna.
"Good morning mahal ko, ingat ka papuntang school niyo, galingan mo ha! I love you."
"Good morning bb! Ingat ka at galingan mo rin sa school, I love you too."
Agad naman napangiti si Sol dahil sa simpleng text ni Luna.
At ang inaasahang pangyayari, late na naman si Sol sa klase niya.
BINABASA MO ANG
Duyog
Novela JuvenilAng hindi inaasahaang pagtatagpo muli nina Sol at Luna na para bang "solar eclipse" kung tawagin. Hindi nila alam kung kailan sila magsasama muli dahil sa tagal ng panahon nilang 'di nagkita at nagsama. Si Sol ay matiyagang naghihintay sa pagbabalik...