Noong unang panahon, sa isang probinsya, may naninirahang isang babaeng nagngangalang Lunairra. Kasama niyang naninirahan ang kanyang ina. Simple lamang ang kanilang pamumuhay. Sila ay naninirahan lamang sa isang maliit na kubo sa tabing-dagat.
Si Lunnaira ay tinatawag din sa palayaw na Luna na bagay na bagay sa kanya dahil sa sobrang pagka hilig niya sa buwan. Tuwing gabi hilig niya na maupo sa tabing-dagat upang magpahangin at pagmasdan ito.
Isang hapon habang sila ay kumakain ng kanyang ina sila ay nagtaka sa dami ng tao na nakatingin sa kalangitan.
"Maria ano ang nangyayari?" tanong ni Luna sa kaibigang si Maria na nakasalubong niya.
"Ang kalangitan ay nag iiba. Ito ay tila nagdilim." Napaisp naman ang dalaga. Dahil sa kyuryosidad nito sumunod siya sa kaibigan para tignan rin ang kalangitan.
Napangiti ang dalaga sa kanyang nakita.
"Solar Eclipse" bulong nito sa sarili.
"Alam mo ba kung ano iyan Luna?" tanong ni Maria.
"Iyan ay isang eklipse ng araw." sabi ni Luna sa kaibigan. "Ito ay nangyayari dahil ang buwan ay dumaraan sa gitna ng araw at ng ating planeta. Natatakpan ng buwan ang sinag ng araw kung kaya't makikita mo na ito ay dumilim. Ayan ang anino ng buwan" paliwanag pa ni Luna dito.
Kaunting Kaalaman~
Ang solar eclipse o eklipse ng araw ay isang bihirang pangyayari kung saan ang buwan ay dumaraan sa pagitan ng araw at ng daigdig sa gayon, ganap o bahaging natatakpan ang araw. Nangyayari lamang ito kapag bagong buwan at kapag magkasabay ang araw at buwan ayon sa pagkikita nito mula sa daigdig. Ito ay nangyayari lamang sa umaga na tumatagal lamang ng ilang minuto. Ang isang eklipse ng araw ay hindi maaring tignan ng walang suot na pang protekta sa mata puwera na lamang kung ito ay total eclipse o yung buong natatakpan ng buwan ang sinag ng araw."Luna napakagaling mong talaga!" papuri ni Maria sa kaibigan. Kahanga- hanga talaga ang katalinuhan ni Luna. Sa kabila ng hindi niya pag-aaral sa eskwelahan dahil sa kahirapan ay marami pa rin itong nalalaman. Kapag wala siyang ginagawa at marami pa siyang oras ay palagi siyang nagbabasa ng libro na hinihiram niya sa isang aklatan sa bayan. Dito niya natutunan ang pagsusulat, pagbigkas ng ingles, ang sipnayan, ang agham, at marami pang iba. Dito niya rin nalaman ang mga patungkol sa buwan at astronomiya.
"Kahanga-hanga ang iyong katalinuhan binibini." Parehong nagulat sina Maria at Luna sa lalaking biglang lumapit at kumausap sa kanila. Matangkad, maputi, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat ay nagtataglay ito ng angking kagwapuhan. Siya ay nakasuot ng itim na polo at pantalon. Agaw pansin ang kanyang kagwapuhan at mahahalata mo talaga na siya'y may dugong banyaga. Nahiya naman sa kanya ang dalawang binibini na naka simpleng baro't saya lamang na kupas pa ang kulay.
"Magandang hapon mga binibini" bati nito sa dalawa sabay yuko bilang paggalang.
"Magandang hapon din sa iyo" sabay na bati naman ng dalawa. Natigil ang batian ng biglang dumating ang nakababatang kapatid na lalaki ni Maria na si Danilo.
"Ate tawag ka na po ni inay. Ahh magandang hapon po ate at kuya" bati nito ng mapansin ang dalawang kasama ng kanyang ate.
"Paumanhin Luna ginoo ako ay mauuna na. Ikinagagalak kong makilala ka" paalam ni Maria sa dalawa. Umalis na ito kasama ang kanyang kapatid. Naiwan si Luna kasama ang binata.
"Ako nga pala si Solomon. Maari mo akong tawaging Sol iyon ang aking palayaw" magiliw na pagpapakilala ng binata sa dalaga.
"Ako naman si Lunnaira. Maari mo rin ako tawaging Luna" bati naman nito sa kanya. Matapos ng pagpapakilala nila sa isa't isa sabay silang muling tumingin sa kalangitan.
"Napakaganda" sabay nilang bigkas habang nakatingin dito. Napatingin sila sa isa't isa at sabay na natawa.
"Luna na ang ibig sabihin ay buwan tama ba?" biglang tanong ng binata sa dalaga.
"Tama buwan nga ang ibig sabihin ng aking ngalan. Si ina ay mahilig sa buwan kaya iyon ang pinangalan niya sa akin."
"Maging ako ay nahilig sa buwan dahil sa kanya at sa mga kwento niya. At napaka mahiwaga din talaga ng buwan kung kaya't mas lalo akong umiibig dito tuwing ito'y aking pinagamamasdan. " Napatango-tango naman ang binata bilang pagsang-ayon.
"Napakaganda ngang tunay ng buwan. Maging ako ay namamangha sa tuwing ito'y aking pinagmamasdan." Napangiti naman ang dalaga dito.
"Ang iyong ngalan naman ay Sol na ang ibig sabihin ay araw tama?"
"Tama ang iyong sinabi araw nga ang ibig sabihin nito." Nagkatitigan sila at sabay natawa.
"Ikaw ang araw ako ang buwan" sabi ng dalaga.
"Ikaw ang buwan ako ang araw" sabi naman ng binata. Sabay silang napangiti at tahimik na muling pinagmasdan ang kalangitan. Lumipas ang ilang minuto pareho lang silang nakatingin sa kalangitan ng bigla ng unti-unting lumiliwanag ang paligid na senyales na ang eklipse ay patapos na. Kasabay ng pagliwanag ng paligid ang pag dating ng isang matandang lalaki na nakapang damit guwardya na siyang kasama ni Sol. Napatingin sa kanya ang dalawa ng tawagin nito si Sol.
"Señor kailangan na ho nating umalis at baka abutan pa ho tayo ng dilim."
"Mauna ka na sa kalesa susunod ako" umalis na ang bantay. Humarap si Sol kay Luna upang magpaalam.
"Binibini ako ay mauuna na. Nais ko pang manatili ngunit hinahanap na ako ng aking ama. Naway hindi ito ang ating maging huling pagkikita. Sana tayo ay pagtagpuing muli ng tadhana at sana sa pagkakataon na iyon ay mas makausap at mas makasama pa kita ng matagal. Salamat sa iyong kuwento at oras. Ikinagagalak kong makilala ka... Luna" pagpapaalam ng binata sa dalaga. Sa pagkakataon na iyon kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang siyang paglakad palayo ni Sol mula kay Luna. Hindi mawari ni Luna ang lungkot ng nadarama sa paglisan ng binata. Kagaya ni Sol siya rin ay umaasa na muli silang magkikita.
"Ikinagagalak ko rin na makilala ko Sol" bulong nito sa hangin. Tuluyan ng lumiwanag ang paligid. Kasabay nito ang pagdaan ng kalesa na sinasakyan ni Sol sa tapat ni Luna. Sa huling pagkakataon kasabay ng malakas na hangin at ng muling pagliwanag ng paligid nagtama ang kanilang mga mata. Sabay silang napangiti at sabay na umaasa na muling magkikita.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna
RomanceAng kwento ng isang araw at ng isang buwan na patuloy pinaghihiwalay ng kalawakan. Makakayanan ba nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan? Mapapatunayan ba nila na ang kanilang pag-iibigan ay parang isang eklipse ng araw na kahit maraming hadlan...