"Luna handa ka na ba?" tanong ni Maria kay Luna.
"Handa na" sabi nito at sumenyas pa sa kaibigan na ikinatawa naman nito. Sabay na silang pumasok sa loob ng simbahan.
Sila ngayon ay nasa simbahan dahil inimbitahan sila para sa isang pagpupulong para sa magaganap na Santacruzan.
Pagpasok nila sa simbahan ay bumungad agad sa kanila ang mga naggagandahang babae na makakasama din nila sa parada. Nahiya sila sa mga ito sapagkat karamihan sa kanila ay mula sa mayamang pamilya.
"Magandang umaga mga binibini" bati ng isang magandang babae sa kanila.
"Magandang umaga din saiyo binibini" bati naman nila.
"Ako nga pala si Amalaya"
"Ako naman si Luna"
"At ako naman si Maria." Matapos nilang magpapakilala sa isa't isa ay isinama sila ni Amalaya at ipinakilala niya ang mga ito sa kanyang mga kaibigan. Una ay nahihiya pa sina Luna ngunit nawala din ito agad dahil mababait din naman sila. Masaya silang nagkwekwentuhan ng biglang magsalita ang dalawang babae na nasa kanilang harapan.
"Magandang umaga sa inyong mga naggagandahang binibini. Ako si Binibining Patricia."
"At ako naman si Binibining Natalia" pagpapakilala ng dalawa.
"Ang pag pupulong natin ngayon ay para sa magaganap na Santacruzan. Ipapaliwanag namin sainyo ang gagawin at ipapaalam namin sainyo ang inyong mga posisyon" masayang sabi ni Patricia. Nagalak naman ang lahat sa narinig. Nagbubulungan ang mga ito at halata mong sila'y nasasabik sa magaganap.
"Sa susunod na Linggo na magaganap ang Santacruzan. Alam kong alam niyo na ito ngunit akin na ding sasabihin. Kayo ay gagawa ng inyong sari-sariling arko. Gagawa kayo ng arko na gagamitin niyo sa parada. Ito ay hahawakan ng inyong magiging eskort. Kayo na ang bahala kung sino. Kayo na din ang bahala sa susuotin niyo" pagpapaliwanag ni Natalia. Nakikinig naman ng mabuti ang lahat. Matapos nilang ipaliwanag ang gagawin iaanunsiyo naman nila ang posisyon na gaganapin ng bawat isa.
"Ngayon iaanunsiyo naman namin ang inyong gagampanan." Lumakas ang bulungan. Lahat ay nasasabik malaman ang kanilang posisyon.
"Manahimik kayo at making ng mabuti" nakangiting pagpapatahimik sa kanila ni Natalia. "Kami ay nakapili na ng magiging Reyna Elenena." Lahat ay tahimik at nasasabik ng malaman kung sino ang napili. Ang maging Reyna Elena ang inaasam ng lahat kaya lahat talaga ay nakikinig ng mabuti.
"Ang napiling Reyna Elena para sa taong ito ay... mamaya niyo pa malalaman" pabitin na sabi ni Patricia. Lahat naman ay napahinga mula sa kaba na kanilang nararamdaman. Natawa naman sina Patricia at Natalia sa naging reaksyon ng mga ito.
"Iaanunsiyo ko muna ang ibang posisyon" pagpapatuloy ni Patricia. "Uumpisahan ko sa gaganap bilang Methuselah. Ang gaganap na Methuselah ay walang iba kundi si Binibining Martha" anunsiyo nito. Tumingin ang lahat kay Martha na kaibigan ni Amalaya. Ngumiti ito at yumuko bilang pasasalamat.
Nagtuloy pa ang mga anunsiyo. Ipinakilala na din ang gaganap bilang Reyna Banderada, Aetas, Reyna Mora, Reyna Fe, Reyna Esperanza. Reyna Caridad, Reyna Abogada, Reyna Senteciada, Reyna Justicia, Reyna Judith, Reyna Sheba, Reyna Esther, Samaritana, Veronica, Tres Marias, A-v-e-M-a-r-i-a, Divina Pastora, Reyna de las Estrellas, Rosa Mystica, Reyna Paz, at Reyna De Las Propetas.
( src: http: http://filcom.org/center/flores-de-mayo/santacruzan/ )
Nagtaka sina Luna at Maria dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tinatawag.
"Sinali ba talaga tayo ni Padre?" pabulong na tanong ni Luna.
"Hindi ko rin alam. Sinabi niya lamang na tayo'y magpunta rito" pabulong na sagot naman ni Maria kay Luna.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna
RomantikAng kwento ng isang araw at ng isang buwan na patuloy pinaghihiwalay ng kalawakan. Makakayanan ba nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan? Mapapatunayan ba nila na ang kanilang pag-iibigan ay parang isang eklipse ng araw na kahit maraming hadlan...