Ngayon ay araw ng Linggo kaya na sa bahay lamang si Luna. Wala siyang lakad ngayon dahil bukas pa naman ang simula ng ensayo nila para sa Santacruzan. Bumangon pa rin siya ng maaga at ginawa pa din ang lagi niyang ginagawa tuwing umaga. Binuksan niya ang kanilang bintana, nagluto ng agahan, naghugas ng pinagkainan, nagligpit ng higaan, naligo. Matapos niyang gawin lahat ng trabaho niya ay pumasok na siya ng kanyang silid.
Dahil marami siyang oras ngayon ay naisipan niyang gumuhit at magpinta. Isa sa talento ni Luna ang pagguhit at pagpinta. Ang madalas niyang ipinta ay ang buwan, ang dagat, at mga bulaklak. Ngayon ay naisipan niyang iguhit at ipinta ang eklipse. Noon pa niya ito nais gawin ngunit ngayon lamang siya nagkalakas ng loob na alalahanin muli iyon.
Inilabas na niya ang lahat ng materyales na kanyang gagamitin. Ipinatong niya ang mga ito sa isang lamesa sa tapat ng bintana ng kanyang kwarto. Hinila niya ang upuang kahoy at doon umupo. Napabuntong-hininga siya ng malalim bago magsimula. Sinimulan niya ng iguhit ang dagat at ang mga puno.
'Naway hindi ito ang ating maging huling pagkikita...' Napapikit siya ng muling maalala ang mga salitang iyon. Pinipilit niyang kalimutan ang mga salitang iyon at nagtuloy sa ginagawa.
'Sana tayo ay pagtagpuing muli ng tadhana at sana sa pagkakataon na iyon ay mas makausap at mas makasama pa kita ng matagal...' Napapikit na lamang siya habang naalala ang mga iyon. Pinipigilan niya ang pagtulo ng kanyang luha. Tinuloy niya ang ginagawa. Ngayon ay tapos na siyang magguhit. Sinisimulan niya na ang pagpipinta.
'Ikinagagalak kong makilala ka... Luna...' Natapos na siyang magpinta at kasabay nito ang tuluyang pagtulo ng mga luha niya.
~☀️~
Sa isang silid sa barko naroon ngayon si Sol. Maaga siyang nagising ngayon. Ginawa niya muna ang mga dapat niyang gawin at matapos noon ay nagkulong na siya sa kanyang kwarto. Dahil wala naman siyang importanteng gagawin ngayon ay nilabas na lamang niya ang kanyang talaarawan at umupo sa kanyang kama. Sinimulan niya ng magsulat.
Limang taon na ang nakararaan noong magsimula siyang magsulat sa isang talaarawan. Doon niya isinusulat ang mga nangyayari sa kanya sa araw-araw. Doon din niya isinusulat ang totoong nararamdaman niya.
Mahal kong Luna,
'Kamusta?
Matagal na panahon na ang lumipas simula noong makita at makilala kita Pasensiya kung biglaan akong nawala noong araw na iyon
Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos saiyo
Naalala mo pa kaya ako?
Sana naman ay oo dahil ako hindi kita nalimutan at hinding hindi kita malilimutan
Sa bawat minuto sa bawat oras na dumaraan naalala kita
Ang maganda mong mukha
Ang mahinhin mong boses
At ang ngiti mong nakakatunaw ay kailanman hindi ko nalimutan
Kung nasaan ka man ngayon ay sana ayos ka lamang
Nararamdaman ko na malapit na tayong magkita
Sana sa muling pagkikita natin
Sana ay mas makausap at mas makasama pa kita ng matagal
At sana'y hindi na tayo magkahiwalay pa.Nagmamahal, Sol.
~☀️~🌙~
Sa pagsapit ng gabi, sa maliwanag na buwan nakatanaw ang dalawang pusong parehong nangungulila sa isa't isa.
Parehong nananalangin at parehong naghihintay sa kanilang muling pagkikita.
Hindi napapagod umasa na muli silang pagtatagpuin ng tadhana.
"Hindi man ngayon ngunit sa tamang panahon. Tayo ay muling magkikita at magkakasama" sabay nilang bulong habang nakatingin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna
RomanceAng kwento ng isang araw at ng isang buwan na patuloy pinaghihiwalay ng kalawakan. Makakayanan ba nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan? Mapapatunayan ba nila na ang kanilang pag-iibigan ay parang isang eklipse ng araw na kahit maraming hadlan...