JACK´s POV
“Kamusta buhay may asawa?” Tanong sa akin ni Ashley pagkaupo na pagkaupo ko sa upuan ko.
“How´s honeymoon?” Sunod naman na tanong ni Andrea.
“Yummy ba bess?”
“may abs?”
“ilang packs?”
“naka-ilang round kayo?”
“Masakit ba?”
“Malaki ba?”
*BOOOOOGGSSSSHH*
“Aray!” daing nilang dalawa sa sakit. Eh pano, binatukan ko silang dalawa. Bastos kasi ang nasa isip. AS IF NAMAN NA GAGAWIN NAMIN ANG KABASTUSANG INIISIP NG MGA TO! NOT IN A MILLION YEARS!
“Kayo.. an gaga-aga bastos ang nasa isip niyo. Gaya ng sabi ko, hinding hindi ako mafa-fall sa lalaking yun.” Matatag na sabi ko. Kilala ko ang sarili ko. He got the looks but hindi niya nakuha ang ugali na hinahanap ko sa isang lalaki.
“Hmm.. What if we make pustahan?” napatingin kami ni Ashley kay Andrea.
“Anong pustahan?” tanong ko. May binulong si Andrea kay Ashley kaya pareho na silang nakangiti ng nakakaloko sa akin.
“pupusta kami. Kapag na-inlove ka sa kaniya, you are going to grant our wishes.” I smirked.
“Piece of cake. And what if ako ang nanalo?” I asked back.
“Then humiling ka ng kahit anong bagay na gusto mo. Basta wag mahal ah. Alam mo naming poorlets lang kami.” My smirked turn into a grin.
“DEAL.” Sambit ko at pumirma sa so called contract na ginawa nila agad.
Hinding-hindi ako mai-inlove sa lalaking yun. Kahit sobrang gwapo niya kahapon nung nasa photo shoot kami. Kahit na may 8 pack abs niya, hindi pa rin ako mai-inlovesa kaniya.
Itataga ko yan sa bato.
“Miss Molixes! Nakikinig ka ba?!” ha? Napatingin ako sa terror na teacher naming na ang boring magturo pero kung magalit dahil hindi kami nakikinig eh wagas.
“Ah! Sorry maám.” Paumanhin ko. Mahirap magalit yan. Baka mapagdiskitahan na naman ako eh. Ewan ko ba jan kay maám kung bakit palagi niya akong pinapahiya. Nung pangalawang araw ko dito, dahil sa sobrang boring ng tinuturo niya, pinagalitan niya ako at pinarusahan. Ang parusa ay isulat ang pangalan ko gamit ang pwet ko.
“Explain to me today´s brainy quote. “WISDOM..comes not from AGE but from EDUCATION and LEARNING.” – Anton Chekhov.” Sabi ni Mam.
Wisdom comes not from age but from Educuation and learning?
“Ang talino ay hindi nakukuha sa araw-araw na dumadaan at tumatanda ka o hindi nakukuha yun sa bawat araw nakumilipas. Nakukuha yan sa pag-aaral. Dahil kahit na ilang araw,lingo,buwan, o taon na ang lumipas, kung hindi ka natututo, ay hindi matatawag na talino.”
Whoo! Ang galing mo!
WOW. Pano mo yun nasagutan?
“Very well. Sit down.” Malumanay na sabi ni Mam kaya umupo na ako.
“huy. Umamin ka nga, nag-aaral ka na ba ngayon?” tanong sa akin ni Ashley.