Chapter 7

13 2 0
                                    

JACK´s POV

Ahhh!

Gusto ko pang matulog! Bahala siya sa buhay niya. Sa hotel nalang ako matutulog mamaya. Kung sa bahay naman kasi, walang tao doon. Mga maids lang at guard. Dahil sila Lolo at Lolo Ernesto ay nilibot ang buong mundo. Gusto raw kasi nila na sa mga taon,buwan,lingo o araw na natitira sa buhay nila, gusto nilang i-ubos sa pamamsyal.

Pagkababa ko sa dining hall ,sinalubong ako ni Mama ng may ngiti sa labi.

“Good morning po” I greeted.

“Halika na! kakain na tayo.” Masiyahin naman si mama. Buti pa siya at mukhang maganda ang gising niya at mukhang nakatulog siya ng mahimbing kagabi. Ako hindi.

Pinaupo niya ako sa tabi ni Jacob. Psh. Nang magkatinginan kami, poker face lang siya. Mapansin ka sana ng laway.

Nilagyan ni mama ng rice,hotdog,egg at tocino sa plato ko. Ganito pala kasarap ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina kahit IN LAW lang.

Siguro ito rin ang dahilan kung bakit gusto ni Lolo na ikasal ako sa isang taong may pamilya na maalaga. Siguro alam ni Lolo kung gaano ako nangungulila sa isang alaga ng ama at ina.

“Kain mabuti.” Sabi ni mama at umupo na sa tabi ni papa. Napatingin ako kay Junjun at sinungitan ako. Ano bang problema ng magkapatid na to? Pakiramdam ko, silang dalawa ang magiging magkasabwat sa—

“Oh, ano iniisip mo? Masama ba pakiramdam mo? Ayaw mo ba ng ulam?” huh? I shooked my head while turning my look at them.

“A-Ani(No).” I said and smiled as I started to eat.

“nga pala, Mama.. papa.” Tawag ko sa atensyon nila kaya napatingin silang apat sa akin.

“kung pwe-pwede po sana..sa hotel nalang ako matulog.” Nanlaki ang mata nila Mama at Papa sa sinabi ko.

“What?Why?” tanong ni Mama na tila nalungkot sa sinabi ko.

“Ah—“ magsasalita palang ako ng biglang sumingit si Jacob.

“Mabuti yun.” I rolled my eyes. Tsk.

“Jacob!” sigaw ni Papa sa kaniya.

“Gaya po ng sabi ko, kung pwede po sana, sa hotel nalang po ako matutulog. Di po kasi ako sanayng may katabi matulog lalo na kung demonyo katabi ko.” I said.

“What did you just said?” pasigaw na tanong niya sa akin. Bingi. At bakit, tinamaan siya? Tsk. I didn´t mind him at tinuon nalang ang pansin ko sa pagkain nang magsalita si Papa.

“But you both are married now. At kahit na hindi ko sundin ang bilin ng elders,hindi parin kita papayagan dahil pamilya ka narin namin.” Sabi ni Papa.

“or kung gusto mo,ipare-renovate ko nalang ulit. Alalagyan ko ng glass door ang kwarto na mahahati sa dalawa bilang separation niyong dalawa.” Huh? Di ko ma-gets.

“Ang ibig sabihin ni Joseph ay yung kwarto ni Jacob , hahatiin sa dalawa.” Sabi naman ni Mama. Ah. Ganun ba.. I nodded as a response.

“sige po mama.” Pag sang-ayon ko kahit hindi ko masiyado maintindihan. Siguro best way narin yun.

After we ate breakfast,I decided to go in the pool habang dala ang laptop ko. Sinimulan na kasing ipaayos ang kwarto ng demonyo kong asawa.

My Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon