JACK´s POV
“o my. Anong nangyari sa paa mo?” pag-aalalang tanong ni mama pagkapasok ko sa bahay.
“Na-sprain po mama at natuluyang napilay. Pero ayos na po ngayom.” Sabi ko at nginitian sila.
“Ma, asan si Papa?” I asked.
“Ah..pinatawag siya ng Lolo mo. Masiyado niya raw kasing binubugbog ang sarili niya sa trabaho kaya yaun, pinasama siya sa Europe para makapasyal.” Sabi ni mama kaya napatango ako.
“Junjun! Penge ako!” sigaw k okay Junjun na nanunuod ng T.V dito sa sala. Paborito ko kasi ang kinakin niya.
“Ayoko nga! Kumuha ka ng iyo.” Masungit na sabi niya so I pouted. Bumait na nag kuya niya, diba dapat sunod naman na bumait si Junjun?
“Gusto mo rin ba ng lasagna?” tanong ni Mama kaya tumango ako.
“Paborito ko yan mama.” Excited na sabi ko.
“sige..ihahatidan ko nalang kayo ni Jacob sa kwarto niyo. Mukhang pagod kayong dalawa eh.” I nodded at pilit inaabot ang crutches ko nang may biglang bumuhat sa akin.
“Pahihirapan mo lang sarili mo. Kailangan mong lagpasan ang 60 stairs para lang makapunta sa third floor.” Napalunok ako ng ilang bess at tumango nalang as he started to walk.
“Pasalamat ka at hindi ka mataba. Kung mataba ka, kanina pa kita hinulog sa hagdan.” Psh.
“Devil ka talaga.” Natatawang sabi ko. Mukhang makinis ang mukha niya at walang kapimple-pimples.
“Oy, baka naman pinagnanasahan mo na ako niyan.” Natatawa niyang sabi kaya pinukpok ko ng mahina ang braso niya.
“Joke lang. guilty ka naman masiyado.” I smiled. Hindi ko pa nakikita ang ganitong side niya ah.
“Teka..bat sa C.R mo ako dinadala?” I asked.
“Maligo ka. Ang baho mo na eh.” Namula ako sa sinabi niya at palihim na inamoy ang sarili ko. Amoy pawis nga talaga ako. Tinapunan niya ako ng pajama at isang loose shirt at sinara na ang pinto.
May ibabait rin pala talaga ang lalaking to.
Dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug
W-What the? Bakit ito na naman ang mala-talbog ng bola na tibok ng puso ko? Ganito yung naramdaman ko kanina sa basketball court.
Ang hirap palang maligo ng nakataas ang isang paa sa isang patungan. Hayy.
Nagsimula akong maglakad palabas ng C.R habang nakakapit sa mga pwede kong makapitan para pang-alalay.
“Tapos ka na ba?” tanong niya sa labas.
“Oo! Sanadali lang at lalabas na ako.” Sigaw ko. Bakit ba kasi ang luwang ng C.R?! 25 steps pa ata ang kailangan kong lakarin bago makapunta sa pintuan.
“AHHH! Bat ka pumasok?!” tanong ko sa kaniya. Bigla nalang kasing pumasok! Bastos na Devil to.
“Tsk.” He tsk-ed at naglakad papunta sa akin. Naglakad ako ng isang bess at sa isang bss nay un, ang dahilan kung bakit mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.DUG
Sa hindi inaasahang pangyayari, basa ang parte na naapakan ko kaya nadulas ako. Sa bilis ng reflexes ni Jacob ay nasalo niya ako mula sa muntikang pagbagsak ko sa sahig.