Lamig ng Ulan

2 0 0
                                    

Sa bintana ako ngayo'y nakadungaw,
Pinagmamasdan ang mga dahong sumasayaw,
Ramdam ko ang ginaw ng pagaspas ng hangin,
Sing lamig ng pagtrato niya sa akin,

Dinig ko ang bawat pagpatak ng ulan,
Sabay ng pagpatak ng luhang kay tagal pinigilan,
Nakakalungkot pagmasdan ang ganitong tanawin,
Nawa'y bahaghari gumitaw sa aking paningin.

Silid ng Tulang Katha ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon