Pinitas na Bulaklak

3 0 0
                                    

Sa isang malawak na harden,
Isang bulaklak ang namukadkad,
Ang kanyang talulot kumikislap,
Tila ba isang bituin na nagniningning,

Dahil  sa kariktan ng bulaklak,
May taong nakapansin sa kanyang kislap,
Walang pasubaling pinitas,
Kanyang sangang kay aliwalas,

Sanga nito'y nagdurugo,
Para bang luha ng isang tao,
Nagluluksa sa sakit na dinaramdam nito,
Tila ba pusong winasak at pinirapiraso,

Bakit nga ba pinitas ang bulaklak na ito,
Naku! Marahil sa kinahumalingan lang ito,
Gaya ng taong pinili dahil sa kariktang taglay,
Na sa huli'y pinagsawaan at iniwan ng lumbay,

Silid ng Tulang Katha ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon