Halina't maglakbay sa pasilyo ng nakaraan,
Kahapong alaala lamang ang naiwan,
Na dahil sa pang-aabuso ng mga tao,
Dumatal ang isang matinding pagbabago,Mga punong kay aliwalas tingnan,
Sanga nito'y nakadapo ang ibong nagkakantahan,
Sa ilalim nito'y magsasakang nagpapahangin,
Sariwang prutas kanyang kinakain,Daloy ng tubig kay sarap pagmasdan,
Samut-saring isda'y iyong matatagpuan,
Sa malinis na ilog na sing linaw ng salamin,
Binata'y namimingwit ng isdang makakain,Halina't maglakad sa kasalukuyan,
Mga berdeng punong dati'y nagsiramihan,
Pinutol at inabuso sa pansariling kagustuhan,
Ngayo'y pinalitan ng gusaling nagsilakihan,Tubig na dati'y sing liwanag ng araw,
Ngayo'y nangitim sa karumihang nag-umapaw,
Nasaan na ang kay dalisay na tubig?
Ayon! napuno ng basura ang bawat paligid,Nakakalungkot isipin na isang hamak tao,
Isang hamak na tao ang nagsanhi ng delublyo,
Tao na walang alam kundi ang pagkonsumo,
Tao na kalaban ng kalikasang yumao,Wala na! Wala na ang dating matiwasay na kalikasan,
Alaala ng kahapo'y nanatiling larawan lamang,
Larawan na kay sarap pagmasdan,
Larawan na tumatak sa puso't isipan.
BINABASA MO ANG
Silid ng Tulang Katha ng Puso
Thơ caMaiikling tula, bunga ng samut-saring damdamin. Nawa'y inyong magustuhan ang tulang likha ng aking puso't isipan. P.S.: Isa po akong amatuer na manunulat kaya pagpasensyahan niyo po kung may pagkakamali man sa kinatha ko.