Habang ako'y naglalakad,
Bigla kong napadpad,
Sa lugar kung saan,
Ika'y pinagmasdang lumisan,Napatigil ako't biglang nakita,
Mga ala-alang tayo'y maligaya,
Napangiti nalang ako sa lungkot,
Kahit ang damdami'y pilit ginagamot,Batid ko ang kirot,
Sa puso kong tila kinukurot,
Mainit na tubig biglang sinakop,
Aking matang puno ng lungkot,Napatigil ako ng biglang may nakatayo,
Sa aking harapa'y naglahad ng panyo,
Dali kong kinusot aking mga mata,
Nakangiti siya habang ako'y tulala,Mundong madilim biglang nagliwanag,
Masikip na damdami'y kusang lumuwag,
Nang mabatid kung sinong kaharap,
Nagbalik ka taong kay tagal hinanap.
BINABASA MO ANG
Silid ng Tulang Katha ng Puso
PoetryMaiikling tula, bunga ng samut-saring damdamin. Nawa'y inyong magustuhan ang tulang likha ng aking puso't isipan. P.S.: Isa po akong amatuer na manunulat kaya pagpasensyahan niyo po kung may pagkakamali man sa kinatha ko.