Nakakasugat na Patalim

5 0 0
                                    

Bihira lang sa inyo ang may alam ng nakakasugat na armas,
Tugon ng galit na kay lakas ang hampas,
Armas na ang pinupuntirya'y ang  kaloob-loobang puso,
Tumatagos ang patalim nito kaya labis na nagdudulot ng dugo,

Bawat isa sa atin ay nakakaramdam ng galit,
Na pag sumabog nais ang tao'y mamilipit sa sakit,
Dahil sa galit nagagawa nating magbuga ng init,
Init na siyang naghulma ng nakakasugat na patalim,

Walang tayong kaalam-alam na ang dila ang siyang mapanganib na armas,
Dila ang siyang nakakasugat sa loob na di makikita sa labas,
Dila ang siyang humihiwa sa ugnayan ng bawat magkakapatid,
Dila ang siyang sa wawasak sa binuong pagmamahal dulot lang ng damdaming ganid,

Ngayon, magpapadala ka pa ba sa galit?
Kung magdudulot lang ito ng kapanglawang kay bagsik,
Ayaw mong maging malungkot ngunit ikaw ang siyang lumalapit,
Ikaw ang siyang nagpalamon sa galit kaya mundo mo'y kay pait,

Walang maidudulot na maganda ang galit, itaga mo yan sa kukuti,
Likha ng kasamaan ang galit na kahit kailan di makakabuti,
Wag kang umasang sasaya ka kung di mo pinagsikapan mawala ang tinta,
Tinta na siyang dumumi sa mga kabanata ng iyong istorya,

Ngayon, kung papipiliin ka alin ang iyong gusto,
Ang nananakit na siyang may matalim na dila?
O ang nasasaktan ngunit kay dalisay ang bawat salita,
Nasa sayo ang desisyon aking mambabasang kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silid ng Tulang Katha ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon